Ping Medina says the most daring he has done in a movie was "nipple exposure"

Ping Medina likes to joke that for an indie actor, the most exposure he's ever done is "nipple exposure." But he would never turn down a good role even in a gay film. "Actually, isa 'yan sa gusto ko, yung gay ako. Film naman 'yan, may kanya-kanyang genre, I'm not the one to judge."


Mag-iisang taon na si Ping Medina bilang Star Magic artist at isa siya sa itinuturing na most promising actor ng independent film. Pero natutuwa raw siya na unti-unti nga, nabibigyan siya ng mas maraming opportunity sa mainstream scene through Star Magic ng ABS-CBN.

Isa si Ping sa pina-presscon ng Star Magic bilang July celebrant.

"Siguro, ano rin, I needed a change at that time," simulang pahayag niya on why he decided na magpa-manage na sa talent arm ng ABS-CBN. "For two years, wala, e, freelance lang ako. So, gusto kong ma-try kung paano rin yung meron kang friends inside the network."

Si Ping ay anak ng mahusay na aktor na si Pen Medina at kasalukuyang napapanood sa toprating series ng ABS-CBN na Tayong Dalawa. Bagama't nagme-mainstream na siya, hindi raw niya tinatalikuran ang indie world. In fact, kasama rin si Ping sa pelikulang Kinatay na nagpanalo sa direktor nito na si Dante Mendoza sa Cannes Film Festival.

COCO MARTIN. Si Coco Martin daw ang humatak sa kanya kung kaya't nagkaroon siya ng small participation sa Kinatay. And speaking of Coco, masaya ba si Pen sa nangyayari ngayon sa career ng kanyang co-star sa Tayong Dalawa?

"Ay oo, oo naman... talagang pinaghirapan niyang lahat ng success niya ngayon. Sa mainstream at saka sa indie. At saka, talagang makikita mo naman na ano siya, e, artist din. Tutok siya sa trabaho at marami rin akong natutunan sa kanya, kasi konti lang ang ganoon sa showbiz. Siyempre, kapag pasok ka na, artista ka na, medyo relax ka na. Si Coco, intense talaga na minsan nami-misinterpret ng mga tao."

Paanong nami-misinterpret?

"Medyo OC [obsessive-compulsive] siya, e. Kapag may hindi siya gusto, minsan magre-request siya," paliwanag ni Ping.

BE LIKE BEN STILLER. Nakikita ba niya ang sarili na tulad ng tinatahak ni Coco?

"Hindi naman... iba rin yung... siya kasi, pabida siya ngayon. Ako, more on character roles. At saka, gusto kong magsulat. Magsulat ng TV show, yung ganoon. Mag-develop ng concept. Magdirek."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Tipong sa Hollywood, parang Ben Stiller."

Mukhang marami na ang nagtatanong kay Ping kung UP graduate ba siya. Automatic kasi ang sagot niya na, "Mukha lang akong taga-UP, pero hindi," sagot nga niya when we asked him.

In fact, sa Ateneo raw siya pumasok ng Communication Arts pero nakaisang taon lang daw siya sa school at sa course na kinuha niya. Aniya noong una, na-kickout daw siya. Sabay bawi na, "Hindi pala, actually, honorably dismissed."

Ano ang pagkakaiba? "Mas maganda lang pakinggan!" natatawa niyang sabi. "May required average kasi, e, hindi ko na-maintain."

Hindi raw para sa kanya ang school.

"Hindi na ako bumalik sa college. Actually, puwede akong bumalik, pero naisip ko, magsasayang lang ako ng pera. Hindi talaga ako pang-school. Tinatamad. Kaya nga napunta ako writer on magazine, gumawa ng script at medyo nag-painting-painting hanggang sa tsumamba 'ko sa Maximo Oliveros. Nag-audition ako for that."

But the irony of it is, meron silang family-owned business na learning school para sa mga bata.

Katuwiran niya, "Si Dad naman kasi yun. Ako lang yung more on marketing side, acting workshops din sa mga adult."

THE GAY IN GAY FILMS. Bagamat ilang indie films na rin ang nagawa ni Ping, wala pa raw siyang mako-consider na pinaka-daring na nagawa na niya kung ikukumpara sa iba pang indie actors, like Coco.

Biro pa niya, "Pinaka-daring na nagawa ko na, nipple exposure!"

So, hindi mo kayang gawing maging daring pa?

"Hindi naman... hindi naman. Pero mas gusto ko, ako ang magsusulat. Ako yung magpo-produce, mamimili ng mga artista. Yung iba naman, kanya-kanya naman ng kaya 'yan, e."

Pero okey lang daw sa kanyang gumawa rin ng gay-themed films.

"Okey lang, pero hindi ko pa alam kung kailan,"sabi ni Pong. "Actually, isa 'yan sa gusto ko, yung gay ako. Yung gay theme, okey lang din. Film naman 'yan, may kanya-kanyang genre, I'm not the one to judge."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May non-showbiz girlfriend si Ping, isang Law graduate. Pero wala pa raw sa plano niya ang magpakasal. Ang mag-put up ng business nila, magsulat at magdirek daw ang ilan pa sa mga pinaplano niyang gawin.

FACEBOOK CONFESSION. Natawa ito nang bukuhin namin ang nabasa namin sa Facebook, kung saan sinabi niyang niligawan niya si Chynna Ortaleza noong bata sila.

"Noong grade 3, magkaklase kami sa OB Montessori!" natatawang pag-amin naman niya. "Pinadalhan ko siya ng love letter noon. Valentine's day yata yun. Tapos, noong ibinigay sa kanya, hindi niya tinanggap. Hindi na kami friends.

"Mataray kasi yun noong bata, e. Pero crush na crush ko siya noon, maganda, matalino. Nasa Top 1 yun sa klase namin. E, seatmates pa naman kami noon. Palagi niya akong pinapakopya. Matalino nga kasi. Kaso yun, nagalit sa akin noong pinadalhan ko ng love letter."

E, ngayong nagkikita na sila sa showbiz?

"Wala na siyempre, boyfriend na niya si Railey [Valeroso] nang magkita kami, e!" natatawang sabi ni Ping.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN