Gerald Anderson undergoes parkour training as Tiagong Akyat

Gerald Anderson plays the modern version of Tiagong Akyat in ABS-CBN's Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla. The young actor started training parkour for his role as Tiagong Akyat.


Naging notorious noong 1920s ang kriminal na si Santiago Ronquillo na tubong Imus, Cavite. Nakilala siya bilang isang magnanakaw na kayang pasukin ang isang bahay nang hindi nakikita ng mga may-ari ng bahay dahil sa taglay diumano nitong agimat na "taga-bulag."

Bago nasukol ng pinagsamang Philippine Constabulary at Manila Police sa isang bahay sa Noveleta, Cavite, noong 1923, naging legendary si Santiago dahil sa kakaibang kakayahan nito at sa dulas sa panghuhuli sa kanya ng mga awtoridad.

Taong 1973 nang gawing pelikula ng tinaguriang "Hari ng Agimat" na si Ramon Revilla ang buhay ni Santiago Ronquillo. Pinamagatan itong Hulihin si Tiagong Akyat, base sa naging bansag kay Santiago at sa mga headline sa diyaryo noon. Tumabo ito nang husto sa takilya at nagbigay kay Ramon Revilla ng Famas Best Actor Award nang taon ding iyon.

Ngayong 2009, sa pamamagitan ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, pagbibidahan ni Gerald Anderson ang bagong bersyon ng buhay ni Tiagong Akyat.

HONORED. "Isang malaking karangalan na isa ako sa mga pinili nila para gumanap na Tiagong Akyat," bungad ni Gerald nang tanungin sa nararamdaman niya sa importansyang ibinibigay sa kanya ngayon ng kanyang home station. Nag-press conference ang ABS-CBN para kay Gerald at sa cast ng Tiagong Akyat sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN, kahapon, July 30.

Ang Tiagong Akyat ang pambuwena-mano sa mga serye ng characters na ginampanan ni Ramon Revilla na magiging tampok sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla. Magsisimula ito sa August 15.

Sa kabila ng pagkakaroon ni Gerald ng bagong proyektong ito, hindi pa rin nalilimutan ni Gerald na banggitin ang ka-love team niyang si Kim Chiu. "Ito na yung way, ito yung growth namin ni Kim, kumbaga. Kasi lahat ng projects namin, magkasama kami. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi na kami magsasama pa ni Kim."

Paniwala ni Gerard, malaki rin daw ang kinalaman ng show nila ni Kim na Tayong Dalawa sa pagkakapili sa kanya upang gumanap sa maaksyong buhay ni Tiagong Akyat. "Doon nagsimula ang lahat, e. Sa Tayong Dalawa. Siguro nakita nila na kaya naman. Dito sa Agimat, talagang all action."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PARKOUR TRAINING. Para sa role niya as Tiagong Akyat, kinailangan ni Gerald na pumasok sa parkour training.

Ang parkour ay ang istilo ng pagtakbo, paglundag at paglusot sa mga obstacles na na-develop sa France. Matatandaang ang Kapuso actor na si Dennis Trillo ay sumailalim din sa ganitong training para sa role niya sa Gagambino. Nagka-injury nga lang si Dennis habang nagte-training ng parkour.

Hindi ba nag-aalala si Gerald na baka masaktan din siya, gaya ng nangyari kay Dennis habang nagte-training ng parkour?

"Masarap kasi gawin, e. Masarap kasi gawin yung parkour. Napaka...parang isang panibagong challenge para sa akin ito," walang-pag-aalalang sagot ni Gerald.

Sa full-trailer ng Tiagong Akyat, makikitang animo matsing sa bilis at balanse na nagpalipat-lipat ng mga hinakbangang tao si Gerald. Animo eksena nga sa mga pelikula nina Jet Li at Jackie Chan, at sa Thai action film na Ong Bak ang mga maaaksyong eksena ni Gerald.

Pagmamalaki nito, wala raw siyang kable o harness na ginamit habang ginawa ang mga tila delikadong stunts sa Tiagong Akyat. Pero inamin ni Gerald na nakadama rin naman daw siya ng kaba, kahit papaano.

"Siyempre, kinabahan ako. Pero...kumbaga, tulad ng sinabi mo, parang Ong Bak, na ginagawa nina Jet Li. Actually, sila ang mga idol ko, e. Bata pa lang ako, pinapanood ko na sila. Pangarap ko rin 'to, e. Yung mga ginagawa ko sa Agimat," pagbibida pa ni Gerald.

GETTING ADVICE FROM THE ORIGINAL. Nang tanungin tungkol sa pagkikita nila ng orihinal na gumanap na Tiagong Akyat na si Ramon Revilla, Sr., masaya namang nagkuwento si Gerald.

" Siyempre, starstruck kami [Gerald and other Agimat lead stars, Coco Martin and Jay Cuenca]. At nagulat kami dahil kilala niya kami. As in nanonood siya ng Tayong Dalawa... talagang nakakataba ng puso. Nakakagulat!

"Yung mga advice niya sa amin, stay grounded, 'wag daw kumain ng crispy pata. Kasi raw nakaka-high blood, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta maging professional..."

Nagpayo rin daw ang dating senador at film legend sa kanila tungkol sa girls.

"Habang bata pa raw...," makahulugan munang bitaw ni Gerald, "dapat maging faithful ang lahat, ha-ha-ha!" at tuluyan nang natawa ang guwapong aktor.

Sa Tiagong Akyat, first time maipapareha si Gerald sa ibang leading lady. Hindi na nga si Kim ang makakapareha niya kundi si Erich Gonzales. Ano sa tingin ni Gerald ang magiging reaksyon ng fans nila ni Kim—na kilala bilang mga "Kimerald Fans" —sa bagong pagpapareha sa kanya sa ibang babae.

"Magwawala sila. Yun na yon. Let's just be really frank. Talagang... ganun talaga, e. Mahal nila kami, e. Mahal nila kami ni Kim na magkasama. Kaya nga 'Kimerald' ang tawag sa kanila,e.

"I'm just praying na sana suportahan pa rin nila ako, na kahit hindi kami [ni Kim] magkasama sa isang project, sana nandiyan pa rin sila. And I know that they will be [there for us]."

To watch video of Gerald's interview, click here.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN