Carlo J. Caparas named one of the National Artists this year

Komiks creator-writer, movie director, film producer Carlo Caparas is one of the seven people who was given the National Artist title this year.


Ang komiks creator-writer, movie director, film producer na si Carlo Caparas ay kasama sa mga iluluklok bilang National Artists sa taong ito.

Sa naging anunsiyo ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo bago ito umalis papuntang U.S. para sa kanyang first meeting with Pres. Barack Obama kahapon, July 29, inilabas na ang pangalan ng pitong bagong National Artists na bibigyan ng parangal. Kabilang na nga rito si Direk Carlo na napili bilang National Artist for visual arts and film.

Ang iba pang kasama ni Direk Carlo na tatanghaling National Artists ay sina Cecille Guidote-Alvarez (theater), Manuel Urbano a.k.a. Manuel Conde (film and broadcast arts), Federico Aguilar Alcuaz (visual arts, painting, sculpture, and mixed media), Lazaro Francisco (literature), Francisco "Bobby" Mañosa (architecture), at Jose "Pitoy" Moreno (fashion).

Ayon sa Wikipedia, ang National Artist "is a title given to a Filipino who has been given the highest recognition for having made significant contributions to the development of Philippine arts, namely, music, dance, theater, visual arts, literature, film, broadcast arts, fashion design, and architecture. Such Filipinos are announced, by virtue of a Presidential Proclamation, as National Artist or in Filipino, Gawad Pambansang Alagad ng Sining.

"The National Artist Honors is administered by the Cultural Center of the Philippines (CCP) by virtue of President Ferdinand Marcos's Proclamation No. 1001 of April 12, 1972 and the National Commission for Culture and the Arts (NCCA)."

CARLO'S PROFILE. Nakilala si Magno Jose "Carlo" Caparas bilang isang komiks genius. Nilikha niya ang mga komiks stories na naisapelikula na tulad ng Panday, Bakekang, Angela Markado, Somewhere, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Totoy Bato, Joaquin Bordado, Kamagong, Tasya Pantasya, Andres de Saya, Mong, Kung Tawagin Siya'y Bathala, Lumuhod Ka sa Lupa, Sandakot na Bala, God Save Me, at Pieta.

Marami sa mga obra niya ang naging pelikula o ginawang TV series sa GMA-7 at ABS-CBN. Kabilang din sa mga bagong inilikha niya na naging series na rin ay ang Gagambino (Dennis Trillo) at Kamandag (Richard Gutierrez).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala rin bilang "Massacre King" si Direk Carlo dahil sa pag-produce, sa ilalim ng Golden Lions Films, at pagdirek niya ng true-to-life massacre films na naging box-office hits.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: The Vizconde Massacre, The Myrna Diones Story, The Maggie dela Riva Story, Antipolo Massacre, Lipa Massacre, Kuratong Baleleng, at The Cory Quirino Kidnap Story.

Ginawa rin niyang pelikula ang The Lilian Velez Story, The Annabelle Huggins-Ruben Albaza Story, The Marita Gonzaga Rape-Slay, at Celestina Sanchez a.k.a. Bubbles.

Kadalasan ay mga malalaking artistang sa Pilipinas ang gumanap sa adaptation ng komiks masterpieces ni Carlo Caparas sa pelikula—Fernando Poe Jr., Christopher de Leon, Hilda Koronel, Vivian Velez, Ramon Revilla, Vic Vargas, Rudy Fernandez, Lorna Tolentino, Dante Varona, Lito Lapid, at Nora Aunor.

Naidirek naman niya sa pelikula sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Kris Aquino, Vina Morales, Sunshine Cruz, Cesar Montano, Dawn Zulueta, Jinggoy Estrada, Ara Mina, Amy Austria, at marami pang iba.

Ang mga nagsiganap naman sa TV series na hango sa kanyang mga obra ay sina Robin Padilla, Regine Velasquez, Manny Pacquiao, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Jericho Rosales, Heart Evangelista, Yasmien Kurdi, Dennis Trillo, at Richard Gutierrez.

Noong 2008 ay iginawad kay Direk Carlo ang Sagisag Balagtas Award dahil sa kanyang pagbuhay muli sa naghihingalo nang komiks industry. Kasama ang kanyang maybahay na si Donna Villa ay binuhay nila ang interes ng marami sa pagbasa ulit ng komiks sa pamamagitan ng kanilang Komiks Caravan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN