Joseph Bitangcol plays Gerald Anderson's friend in Tiagong Akyat

Joseph Bitangcol used to be an ABS-CBN Star Magic talent, and then went freelance after his contract was up. He has since worked for Channel 2's main rival GMA-7, but the Kapamilya network still feels like family to him. "Mas at ease pa rin akong gumalaw dito. Kumbaga mas kumportable pa rin ako dito."


Nang mag-lapse ang kontrata ni Joseph Bitangcol sa ABS-CBN Star Magic two years ago ay hindi na siya nag-renew dito. Mas pinili niyang maging freelancer. Kaya naman nasubukan na rin niyang lumabas sa mga programa ng GMA-7.

Pero natutuwa si Joseph dahil kahit wala na nga siya sa pangangalaga ng Kapamilya network ay kinuha pa rin siya nito para mapasama sa Tiagong Akyat na pinagbibidahan ni Gerald Anderson, na mapanood sa ABS-CBN simula August 15. Sa naturang show ay gumaganap si Joseph bilang si Pablo Reyes na kaibigan ni Gerald.

"Ayun, natutuwa ako dahil balik-ABS-CBN ako. Kahit hindi na nila ako talent, at least naalala pa rin nila ako. Kaya talagang thankful ako sa kanila," sabi ni Joseph nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Tiagong Akyat na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN.

DOS STILL FEELS LIKE HOME. Ano ba ang dahilan at hindi na siya nag-renew ng kontrata sa Star Magic?

"Desisyon rin naman yun ng family ko. 'Saka gusto ko rin kasi na i-try na mag-work sa ibang istasyon," sagot ni Joseph.

Ngayong nasubukan na ni Joseph na magtrabaho sa GMA-7, paano niya ikukumpara ang pakikipagtrabaho niya rito sa noong nasa ABS-CBN pa siya?

"Okey namang pareho. Mababait din naman ang mga tao sa GMA. Kaya lang, mas at ease pa rin akong gumalaw dito [ABS-CBN] kasi dito naman ako nagsimula. Kumbaga mas kumportable pa rin ako dito."

Nang hindi na nag-renew ng kontrata si Joseph sa Magic ay nagdesisyon siya na magpa-manage kay Manny Valera. Ang unang project na binigay ni Manny kay Joseph ay ang pelikula sa Regal na Walang Kawala, kung saan nagkaroon siya ng kissing scene with Polo Ravales.

How true na after Walang Kawala ay ayaw na raw niyang gumawa ng ganitong klaseng pelikula na may halikan sa kapwa niya aktor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko na nga muna," sagot ni Joseph.

Bakit, na-trauma ba siya nang gawin ang pelikulang yun? "Hindi naman sa na-trauma pero parang nabigla din ako nang gawin yun. Kaya after Walang Kawala, parang hindi ko ma-imagine na gumawa ulit ng ganun," sabi niya.

HAPPY FOR EX GF Si Sandara Park na nakasama ni Joseph sa Star Circle Batch 1, ay naging girlfriend niya noon. Pero nang mag-break sila ay nagdesisyon si Sandara na bumalik sa Korea at doon na lang subukan ang kanyang kapalaran sa showbiz.

Sa ngayon ay sikat na roon si Sandara bilang member ng isang all-female group. Dara Park na ang ginagamit niyang screen name.

"Sobrang proud and happy ako for her," sambit ni Joseph. "Parang nai-imagine ko yung hitsura niya kung gaano siya kasaya ngayon. Kasi 'eto na yung hinihintay niyang maging sikat na singer at sa sarili niya nang bansa, di ba? Iba yung dating nun."

May communication pa ba sila ni Sandara?

"Wala na ngayon, e. Last year nung huli siyang bumalik dito, nagkausap kami tapos lumabas kami, itinreat ko siya. Uminom kami nang konti. Marami kaming pinag-usapan. Nung bumalik na ulit siya sa Korea, nawalan na kami totally ng communication."

After makipaghiwalay si Joseph kay Sandara, isang non-showbiz girl ang naging girlfriend niya, na gaya ni Sandara ay isa ring chinita. Pero nakipaghiwalay na rin siya rito.

Bakit mahilig yata siya sa mga Chinese-looking? "Malakas kasi ang dating sa akin ng mga mapuputi at chinita, e. Pero gusto ko rin namang i-try na magkaroon ng girlfriend na Filipina.

"Two months na kaming hiwalay ni Nami. May third party involved kasi sa side niya. Tapos ginawan din ako ng isyu na meron din daw sa side ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN