Former sexy actor Mike Magat reveals past relationship with Katrina Halili

"Noon pa niya gustong mag-artista dahil kapag nakikita niya sa bahay ang mga script na ipinapadala sa akin, binabasa at iniaarte niya. Biniro ko nga siya na baka kapag sumikat siya, hindi na niya ako makilala. Ang sabi niya, 'Hindi, 'no!'" relates former sexy actor Mike Magat (main photo) about former girlfriend Katrina Halili (inset).


Matagal nang balita na nagkaroon ng relasyon noon ang dating sexy actor na si Mike Magat at si Katrina Halili. Pero walang kumpirmasyon dahil nagsalita noon ang controversial actress na hindi niya kilala si Mike.

On the other hand, nanahimik din si Mike. Kahit kumalat ang balita na 16 years old pa lamang noon si Katrina nang makipagrelasyon kay Mike, at nakita ng aktor ang young sexy actress sa set ng Ang Huling Birhen Sa Lupa, ang pelikula na ginawa ni Mike noong 2002 at kinunan sa Anilao, Batangas. Sina Ara Mina, Maui Taylor at Jay Manalo ang co-stars ni Mike sa nasabing pelikula.

At that time, nag-aaral pa si Katrina, hindi pa siya sumasali sa StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Hinanap noon si Mike ng staff ng mga showbiz talk shows para mainterbyu tungkol sa naging kaugnayan niya kay Katrina, pero tumanggi siya. Ayaw ni Mike na maakusahan siya na manggagamit dahil unti-unti nang nakikilala noon si Katrina.

Noong Sabado ng gabi, July 25, nakita ng PEP (Philippine Entertainment portal) si Mike sa party ni Senator Jinggoy Estrada para sa close friends nito. Nagkataon na iisang table ang aming puwesto kaya sinamantala namin ang pagkakataon na tanungin siya.

STARSTRUCK 16-YEAR-OLD. Napilitan si Mike na magsalita dahil nasaktan para sa kanya ang mga kaibigan niya na nakakaalam sa nakaraan nila ni Katrina. Ang mga kaibigan ni Mike ang nagalit nang sabihin ni Katrina na hindi nito kilala ang aktor na naging karelasyon niya sa loob ng walong buwan.

Pero kahit idinenay siya ni Katrina, nalungkot si Mike nang masangkot ang ex-girlfriend sa sex video scandal ni Dr. Hayden Kho, Jr.

Kuwento ni Mike, "Sixteen years old si Chiqui [palayaw ni Katrina] nang maging kami. Nagkakilala kami sa isang salon at naging magkaibigan muna kami bago nagkaroon ng relasyon. Fresh na fresh noon si Chiqui at noon pa man, iyakin na talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noon pa niya gustong mag-artista dahil kapag nakikita niya sa bahay ang mga script na ipinapadala sa akin, binabasa at iniaarte niya. Biniro ko nga siya na baka kapag sumikat siya, hindi na niya ako makilala. Ang sabi niya, 'Hindi, 'no!'"

Parang nagdilang-anghel si Mike dahil naging artista si Katrina nang sumali ito sa StarStruck. Nagkatotoo rin ang kanyang biro kay Katrina dahil nang magkasama sila sa taping ng Gagambino, tagusan daw ang tingin sa kanya ng ex-girlfriend. Hindi man lamang daw siya binati ni Katrina.

Hindi naapektuhan si Mike sa naging trato sa kanya ni Katrina, pero ikinalungkot niya ang pagsasalita ng dalaga ng "Hindi ko siya kilala, 'no!" Wala raw nakikitang masama ang dating sexy actor kung sinabi ni Katrina na magkakilala o magkaibigan sila dahil hindi siya magiging hadlang sa showbiz career ng dalaga.

"BILIB AKO KAY MARICAR REYES." Isang importanteng aral ang gustong iparating ni Mike sa mga baguhang artista. Aral na na-realize niya nang masangkot si Katrina sa sex video scandal.

Ani Mike, "Dapat maging humble sila dahil kung sino ang mga tao na makakasalubong nila sa pag-akyat, sila rin ang mga tao na makakasalubong nila sa pagbaba. Huwag magpapadala sa tagumpay na inyong natikman. Huwag gawin sa ibang tao ang ayaw ninyo na gawin sa inyong mga sarili.

"Kaya nga bilib na bilib ako kay Maricar Reyes dahil hindi siya nag-ingay o nag-deny. Tumahimik lang siya nang kumalat ang kanyang mga sex video. Nakuha ni Maricar ang respeto ko. Mataas ang respeto ko sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN