PEP EXCLUSIVE: Jolina Magdangal is not leaving GMA-7

"Paano lilipat si Jolina, tatlo-tatlo ang mga shows niyang ipinalalabas ngayon sa GMA-7?" explains Mr. Jun Magdangal, the father and manager of multi-media star Jolina Magdangal (in photo), reacting to a report that his daughter will return to ABS-CBN.


Natawa lang si Mr. Jun Magdangal nang tawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) upang kumpirmahin ang report na babalik na diumano ang kanyang anak na si Jolina Magdangal sa bakuran ng ABS-CBN.

Kahit na medyo nagtaka rin kami sa kumakalat na balita ay minabuti na rin naming kunin ang panig ni Daddy Jun, na siya ring tumatayong manager ni Jolina. Pero humingi ng paumanhin si Daddy Jun sa PEP na hindi mismo si Jolina ang nakausap namin. Natutulog pa raw kasi ang kanyang anak that time dahil kagagaling lang nito sa taping ng Adik Sa 'Yo.

"Paano lilipat si Jolina, tatlo-tatlo ang mga shows niyang ipinalalabas ngayon sa GMA-7?" natatawang sagot ni Daddy Jun nang makausap siya ng PEP sa telepono kaninang hapon, July 30.

Bukod sa romantic comedy series na Adik Sa 'Yo, ang dalawa pang shows ni Jolina sa Kapuso network ay ang musical-variety show na SOP at weekly drama anthology na Dear Friend.

"Nakakagulat naman ang balitang 'yan dahil wala man lamang kaming iniisip na lilipat ulit sa kabila," sabi ng ama ni Jolina. "Hindi ko alam kung saan na naman nanggaling ang balitang 'yan. Wala rin naman kaming nakakausap man lang na taga-ABS-CBN para may mag-isip na lilipat kami sa kanila.

"Wala namang problema si Jolina sa GMA-7. Very thankful nga siya na kahit every Sunday ay napapanood siya sa SOP at sa Dear Friend, gabi-gabi ay napapanood pa siya sa Adik Sa 'Yo. Sa tatlong shows lang, halos wala nang pahinga si Jolina," paliwanag ni Daddy Jun.

Nami-miss na rin daw si Jolina ng televiewers ng daily morning program na Unang Hirit. Babalik pa ba si Jolens doon?

"Yes," sagot ni Daddy Jun. "Kapag natapos na ang taping ng Adik Sa 'Yo, babalik siya ulit sa Unang Hirit."

Kahit gusto raw ni Jolina na mag-report sa Unang Hirit dahil nami-miss na rin niya ito, hindi naman niya magawa. Every Monday, Wednesday, at Friday ang taping niya for Adik Sa 'Yo. Every Saturday ay nagte-taping naman ang multi-media star ng Dear Friend, at every Tuesday naman ang taping niya for The Working President sa NBN-4, na tungkol sa weekly activities ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. Live naman ang SOP kung Sunday. Madalas ay may mall show rin sila ng cast ng Adik Sa 'Yo pagkatapos ng SOP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, lumalabas na Tuesday lang ang libreng araw ni Jolina.

Speaking of President GMA, naalala namin na during the time of former President Cory Aquino ay kasama si Jolina sa TV show nilang Children's Hour. During the time naman ni former Joseph Estrada ay na-appoint si Jolina bilang spokesperson for the youth. Kaya masasabing kahit maging presidente ng Pilipinas ay tiwala sa kakayahan ni Jolina bilang host at isang magandang role model.

Malapit na ring magsimula ang StarStruck V. Tinanong namin si Daddy Jun kung si Jolina pa rin ba ang isa sa magiging hosts ng reality-based artista search ng GMA-7.

Ayon sa ama ni Jolina, "Wala pa ring sinasabi kay Jolina ang GMA. Mauuna yata ang Celebrity Duets 3 saka pa lang ang StarStruck."

Nakausap na rin ng PEP noon sina Dingdong Dantes at Raymond Gutierrez, na kasama ni Jolina na nag-host ng mga naunang StarStruck, pero wala pa raw silang alam kung sila pa rin ang magho-host ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN