Danilo Barrios finally admits he has a child with sexy star Jaycee Parker

"Ngayon lang talaga ako nagsalita o umamin na may baby na ako. Hindi ako nagsasalita dati dahil hindi naman natatanong kung may anak na kami ni Jaycee. Pero marami na rin naman ang nakakaalam...," says Danilo Barrios.


Dalawang taon ding nabakante sa pag-arte ang dancer-actor na si Danilo Barrios. Huli siyang napanood sa Lastikman ng ABS-CBN na pinagbidahan ng kapwa niya member ng Streetboys na si Vhong Navarro.

Kaya naman natutuwa si Danilo dahil muli siyang mapapanood sa telebisyon via Tiagong Akyat, na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. Ito ang unang kuwentong handog ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla na magsisimula nang mapanood sa Kapamilya network simula sa August 15.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Danilo kagabi, July 30, sa presscon ng Tiagong Akyat, na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN, kung ano ang mga pinagaabalahan niya noong time na walang offer pa sa sa kanya sa telebisyon.

"Actually, simple lang, yung family ko—si Jaycee [Parker] at yung baby namin. Tapos minsan, may mga raket kami ni Jaycee, mga out-of-town shows. Tapos kami rin ng Streetboys, ganoon," sabi ni Danilo.

So, isa na pala siyang ama?

"Ngayon lang talaga ako nagsalita o umamin na may baby na ako," aniya. "Hindi ako nagsasalita dati dahil hindi naman natatanong kung may anak na kami ni Jaycee. Pero marami na rin naman ang nakakaalam, especially yung mga kasamahan ko sa Streetboys at maging si Boss [Chito Roño]."

Hindi kaya ang dahilan kung bakit hindi siya nabibigyan ng project ng kanyang manager ay dahil nga may anak na siya?

"Hindi ko alam," sagot ni Danilo. "Pero masaya naman ako sa nangyari kasi nawalan man ako ng work, mahirap, di ba? Pero nagkaroon naman ako ng time sa family ko especially sa baby ko."

Ilang taon na ba silang nagli-live in ni Jaycee?

"Limang taon na," aniya.

Sa tingin niya ba ay si Jaycee na ang babaeng gusto niyang pakasalan, lalo na ngayon na may baby na pala sila?

"Bakit hindi?" tanging sagot ni Danilo.

Hanggang ngayon ay gumagawa pa rin ng sexy film si Jaycee. Hindi ba niya ito pinipigilan sa pagpapa-sexy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nasa kanya naman yun, e, kung gusto niya nang tumigil o hindi pa. Pero nakilala ko naman si Jaycee na nagpapa-sexy na siya kahit noon pa. So, nirerespeto ko na lang kung ano man yung mga ginagawa niya. 'Saka trabaho lang naman yun," saad ng young actor.

Hindi ba siya nagseselos na may love scenes sa pelikula si Jaycee?

"Hindi ako nagseselos kasi nga gaya ng sabi ko, trabaho lang naman yung ginagawa niya at hindi naman niya yun ginagawa sa totoong buhay," sagot ni Danilo.

Katunayan na hindi nagseselos si Danilo ay pinapanood pa nga raw niya ang mga pelikulang ginagawa ni Jaycee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN