Lovi Poe avoids getting involved in boyfriend Jolo Revilla's issue with her Lipgloss co-star Rosanna Roces

"Ako yung tipo ng taong I can't take hurting other people's feeling. And surprisingly, even if she [Osang] does it to me, I still don't want to aggravate the situation. I still don't want to judge her for what she did. Maybe she has her own reason. At yun nga, labas naman ako sa kung anuman ang isyu. So sana lang, maayos na lang lahat," says Lovi Poe (right) about the issue between Rosanna Roces (left) and her boyfriend Jolo Revilla's family.


First time lang napanood ni Lovi Poe ang ginawa niyang indie film na Walang Hanggang Paalam nang mag-premiere ito sa Cinemalaya Film Festival noong Sabado ng gabi, July 25, sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Definitely, ibang Lovi ang napanood sa pelikula dahil sa pagiging daring ng character niya rito. Ginagampanan ni Lovi sa pelikula ang isang 16-year-old na dalaga na sumama sa boyfriend (played by Joem Bascon) sa Baguio, without her father's knowledge. Sa Baguio magaganap ang conflict ng kuwento nang ma-meet niya ang character ng Japanese actor na si Jacky Woo. Dito rin papasok ang anggulong incest sa story.

Nagulat si Lovi nang mapanood ang kabuuan ng movie. Nakangiti nitong inamin na, "Actually when I was watching it, sobrang I felt uneasy, kasi it's so not me. Yung character."

When it was first offered to her, ano ang naging consideration niya to accept the role?

"Siguro for a change," sagot ni Lovi. "Pero noong mapanood ko, nagkaka-goosebumps ako! Parang hindi ako makapaniwala na ginawa ko yun. Iba pala habang ginagawa mo at pinapanood mo. Na-shock ako! Kaya nga hindi ako mapakali sa seat."

Very daring talaga ang role ni Lovi sa Walang Hanggang Paalam, kung saan nagpanggap siyang 19 years old at nag-initiate ng sexual contact with an older man, na pagsisisihan niya nang husto sa huli. May kissing scenes din siya rito with Joem.

Saan siya mas na-shock, sa kissing scenes na ginawa niya with Joem o sa character niya?

"Sa character, basically... Kasi, she's just young and pretended to be this older woman. And then, did something with an older man na father pala, so freaky, scary!" natatawang sabi ng 20-year-old singer-actress.

Pero hindi itinanggi ni Lovi na na-challenge siyang gampanan ang naturang role.

"Na-challenge ako dahil yun nga, it's daring for me and first time kong ginawa yung ganoong character," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuluy-tuloy na ba ang pagbabago ng image niya?

"Well, siguro, it's time for me to be more mature than before. Sobrang teeny-bopper stage. Ngayon, iba na talaga. I want people to see who I am, who I really am now. Not be stuck with who I was before."

BACK TO GMA-7. Tinuldukan na rin ni Lovi ang mga haka-haka kung anong TV network na nga ba ang kinabibilangan niya. Nang tanggapin niya ang Lipgloss ng TV5, may lumabas na balita na dahil dito ay wala na siya sa GMA-7 at lilipat na siya ng ABS-CBN, kung saan may bagong TV show ang kanyang boyfriend na si Jolo Revilla.

Pero ayon kay Lovi, "Ngayon, of course, sa GMA ako. I have a show now. Kasama ako sa sitcom ni Mr. Manny Pacquiao. And then, merong inaayos after that. So let's wait and see."

Ang tinutukoy na sitcom ni Lovi ay ang Show Me The Manny, kung saan kasama rin si Marian Rivera.

So, hindi totoong aalis siya ng GMA-7 at lilipat sa ABS-CBN?

"A, no...no," nakangiting sabi ng anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr.

Would she say na sa huli ay na-realize niyang Kapuso pa rin talaga siya?

"Yes, Kapuso pa rin," nakangiti niyang sagot.

Pero may naging offer ba talaga sa kanya to move sa Kapamilya network?

"I can't answer that, kasi yung manager ko lang ang may alam, e," ani Lovi.

What about Lipgloss, tuloy pa rin ba siya doon?

"Hanggang ngayon, tuloy pa rin siya at ume-air pa rin. But mawawala na rin ako, I think so. Actually, nalulungkot nga ako kasi napalapit na ako sa lahat ng mga tao, sa mga co-actors ko dun. So, yun."

OSANG & JOLO. Si Rosanna Roces ang gumaganap na ina ni Lovi sa Lipgloss. Pero dahil may mga naglabasang reports na hindi raw naging smooth ang working relationship ng dalawa, mas minabuti na lang ni Lovi na huwag nang mag-elaborate tungkol dito. Pero ramdam sa young singer-actress ang sama ng loob kung anuman ang namagitan sa kanila ni Osang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa totoong buhay, si Osang ang nanay ni Grace Adriano, na ina naman ng anak ni Jolo na si Gabriel. Si Lovi ang current girlfriend ni Jolo.

Ngayong may isyu sa pagitan ni Osang at ng pamilya Revilla, hindi maiwasang isipin na nadadamay si Lovi dahil sa relasyon niya kay Jolo.

"You know, I'd rather not say anything, most especially if I know that I can't say something good," iwas ni Lovi. "So, like I say, ako yung tipo ng taong I can't take hurting other people's feeling. And surprisingly, even if she [Osang] does it to me, I still don't want to aggravate the situation. I still don't want to judge her for what she did. Maybe she has her own reason. At yun nga, labas naman ako sa kung anuman ang isyu. So sana lang, maayos na lang lahat."

Hindi raw sila nagkikita lately ni Jolo para makapag-focus muna ito sa dapat asikasuhin.

"Yun na siguro yung suporta na maibibigay ko sa kanya," ani Lovi. "We don't get to see each other lately, matagal-tagal na rin. I guess he has to fix things first at ayusin muna kung ano yung mga dapat ayusin before doing other stuff.

"I feel bad, but of course, I don't know the whole story about them. But I feel really sorry sa situation. It's like gulo again for them. I have nothing against naman Ms. Osang. It's really up to them, e. I don't know the whole story."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN