Frencheska Farr humbly downplays her chances in Are You The Next Big Star?

"Hindi pa naman po tapos ang contest, e. Marami pa kaming pagdadaanan. Ayokong isipin na nakakalamang ako sa ibang kalaban ko. Para sa akin, pantay-pantay pa rin kaming lahat," says Are You The Next Big Star? finalist Frencheska Farr.


Gaya ng mga sumikat na singers na ilang beses nang sumali at nanalo sa amateur singing contests, gaya nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo, ito rin ang daang gustong tahakin ng Are You The Next Big Star? finalist na si Frencheska Farr.

Si Frencheska, 16, na taga-Las PiƱas City, ay nahilig nang sumali sa mga singing contests since the age of nine. Kuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), ang mommy niya ang naka-discover na marunong pala siyang kumanta. Isinali siya sa singing contest sa school at nanalo naman siya.

"I was nine years old when my mom heard me sing. Wala lang, basta kumanta lang ako no'n at may timbre na raw ang boses ko. Nagkataon na may singing contest sa school noon. Sinabi niya sa teacher ko na isali raw ako at baka manalo ako. True enough, nanalo nga po ako ng first prize.

"Simula po noon, sumasali na ako sa mga amateur singing contests kung saan-saan. Nananalo naman po ako. Pero may mga contest din na hindi ako nananalo. May times pa nga na hindi ako napasama sa final round. Yung tipong tanggal kaagad ako.

"Pero okey lang, kasi part naman 'yon ng pag-compete mo sa mga ganyang contests. Challenge 'yon for me to do better the next time na sumali ulit ako. Inaalam ko rin kung saan ako nagkakamali o ano ang kulang ko," saad ni Frencheska.

Dagdag niya, nagiging kaibigan daw niya ang mga nakakalaban niya sa amateur singing contests. Sila-sila raw ang nagbabalitaan kung saan may singing contest na puwede nilang salihan.

"Kasi nga, minsan kung sino ang mga nakakalaban mo sa isang contest, sila rin ang parating nakakasama mo. Nagkakagulatan na lang kami minsan kasi kasali rin pala sila. Pero imbes na mag-isnaban kami, nagiging friends kami. Sila ang mga naging barkada ko. Mga lima kaming parating sumasali noon sa kunsaan-saan. Kung sino ang may alam na contest, sabay-sabay kaming sasali. May the best singer win na lang sa amin. Kung sino ang manalo, mag-blowout lalo na kung malaki-laki ang cash prize."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang lolo ni Frencheska na si Tony Tobias ang siyang pinagmanahan niya ng kanyang singing talent. Bahista kasi ng ilang banda at mga sikat na singers noon ang kanyang lolo at ito rin daw ang nag-train sa kanya noong magsimula siyang sumali sa mga singing contest.

"Sa tagal kasi ni lolo sa music business, alam na niya ang tamang timbre or timpla sa pag-awit. Tumulong siya sa pag-train sa akin kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya ako nandito ngayon sa Are You The Next Big Star?."

Tumigil na muna sa kanyang pag-aaral sa St. Benedict's College (San Beda Alabang) si Frencheska dahil sa Are You The Next Big Star?. Kumukuha pa naman siya ng course na International Studies.

"Ipagpapatuloy ko pa rin naman ang studies ko pagkatapos ng contest," sabi niya. "Manalo o matalo, I will continue my studies. Pangako ko 'yan sa parents ko."

Marami ang nagsasabi na isa si Frencheska sa strongest contenders ng Are You The Next Big Star?. Never pa kasi siyang nalalagay sa Bottom Four at parating magaganda ang comments sa kanya ng judges. Minsan na rin siyang napili bilang best performer ng judges na binubuo nina Pops Fernandez, Randy Santiago, Danny Tan, Mon Faustino, at Annie Quintos ng The Company.

Ani Frencheska, "Nagpapasalamat ako sa mga nagpapalakas ng loob ko parati tuwing nagla-live kami. Kahit na sanay na akong sumali sa mga singing contests, kinakabahan pa rin ako. Hindi pa naman po tapos ang contest, e. Marami pa kaming pagdadaanan. Ayokong isipin na nakakalamang ako sa ibang kalaban ko. Para sa akin, pantay-pantay pa rin kaming lahat.

"Nagpapasalamat lang ako na nagugustuhan ng mga judges ang performance ko every week. I really do my best at mas pagsisikapan ko pa para maabot ko ang dreams ko na maging isang magaling na singer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN