Glaiza de Castro finds her pumping scene with Dennis Trillo in Astig "awkward"

"Ang mga artista, dapat gumagawa ng iba't iba. Dapat natsa-challenge yung capabilities, or else, nagkakaroon din ng sawa factor ang mga tao," says Glaiza de Castro.


Si Glaiza de Castro ang isa sa mga young actress ngayon na matatawag na versatile. Nakakaya niyang gawin kahit na anong larangan. She can excel in acting, singing, and dancing.

Sa larangan ng pag-arte, for the first time ay naipakita ni Glaiza na hindi lang siya puwedeng api-apihin kundi kaya niya ring maging epektibong mang-aapi or kontrabida. Nagagawa niya ito ngayon sa afternoon series ng GMA-7 na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.

"Ang dami na ngang naaasar sa akin. Pati ako, naaasar ako sa sarili ko! Kasi, ang dami nang pinagdadaanang hirap ni Maxene [Magalona]. Kaya parang ako rin, sobrang naawa na sa kanya," sabi ni Glaiza sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi ba niya nagugustuhan ang ginagawa niya bilang kontrabida dahil halos lahat ay nagsasabi na she's very effective sa kanyang role?

"Hindi ko nagugustuhan as a viewer," sagot ng young actress. "Kung ikaw talaga yung nanonood, madadala ka. Actually, hindi siya madaling trabaho. Nakakapagod yung mga eksena, nakaka-drain, kasi halos lahat intense. Kailangan focused ka talaga.

"Actually, okey naman as kontrabida. It's my first time and okay siya sa akin as long as hindi pepersonalin ng mga tao ang ginagawa ko. It's a good starting point at parang maganda siyang panimula ng pagbabago."

Naniniwala raw siya na ang isang artista, hindi dapat nakatali lang sa isang klase ng character.

"Dapat hindi, di ba? Ang mga artista, dapat gumagawa ng iba't iba. Dapat natsa-challenge yung capabilities, or else, nagkakaroon din ng sawa factor ang mga tao."

Na-a-appreciate daw ni Glaiza na nakikita ng GMA-7 ang kapasidad niya bilang aktres at binibigyan siya ng opportunity na maging bida, at the same time, kontrabida rin.

"Thankful nga ako sa kanila," sambit niya. "Thankful ako na binigyan din nila ako ng SRO Cinemaserye Presents Eva Castillo Story. Yung SRO, hindi ko ine-expect yun. Ang sarap pala ng feeling na may ginagawa ka pang isa, tapos meron pang isang ibibigay sa 'yo. Nararamdaman mo yung importansiya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DARING LOVE SCENE. Kasama rin si Glaiza sa indie film na Astig, na umani ng maraming awards sa nakaraang awards night ng Cinemalaya Film Festival. Sa pelikulang ito, nagpakita naman ng kanyang daring side si Glaiza sa kanilang love scene ni Dennis Trillo.

Nang mapanood daw ni Glaiza ang naturang eksena ay medyo na-shock din daw siya sa kanyang nagawa.

"Sabay-sabay kasi kaming nanood sa CCP, sina Ketchup [Eusebio], Angelica [Panganiban], at iba ko pang kasama sa Rock & Roll. Nagulat nga raw sila. Sabi nila, 'Sana sinabihan mo kami na meron ka palang ganoong eksena!'" natatawang kuwento ng young actress.

Dagdag niya, "Pero ako mismo, nagulat pa rin ako kahit ako yung gumawa. Ngayon ko lang kasi nakita yung sarili ko sa pumping scene."

Biro namin sa kanya, marunong naman siya?

"Hindi, a! Awkward nga!" tawa niya. "Noong sinu-shoot namin ni Dennis, sinabi ko sa kanya na hindi ako sanay sa mga ganito, alalayan niya na lang ako. Which is, ginawa naman niyang talaga."

May mga nagsasabi sa mga nakapanood ng Astig na puwede rin siyang manalo ng award for her portrayal. Pero si Glaiza mismo ang nagsabing nakulangan siya sa ginawa.

"Nakulangan ako noong mapanood ko na," aniya. "Feeling ko, hindi ako at par sa performance na ipinakita ko. Parang hindi ako na-satisfied. Parang sa sarili ko, alam ko na meron pa sana akong kayang gawin.

"Noong ginagawa ko, parang feeling ko, okay na. Pero noong pinanood ko, hindi pala. Pero happy ako kasi part ako ng Astig. Rewarding for me na maganda yung mga feedback at napansin yung movie sa Cinemalaya dahil marami rin itong natanggap na award."

ZERO LOVELIFE. When it comes to her lovelife, until now ay wala pa rin daw siya nito.

"Wala pa talaga. Wala pa ring dumarating na yun na!" natatawang sabi ni Glaiza. "Kung darating siya, darating. E, meron nga, akala mo yun na, pero hindi pa rin pala talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may nanliligaw naman sa kanya?

"Hindi naman yung ganoon karami. Wala naman yung masugid na manliligaw talaga na nagtitiyaga sa akin. Siguro masyado raw akong pakipot. Old school daw ako. Gusto kasi ng iba, mabilisan. E, ayoko naman ng ganoon. Sa akin, kung talagang sincere ka, paghihirapan mo pa rin yun, magtitiyaga pa rin, di ba? Siguro, kaya walang nagtatagal na manligaw!" natatawa niyang sabi

PATRICK GARCIA. Ano na ba ang nangyari sa na-link sa kanya noong si Patrick Garcia? Bakit parang kung kailan sila matagal na magkasama sa isang show, Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin, parang nawala na lang?

"Actually, ngayon na lang kami nagkakaeksena. Mas kaeksena pa rin niya si Maxene. Lately na lang kaming nagkakasama," paglilinaw ni Glaiza.

Hindi raw sila nag-uusap?

"Hindi naman... Hindi naman kami nagdededmahan, wala namang ganoon. Pero hindi rin kami super close, casual lang," aniya.

Ano yun, hindi na itinuloy yung parang papunta na sana sa ligawan?

"Parang ganoon na nga," pagkumpirma niya.

Hindi ba siya napaisip na anong nangyari at bakit biglang naputol?

"Siyempre, bilang babae, parang nalalabuan ka. Parang, ano yun? Ganoon pa man, wala akong bitterness or grudge. Kung hindi, hindi. Kung gusto, gusto. Madali naman akong kausap, e!" natatawa pa rin niyang sabi.

Kung nagkataon at itinuloy pala ni Patrick ang panliligaw sa kanya, may pag-asa sana?

"Sa nangyari kasi, we're not even halfway sa getting-to-know stage. In my case, parang hindi ko talaga siya nakilala. I've been hearing things, good things about him, may negative din, hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko. Pero it's more on I didn't really have the chance to know him that much.

"Siguro kasi, may mga unsettled issues pa siya. Magulo pa ang sitwasyon at naiintindihan ko naman yun. As a friend, hayaan na lang kung saan siya magiging masaya," paliwanag ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JACE FLORES. May balitang ang isa pang co-star niya sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin na si Jace Flores ang nagpapakita naman ng interes sa kanya ngayon. Nagdadala pa nga raw ng pagkain sa set ang dating Survivor castaway for her. Totoo ba ito?

Natatawang nagulat sa tanong si Glaiza. Aniya, "Hindi naman, nagte-text lang. Hindi naman siya nagdadala palagi ng pagkain. Parang nagkabiruan lang, tapos the next taping, may dala na siyang pizza. Sabi ko nga, biro lang yun. Pero hindi naman para sa akin yun, para naman sa lahat yung foods."

Ina-admire daw siya ni Jace. Nararamdaman ba niya ito?

"Pare-parehas naman kami. Siguro nagkataon lang na kaming dalawa yung madalas na magkaeksena, kami yung palaging nagkakausap. At saka, parang ang hirap naman nun, bilang babae, ayokong mag-assume. Lalaki pa rin, siyempre, pagdating sa ganyan," saad ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN