Stef Prescott also aspires to be a lead star

"Oo naman, siyempre! Everyone in showbiz always prays na sana umangat sila sa pinaka-best nila, di ba? Alam ko naman na tiyagaan lang, e. 'Tsaka ganyan naman ang showbiz, it comes and goes," says Stef Prescott about her dream of becoming a lead star.


Halos pitong buwang nagpahinga si Stef Prescott bago muling sumalang sa harap ng kamera via All My Life nina Kris Bernal at Aljur Abrenica after her stint sa Ako Si Kim Samsoon.

Isa sa mga pinagkaabalahan ni Stef habang nagpapahinga sa pag-aartista ay ang kanyang debut last March 29, na ginawa sa Fernwood Gardens.

Wala siyang escort sa debut niya, and we learned na ni boyfriend or manliligaw ay wala si Stef ngayon. Dati ay nanligaw sa kanya si Rainier Castillo, pagkatapos ay ang kapatid sa ama ni Sen. Bong Revilla na si Ram Revilla.

"I think a year ago siya nanligaw, hindi ko matandaan kung anong month. Nasa Kamandag siya nun yata."

Bakit hindi niya sinagot si Ram?

"Parang mas gusto ko na friends na lang kami. Hindi ko siya binasted, nagkusa siyang tumigil, baka may nagustuhan na siyang iba," nakangiting sinabi ni Stef sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

HAPPY FOR BATCHMATES. Sa All My Life ay magkakabarkada ang role nila nina Kris, Jade Lopez, at Jay Aquitania. Magkaka-batch sa StarStruck sina Stef, Aljur at Kris, at happy si Stef sa success na tinatamasa ng magka-loveteam.

"Oo naman, sila ang winners, they deserve it.

"Yung Dapat Ka Bang Mahalin very successful, and nung nalaman namin na magkakaroon sila ng primetime 'tapos kasama ako, sabi ko, sige gusto ko 'yan."

Hindi siya nagdalawang-isip kahit supporting role lamang ang gagampanan niya.

"Oo naman, never ako nag-isip na, 'Sandali...,' sabi ko gusto ko. Sina Aljur 'tsaka si Kris, friends ko sila. Alam kong kaya nila. Hindi lang to support as an actress kundi as a friend din."

Nagpakatotoo naman si Stef sa pagsasabing balang-araw, gusto niyang siya man ay maging bida sa isang proyekto ng GMA-7.

"Oo naman, siyempre! Everyone in showbiz always prays na sana umangat sila sa pinaka-best nila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko naman na tiyagaan lang, e. 'Tsaka ganyan naman ang showbiz, it comes and goes."

LET OTHERS SHINE. Tatlong taon na mula nang pasukin ni Stef ang mundo ng showbiz bilang isa sa mga produkto ng sikat na artista search na StarStruck. Nababalitang magkakaroon daw ulit ng StarStruck. Pabor ba si Stef na magkaroon ulit nito sa telebisyon?

"Nasa GMA yun, hindi naman siguro kami maaapektuhan. Ang sa amin, kung nakita na naman kami, we had our time na nagpakita na kami ng talent, we had a time also nung StarStruck, so, kung naipakita mo na yung talent mo, hindi ka naman siguro mawawalan ng trabaho kung talagang kaya mo.

"Hindi naman sa established ka na, or whatever. Ano kasi, kahit papaano, yung GMA, aalagaan ka, hindi sila nagpapabaya ng talents nila, lalo na pag homegrown ng GMA, sila na bahala."

JOINING PAGEANTS. Maganda, sexy, at may height, marami ang humihikayat sa kanyang sumali sa mga beauty pageants. Sumali nga siya noon sa Ms. Internet 2008, ngunit hindi pinalad na manalo. How about Binibining Pilipinas, may balak ba siyang sumali rito?

"Para sa akin malaking karangalan na 'yun just to represent our country," banggit ni Stef tungkol sa pagsali niya noon sa Ms. Internet 2008.

"Kung sasali ako ulit ng beauty pageant? Actually, hindi ko alam kung puwede ako sa height ko, 5'5" ako.

"Siguro showbiz muna, sa mga beauty contests kasi... I saw Rich [Asuncion], she prepared so hard for it, and we really supported her.

"Noon nga, nasa StarStruck pa lang kami, sabi namin, pam-beauty queen siya talaga, 'beauty queen' na ang tawag namin sa kanya."

Naging first runner-up si Rich sa Binibining Pilipinas 2009.

"I think tama na si Rich na lang muna yung nag-beauty contest sa batch namin. I saw na it takes a lot of preparations, and sa akin may ginagawa akong movie ngayon, may ginagawa akong show, hindi pa ako siguro handa na sumali sa beauty contest."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN