Arnold Reyes ecstatic over his first-ever award as Best Supporting Actor in Cinemalaya Filmfest

"I never expected this, not at all. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nanalo ako. Nung tinawag ako sa stage to receive the award at para magpasalamat, di ko alam kung ano ang sasabihin ko," says theater actor-TV host Arnold Reyes about his Best Supporting Actor award for Astig in Cinemalaya Film Festival.


Sa hanay ng mga indie films na nagawa na ng theater actor-TV host na si Arnold Reyes, ang role niya sa Astig ang tumatak nang lubos. Katunayan, Naging Best Supporting Actor nga siya para sa pelikulang ito sa katatapos na 5th Cinemalaya Film Festival awards night na ginanap kagabi sa CCP Complex.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Arnold, overwhelmed at di pa rin makapaniwala ang aktor sa karangalang ipinagkaloob sa kanya ng Cinemalaya.

"Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala!" bulalas muna ni Arnold. "Kasi pumunta lang ako dito para um-attend ng awarding, 'tapos heto na. Nagbunga na lahat ng pagod namin at pagtitiwala na ibinigay sa amin paggawa ng Astig.

"I never expected this, not at all. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nanalo ako. Nung tinawag ako sa stage to receive the award at para magpasalamat, di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Basta isa-isa na lang pumasok sa isip ko lahat ng gusto kong pasalamatan.

"Siyempre, yung manager ko, si Mr. Boy Abunda who is also the producer of Astig. Our director Direk GB Sampedro, Noel Ferrer, at sa lahat ng mga kasama sa paggawa ng pelikulang ito. This is my first award. Ito yung kauna-unahang award na natanggap ko sa acting, so, I'm very, very honored and thankful."

Matagal na rin sa indie films si Arnold, pero aminado si Arnold na ang role niya sa Astig ang pinakamahirap at pinaka-challenging sa lahat ng nagawa niya.

"Marami na akong nagawa, but this is my biggest role na nagawa ko at pinakamahirap, kasi nag-aral ako ng ibang lengguwahe at saka ibang tao ang pinortray ko dito at nagbunga naman ang lahat ng pag-aaral at paghihirap na ginawa ko, so, ang sarap ng feeling."

Kamakailan, nag-guest sa telesreyeng Only U ng ABS-CBN si Arnold. Masaya rin niyang ibinalita sa PEP na kasama din siya sa In My Life ng Star Cinema kung saan makakaeksena niya ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda ang role ko dun, medyo nakakatawa, manugang ako ni Ate Vi, medyo inis siya sa akin. Medyo comedy ang dating, kakaiba ang dating, so, maganda. 'Saka siyempre, napakalaking karangalan din to work with Ms. Vilma Santos, John Lloyd [Cruz] and Luis [Manzano]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN