FIRST READ ON PEP: Cristine Reyes renews her contract with ABS-CBN

FHM Philippines' Sexiest Woman Cristine Reyes has decided to renew her contract with ABS-CBN. She is slated to do a drama special and a primetime soap tentatively titled Bedspacer.


Mananatiling Kapamilya ang FHM Philippines' Sexiest Woman this year na si Cristine Reyes.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula mismo sa kampo ni Cristine na ngayong araw, July 30, ay nakatakdang pumirmang muli ng contract ang young actress sa ABS-CBN. Gaganapin ang contract signing sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound. Kasama ng young actress ang manager niya sa Viva Artists Agency (VAA) na si Veronique del Rosario.

Matatandaang nagkaroon noon ng mga espekulasyon kung babalik nga ba si Cristine sa bakuran ng GMA-7 o mananatili siya sa poder ng ABS-CBN. Ngayong pipirma na siya ulit ng kontrata sa Kapamilya network ay natapos na ang mga haka-haka tungkol dito.

Ayon sa kampo ni Cristine, one-year contract ang pipirmahan nila sa ABS-CBN. May mga naka-lineup na raw na projects ang Kapamilya network para kay Cristine this year. Kasama na rito ang Cristine Reyes Drama Special at isang primetime soap na may tentative title na Bedspacer.

After ng contract signing ay nakatakda nang bumalik ng trabaho si Cristine pagkatapos niyang magpahinga ng ilang buwan. Sa katunayan, may nakatakda na siyang storycon at taping next month para sa Sunday afternoon soap na Your Song Presents.

Hindi naman nabanggit ng kampo ni Cristine kung babalik ang young actress sa gag show na Banana Split, kung saan nagkaroon siya ng alitan sa mga kasamahan niya roon na sina RR Enriquez at Pokwang.

Nakuhanan din ng PEP ng reaksiyon si Cristine tungkol sa pagkaka-nominate ng Eva Fonda bilang Best Drama Series at siya mismo bilang Best Actress sa Special Awards Category sa Korean TV Awards. Masayang-masaya ang young actress dahil sa recognition na nakuha ng kanyang first solo drama series sa ABS-CBN.

Sinabi ni Cristine sa PEP, lilipad siya kasama ang ilang Eva Fonda crew sa Korea sa September para sa awards night.

Hindi rin namin mapigilan na tanungin si Cristine tungkol sa espekulasyon na kaya hindi raw natuloy ang pagbabalik niya sa GMA-7 ay dahil iniiwasan niya ang kanyang ex-boyfriend na si Dennis Trillo at ang nali-link ngayon sa aktor na si Pauleen Luna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mariing pinabulaanan ni Cristine na umiiwas siya kay Dennis at Pauleen. Sadyang maganda lang daw ang offer ng ABS-CBN sa kanila kaya naman nag-decide silang mag-stay na lang muna bilang Kapamilya.

Nabanggit din niya na happy siya sa mga nangyayari sa kanyang career at sa pagiging single for now.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN