Carla Abellana feels closer with leading man Geoff Eigenmann than before

"We text each other, but it's not like he's courting me formally. Wala namang ganun, e. Siguro, masyado pa kasing mabilis. Parang dahan-dahan muna. Ganyan," says Carla Abellana about Rosalinda leading man Geoff Eigenmann.


Busy na talaga ang schedule ni Carla Abellana simula nang i-launch siya sa GMA-7 primetime series na Rosalinda. Kahapon, July 26, after niyang mag-guest co-host sa SOP ay may isa pa siyang schedule na pupuntahan. Kinagabihan naman ang call time niya sa taping ng Rosalinda sa Batangas.

Pero nakikita naman sa aura ng baguhang aktres na masaya siya sa kanyang ginagawa.

"Busy po, pero nag-e-enjoy pa rin. Masaya po ang taping. Nakakapag-taping po kami sa ibang location. So, yung story po, mas nagiging complicated, medyo heavy na yung drama. Pero magbabago rin po yun after a while," sabi ni Carla sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng SOP.

"Appetite" pa rin ang unang binanggit ni Carla when we asked her kung ano na ang nagbago sa kanya simula ng Day 1 ng Rosalinda. "At saka, energy and lifestyle," dagdag niya.

Sa press conference noon ng Rosalinda, nasabi niyang wala pa masyadong nakakakilala sa kanya. In fact, nakakapaglakad pa raw siya noon sa malls nang normal lang.

"Yes, pero ngayon po, meron na," nakangiting sabi ni Carla. "Although, hindi pa rin naman po ako nakakapag-mall sa busy ng schedules. Pero kapag lumalabas po ako, like I go to some public places, meron na. May nakakakilala na, pero as Rosalinda. Tinatawag nila akong 'Rosalinda,' then nagpapa-picture sila. So, meron na po kahit papaano."

Masaya naman daw si Carla at ang iba pang bumubuo ng Rosalinda sa itinatakbo ng kanilang programa. But we told her na medyo hindi consistent ang rating ng kanyang drama series. Minsan ay nakakaungos sila, pero may time din na nauungusan sila ng katapat na programa. Ano ang masasabi niya rito?

"Opo, on and off siya," pag-amin ni Carla. "Pero due to different reasons naman. Ang importante ay maayos pa rin ang story. Marami pa rin ang nanonood. May mga times naman na good ang rating namin. Hopefully, tuloy-tuloy lang na ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang lola raw niya na si Ms. Delia Razon ang isa sa maituturing na avid fan ng Rosalinda.

"Naku, gabi-gabi nanonood 'yan!" bulalas ni Carla. "Kinikilig, natatawa, naiiyak... So, kada episode, kapag nagkakasalubong kami sa bahay, pinupuntahan niya ako at kinukuwentuhan niya ako."

Ngayon ba ay wala na yung feeling na napi-pressure siya?

"Nandiyan pa rin," pag-amin ni Carla. "Actually, mas nadagdagan nga mula nang mag-umpisa ang Rosalinda. Ano lang, siyempre, yung image at reputation and, of course, yung acting, kailangang ingatan nang mabuti. Okey naman dahil ang daming sumusuporta. Ang daming tumutulong sa akin na nakapaligid."

"SPECIAL NURSE." Sa ilang buwan na nilang magkakasama sa Rosalinda, mas close na raw sila ng buong cast ngayon at, siyempre pa, ang leading man niya na si Geoff Eigenmann.

"Mas close na kami sa isa't isa," sambit ni Carla. "Better na, mas better. Mas close kami than before at saka ganun pa rin siya. He's still very sweet and mabait to me, walang problema."

Hindi itinanggi ni Carla ang nabalitaan namin na last week ay nagkasakit habang nagte-taping sa Taal, Batangas. Umakyat daw hanggang 39.5 degrees ang fever niya.

"Yes, nagkasakit ako. Medyo na-hold nga ang taping namin that day, e. Gumaling din naman ako noong mismong araw na yun," kuwento ng 23-year-old newcomer.

May "special nurse" daw si Carla noong araw na yun na nagpunta sa taping ng Rosalinda kahit late pa ang call time nito. Totoo ba ito?

"Marami akong nurse! Ang daming nag-alaga sa akin!" natatawang sagot ni Carla. "Siyempre, yung mga PA namin, even the director himself, and, of course, si Geoff, he was there, hindi niya ako iniwan. Nawala naman ang fever ko."

Totoo nga bang dumating si Geoff nang mas maaga sa call time nito nang malamang may sakit siya?

"Hindi ko alam kung ano ang call time niya noon. Ang alam ko lang, inagahan niya nang konti ang dating niya," sagot ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naramdaman ba niya ang concern ng leading man niya sa kanya?

"Oo naman, hindi niya talaga ako iniwan."

GENTLEMAN GEOFF. Marami raw ang nakakapansin sa set ng Rosalinda ng sweetness nilang dalawa ni Geoff. Kaya diretsuhan na namin siyang tinanong kung nanliligaw na ba ang ka-loveteam sa kanya.

"Hindi, hindi naman nanliligaw si Geoff," tanggi ni Carla. "I guess, ano lang, mas gumagawa lang kami ng effort na maging close sa isa't isa. We spend more time together, getting to know each other pa rin. Marami pa rin kaming hindi alam sa isa't isa. Pero closer kami than before."

Masarap pang interbyuhin si Carla dahil hindi pa siya showbiz sumagot. It's either "yes" or "no" pa lang sa dalaga at diretso niyang sinasagot kung ano man ang ibatong tanong sa kanya.

Sa pakiramdam ba ni Carla ay nade-develop na sa kanya si Geoff?

"Meron naman, nase-sense ko naman yun kahit papaano," diretso niyang sagot. "Pero thankful ako for that na napakabait niya sa akin at sweet siyang tao."

Lumalabas na ba sila, nagte-text ba ito sa kanya?

"We text each other, but it's not like he's courting me formally. Wala namang ganun, e. Siguro, masyado pa kasing mabilis. Parang dahan-dahan muna. Ganyan," ani Carla.

Pero nakikita ba niya ang possibility na mahulog din ang loob niya kay Geoff?

"It's possible. I don't know, we'll see na lang siguro," nakangiti niyang sabi.

Dagdag niya, "Actually, I am happy na siya ang una kong naging leading man than anybody else. Napakasuwerte ko na siya ang gumanap na Fernando Jose. Wala siyang bad intention, napakabait niyang tao. He's a good friend, he's a gentleman, and he's very sweet. Thankful ako."

Hindi pa raw sila dumarating sa point na nakalabas na silang dalawa lang dahil palagi raw silang parehong walang time. Hindi pa rin daw nakakapunta si Geoff sa bahay nila. But just in case, welcome ba ang binata sa bahay nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, oo naman! With open arms na sasalubong ang aking lola and my mom, of course!" sagot ni Carla.

MOVIE WITH MARIAN. Kinumusta rin ng PEP kay Carla ang gagawin niyang movie sa Regal Entertainment, na pagsasamahan daw nila ni Marian Rivera.

"Wala pa pong balita," tugon ni Carla. "Ang alam ko, under negotiations pa yun. Wala pa po kasi ang manager ko [Arnold Vegafria] ngayon. Pero as of yung huli kong balita, wala pa po. Hindi pa po yun final kaya hindi ko pa po talaga alam kung kailan magsisimula.

"But of course, if ever po, I'm excited. First movie ko yun, if ever. At saka iba naman yun kasi sanay ako sa TV. Sa movie, iba naman po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN