Mylene Dizon wants to be "just friends" with Paolo Paraiso after their two kids

Mylene Dizon, who recently gave birth to her second son with Paolo Paraiso, said she plans to lose weight first before accepting new acting projects.

"Siguro magge-guest lang ako sa isang show and then paghahandaan ko muna yung susunod kong mga show, mga soap. Kailangan ko pa magpapayat ng kaunti," the 32-year old actress told the entertainment press last July 27 in the premiere night of OMG (Oh, My Girl!) in Trinoma Mall Cinema 7.&


Dumating si Mylene Dizon sa premiere night ng pinakabagong Regal movie na OMG (Oh, My Girl!) noong Lunes, July 27, sa Trinoma Mall Cinema 7. Bagamat hindi kasama ang aktres sa cast ng nasabing pelikula, sinamantala ng entertainment press na kumustahin ang aktres tungkol sa three-month old baby niyang si Lucas Miguel.

Sa US nanganak si Mylene at ayon sa kanya ay napabinyagan na niya si Lucas doon. Gayunpaman, pinaghahandaan pa rin niya ang engrandeng binyag nito sa Pilipinas, at maaari raw isabay na lang ito sa nalalapit niyang kaarawan sa September 6.

Kahit pangalawang anak na ito ni Mylene sa dating kasintahang si Paolo Paraiso, at apat na taong gulang na ang panganay nilang si Tomas, wala pa rin daw silang balak magpakasal.

"[Paolo] is dear to me," sabi ng aktres. "Nagkaroon din naman kami talaga ng relasyon. At one point talagang naging kami naman talaga, nagmahalan kami. It's just that now talaga, e, I think we're just better off as friends."

Dagdag pa ng dating Gimik cast member, hindi pa rin daw panahon upang makasal siya sa dating boyfriend, kaya't sinisikap niya na lamang gampanan ang sitwasyon.

"Well, siyempre mas gugustuhin pa rin sana namin na kasal kami, or meron talaga kaming tunay na relasyon. Pero hindi talaga natin mapipilit ang bagay na hindi pa talaga ukol. So as of now, e, pagbubutihin na lang namin," paliwanag ni Mylene.

Paano naman kaya ang kasunduan nila sa pag-aalaga sa dalawang anak?

"Ang mga bata ay nasa akin, nakatira sila sa akin and Paolo helps. He visits whenever he wants to. Wala kaming schedule, and tumutulong talaga siya sa akin sa pag-aalaga," sagot ng aktres.

Hindi rin daw nakakaligtaan ni Paolo na magbigay ng sustento.

"Hindi nagkukulang si Paolo sa financial support. Whenever I need something, more than dun sa binibigay niya ususally, e, nagbibigay pa rin siya as long as para sa mga bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tanggap ba ng pamilya ni Mylene ang ganitong set-up?

"Well, my family... kinikilala talaga nila si Paolo. And they have knowledge na talagang mabait na tao si Paolo. And, you know, they just see young children namin as blessings," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN