Eight contestants remain in the running to be the Next Big Star

Frequent bottom-placers Greggy Santos and Alexa Ortega make it to the top eight of GMA-7's reality show Are You the Next Big Star? They were in the bottom group again this week, but have once again been saved by text voting.


Patuloy pa rin ang lucky streak nina Greggy Santos at Alexa Ortega sa Are You The Next Big Star? Nakasama sila sa top eight ng nasabing GMA-7 reality singing contest kahit na ilang beses na silang napunta sa bottom group.

Sa episode ng Are You The Next Big Star? na ipinalabas kaninang gabi, July 25, ay na-eliminate na ang ex-Dance Squad member na si Bobby Solomon at ang 17-year-old Batangue├▒ang si Cara Quiapos. Bukod kina Greggy at Alexa, nakapasok naman sa top eight sina Jay Perillo, Geoff Taylor, Alex Castro, Francheska Farr, Zyrene Parsad, at Camille Cortez.

Pang-apat na beses nang nalalagay sa bottom si Greggy sa kumpetisyon kaya naman masayang-masaya siya at makakapagpatuloy siya dito. Malaki ang pasasalamat niya sa mga text voters, dahil lagi siyang naliligtas from elimination.

"Nalungkot po ako, pero alam ko namang ginawa ko ang best ko. Sabi ko po sa sarili ko, babawi na lamang ako sa susunod kung hindi ako mai-eliminate. Iyon pong second time na nasa bottom two ako, kasalanan ko po kasi may nalimutan akong isang line sa kanta ko. Salamat po sa text voters, na-save nila ulit ako," paliwanag ng dating QTV11 VJ.

Pangatlong beses naman ni Alexa na mapadpad sa bottom group. Ayon sa dating Nickelodeon host, hindi ito dahilan upang mapanghinaan siya ng loob.

"I'm just gonna keep doing my best and everytime I'm safe in the bottom it's such a good feeling... people appreciate what I'm doing, that's what I focus on na lang," pahayag ng bubbly teen singer.

This week, muling nakasama sina Greggy at Alexa sa bottom group, kasama sina Geoff Taylor at Camille Cortez. Pero nailigtas sina Greggy at Geoff, kaya next week ay isa kina Alexa at Camille ang siguradong matatanggal.

Nakataya sa Are You The Next Big Star? ang mga premyo tulad ng one million pesos (P 1,000,000), isang condominium unit from Avida, isang management contract sa GMA Artist Center at isang recording contract from GMA Records, kaya naman puspusan na ang labanan ng walo pang natitirang kandidato, lalo na't napapalapit na ang grand finals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN