Actress Ina Raymundo won't do sexy scenes anymore

"Isa kasi talaga yun sa mga restriction ko. Ayaw ng asawa ko. Yun lang talaga, bawal talaga. Ayaw niya. At kahit ako rin naman, ayoko rin," says Ina Raymundo about doing sexy scenes.


Nagiging visible lately si Ina Raymundo sa ilang TV series. Huli siyang napanood sa All About Eve ng GMA-7, pero ilang araw lang siyang napanood dito. Ngayon naman, sa Kapamilya network siya susunod na mapapanood through the new episode of Precious Hearts Romances, "Midnight Phantom."

Feeling ni Ina, nakaka-relate siya sa character na gagampanan niya kung kaya't tinanggap niya ito. She will be playing the role of Anya, a lounge singer for 10 years. Pagkaraan ay nagbago si Anya at inalagaan ang stepdaughter niyang si Nadia, na gagampanan ni Denise Laurel. Pero bago yun, may "past" si Anya with Rafael Rosell's character.

"I can relate to the character, interesting. Although si Anya, mas may darker side kasi siya," paglalarawan ni Ina sa kanyang role.

Aminado si Ina na na-miss niya ang pag-arte. Pero may kinalaman daw ang eldest daughter niyang si Erika, 8, sa pag-showbiz niyang muli. Nakikita raw kasi niyang proud ang anak kapag napapanood siya sa telebisyon at nakikitang may nagpapa-picture din sa kanya.

"Sasabihin niya, 'See? I told you, they still know you!' Nakakatuwa talaga."

Pinabulaanan naman ni Ina ang akala ng marami na sa Canada na siya naka-base, kasama ang kanyang Canadian husband na si Bryan Poturnak at ang tatlo nilang mga anak.

"Nandito pa rin ako," sabi ni Ina. "Tahimik lang talaga, low profile. Although madalas din kaming magpunta ng Canada, like kakabalik ko lang. Pero mas nandito kami. Kasi, mas gusto ko rito. Mas masaya ako dito, kasama ko ang family ko. Yung weather dito, mas gusto ko. So, buti na lang yung asawa ko, supportive, ayaw niya ng weather dun."

INA'S LIMITATIONS. During the story conference of "Midnight Phantom," kung saan ipinaliwanag sa cast ang kanilang roles, hindi nag-atubili si Ina na mag-raise ng concern niya dahil sa intimate scenes ng character niya sa serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, kasi sa unang eksena pa lang... Parang afternoon show, pero medyo love scene, medyo weird, wild! Parang never ko ngang nabasa ang ganoong klaseng script kahit sa movie, tapos, 'eto TV, afternoon show. So, curious ako, paano mangyayari yun, e, afternoon show? Kaya yun nga, we'll do something about it," saad ni Ina.

Diretsong sinabi ni Ina na kung may restriction man siya sa pagbabalik-showbiz, ito ay ang kissing scenes at love scenes.

"Isa kasi talaga yun sa mga restriction ko," sabi niya. "Ayaw ng asawa ko. Yun lang talaga, bawal talaga. Ayaw niya. At kahit ako rin naman, ayoko rin."

Dito pumasok ang possibility na maging cover girl siya ng men's magazine. Bago kasi mag-asawa si Ina ay nakilala siya sa kanyang sexy image. Bukod pa sa katotohanang kahit tatlo na ang anak niya ay napapanatili pa rin ang kanyang kaseksihan.

"Naku, ayaw niya [her husband] at saka, ayaw ko rin!" nakangiti niyang sabi. "At saka wala akong guts, magiging awkward ako. Hindi ko na kaya yung mga looks na magpu-project. Natatawa ako sa sarili ko kapag nagagawa ko yun."

Hindi ba't nagawa na niya ito before?

"Naku, that was ten years ago!" bulalas ni Ina. "Hindi ko na kayang mag-project, hindi ko na talaga kaya. At saka siyempre, ayoko rin namang makita ng mga anak ko."

Pero may offer ba sa kanya?

"Dati meron...siguro, three years ago. Pero natatawa lang ako. Sabi ko, 'Thank you, ha, flattered ako, pero I can't.' At saka tinanong ko ang husband ko that someone asked me to be a cover of a men's magazine, sabi niya, 'No'. And sabi ko rin, 'I know, my answer is 'no' also.'"

Pero aminado si Ina na flattered siya kapag may nagsasabi sa kanyang sexy pa rin siya.

"I'm more flattered than before. Kasi, siyempre, when you are young, you hear a lot of comments like that, pero parang you just take it for granted. Pero now, every word na compliment, thank you so much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero alam ba ng mga anak niya na sexy ang image niya before?

"Yes, alam nila," sagot ni Ina. "Like kailan lang, may nakita silang magazine ko na cover ko sa People magazine, na naka-panty lang ako at blouse. They didn't say anything. Actually, my daughter, she was proud. Parang, 'Wow!' She's very smart, liberated, hindi siya narrow-minded. Parang mana siya sa daddy niya. Parang para sa kanya, work yun.

"And I think, she likes it more and, I think, she likes to do it in the future. Minsan gusto niyang sexy ang damit niya. Parang ako, 'No, no, Erika...' May mga fears ako, pero that's still a long, long time pa naman."

Si Aubrey Miles ang isa sa mga sexy mom na nag-pose pa rin nang nakahubad sa FHM magazine. Ano ang masasabi ni Ina rito?

"I admire them for their guts. Talagang, alam mo yun, wow, I admire their body! Pero for me, I can't," sabi ng aktres.

Looking back ba, may regrets ba na gumawa siya ng sexy roles before?

"Siguro kung hindi ako Christian, meron siguro," aniya. "Pero ngayong Kristiyano na ako, alam ko na napatawad na ako ni God sa mga ginawa ko, at napatawad ko na rin yung sarili ko sa mga bad decisions ko before. And now, I'm so happy. I'm healed. Kung anuman ang past ko na hindi maganda, healed na ako dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN