Sherwin Ordoñez takes on daring roles to support his family

"Aminado akong nagsisikap ako para sa kanila. Pinag-aaral ko yung dalawa kong anak. Naka-enrol yung isa sa Ateneo, yung isa sa Miriam. Medyo diyahe talaga because I'm also doing these kinds of films. Pero kailangan, e," says actor Sherwin Ordoñez who's making a showbiz comeback.


Positibo kung tutuusin ang comeback ni Sherwin OrdoƱez. Sa pamamagitan ng isang daring role sa indie film na Kurap, pelikulang idinirek ni Ronald Bertubin, muling napansin ang dancer turned actor at mukhang tuluy-tuloy na ito.

Sa katunayan, nasundan na ito ng Last Viewing, isang indie film na nagtatampok sa nagbabalik-pelikulang si Janice de Belen. Dito'y gumaganap si Sherwin bilang nakababatang kapatid ng aktres. Si Bertubin din ang nagdirek ng pelikula.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sherwin sa premiere night ng Last Viewing noong Martes, July 28, sa SM Megamall.

Aniya, "Blessed pa rin ako kaya sinasamantala ko na ang pagkakataon. Tinutulungan pa rin ako ni Direk Roni na siyang nagdirek sa Last Viewing. Then, si Tito Manny [Valera] na ang nagha-handle sa akin. Siya na ang bahala.

"May connections si Tito Manny sa TV kaya matutulungan talaga niya ako. May ginagawa na akong pelikula with Direk Joel Lamangan, yung I Love Dreamguyz. Wala pa akong regular TV show, pero open ako sa possibility na makapagtrabaho either sa Dos o sa Siete," nangingiting dugtong nito.

GOODBYE TO BOY-NEXT-DOOR IMAGE. Ang mahalaga kay Sherwin ay may trabaho siya. Hooked na siya sa pagganap sa indie films. Sa pino-produce na pelikula ni Manny V, sa direksiyon ni Joel Lamangan, marami raw gugulatin ang dating miyembro ng all-male dance group na Abztract Dancers. May kabaklaan daw ang pelikula.

"May ganoong elements kaya abangan nila ang gagawin ko," sabi ni Sherwin. "Pero higit siyempre doon, naiiba ito dahil gaganap ako bilang part ng isang dance group na nagdya-Japan. Sige ang dance rehearsals namin para sa paghahanda sa roles namin sa movie."

Pumapayag na raw si Sherwin kahit makipaghalikan at makipag-sex scene sa kapwa-lalaki sa harap ng kamera dahil sumusuporta raw siya ng dalawang anak.

"Aminado akong nagsisikap ako para sa kanila," sabi niya. "Pinag-aaral ko yung dalawa kong anak. Naka-enrol yung isa sa Ateneo, yung isa sa Miriam. Medyo diyahe talaga because I'm also doing these kinds of films. Pero kailangan, e. Kung gugustuhin ko, puwede naman dahil katulong ko ang partner ko, yung mother ng kids ko para pag-aralin sila. Pero dapat ding magsikap ako para sa kanila, sa paraang pupuwede naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka kung iisipin, wala akong dapat ikahiya dahil artista naman ako. Sabi nga nila, napakabata ko pa para sa ganitong pagsubok o responsibilidad sa buhay. Pero bago pa ito, alam ko na kung paano tumayo sa sarili kong mga paa. Independent na ako noon pa.

Patuloy niya, "Seventeen pa lang ako, member na ako ng Abztract Dancers, di ba? Nakabukod na ako sa pamilya ko. Na-train na ako. Sanay na akong binubuhay ang sarili ko. Nagkaanak ako, nagtatrabaho na rin ako."

Okey lang din dahil nakikita niyang sa pagsisikap niya, naiaahon niya ang kanyang pamilya at nakakaraos ang mga ito.

"Wala akong regrets," sambit ni Sherwin. "Parang blessings pa ito sa akin, e. Nang dahil sa mga anak ko, naging eager akong magtrabaho. Hanap ako nang hanap ng pagkakakitaan. Mas naging matatag ako as a person.

"As an artist, nag-grow din ako. Naging inspirasyon sa akin ang family ko. Okey naman yung business kong karaoke at restaurant [Ewong's]. Rainy season nga lang kaya medyo matumal. Lahat naman ng business sa Manila Bay area, apektado kapag rainy season, pero nakakabawi paminsan-minsan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN