Glaiza de Castro says she was ordered by manager not to attend Astig premiere

"Utos sa akin yun ni Direk Manny [Valera], e, na huwag na akong pumunta sa premier night," Glaiza de Castro said. "Ako naman, kung ano ang sabihin niya nirerespeto at sinusunod ko."


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza de Castro kaninang hapon, August 2, pagkatapos niyang mag-guest sa musical-variety show ng GMA-7 na SOP. Ipinaliwanag niya na utos ng kanyang manager na si Direk Manny Valera ang hindi niya pagdalo sa premiere night ng indie film na Astig, na official entry sa Cinemalaya Cinco, kung saan isa siya sa cast nito. Nagkaroon daw kasi ng problema si Direk Manny sa kanilang producer.

"Utos sa akin yun ni Direk Manny, e, na huwag na akong pumunta sa premiere night. Ako naman, kung ano ang sabihin niya nirerespeto at sinusunod ko," lahad ni Glaiza.

Ano ba talaga ang naging problema ng manager niya sa kanilang producer?

"Hindi ko alam e," sagot niya. "Pero parang meron yata silang hindi napag-usapan na hindi nasunod."

Hindi kaya ang talent fee niya ang naging problema?

"Sa tingin ko hindi naman yun, kasi alam naman natin sa mga indie film, maliit lang talaga ang talent fee," sagot niya.

Hindi naman kaya ang naging role niya sa Astig ang naging problema?

"Hindi rin, e," ani Glaiza. "I think after nabuo na yung film, dun na medyo nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. And there was a time na namis-inform kami."

Na-misinform sila about what?

"About mga promotions and ilang matter na hindi ko na inalam, e. Basta kung ano na lang ang sabihin sa akin ni Direk Manny, yun na lang ang susundin ko."

WATCHING PUMPING SCENE WITH DAD. Hindi kaya ang dahilan ay dahil dun sa sexy scenes o pumping scene na ginawa niya sa pelikula?

"Hindi naman yung sexy scenes, kasi bago naman namin tinanggap yung movie, alam ko naman na may sexy scenes ako doon. At yung pumping scene ko naman doon with Dennis [Trillo], e, daya lang naman yun.

"Pero nung mapanood ko yung eksena na yun, nagulat pa rin ako kasi first time kong nakita yung sarili ko sa ganoong eksena, tapos katabi ko pa yung tatay ko na nanood. So, awkward."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sabi ng tatay niya?

"Wala, hindi siya umiimik!" tawa ni Glaiza "Alam na rin naman kasi niya yun. Kaya lang, first time niyang nakita sa screen na ganyan, tapos medyo mahaba pa. Pero yung nanay ko ang medyo nagulat."


GLAIZA'S CO-STARS. Sa ngayon ay regular na napapanood si Glaiza sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin ng GMA-7 kunsaan bida si Maxene Magalona. Kontrabida rito si Glaiza.

Marami sa nakakapanood ng serye ang nagsasabi na nilalamon ni Glaiza si Maxene sa pag-arte sa mga eksena na magkasama sila.

"Si Max naman, magaling siyang artista. Kaya lang, nagkataon na yung character ko ay mas strong dahil nga kontrabida ako roon," sabi niya.

PATRICK GARCIA ON DRUGS? Kasama rin sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin si Patrick Garcia na minsan ay nanligaw kay Glaiza. Sinasabing kaya raw hindi sinagot ni Glaiza si Patrick ay dahil sa balitang hanggang ngayon daw ay gumagamit diumano ng drugs ang aktor.

"Kung gumagamit siya ng drugs, ayos lang yun!" biro ni Glaiza. "Actually, marami akong naririnig na mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Yung iba mga negative, yung iba naman, positive. Dun sa mga negative, like yung gumagamit siya ng drugs, hindi ako basta-basta naniniwala unless makita ko nang actual."

Maging si Patrick ay itinanggi na sa kanyang past interviews ang intrigang ito sa kanya.

Isa pang kasama sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin ay si JC Tiuseco. After Patrick, si JC naman daw ang nanliligaw kay Glaiza.

"Hindi nanliligaw sa akin si JC," sambit ni Glaiza

E, bakit may balitang pinadadalhan daw siya nito madalas ng pizza?

"Yung tungkol sa Pizza Hut, once lang yun nangyari na nagdala siya sa set namin. Actually, may istorya tungkol doon. May isa kasi kaming eksena sa show na kumakain kami ng pizza. Tapos niloko namin si JC ng make-up artist ko na magdala naman siya ng pizza sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The next taping day namin, nagulat na lang ako na may dala siyang pizza. Sabi ko sa kanya, 'Nakakahiya naman sa 'yo, binibiro ka lang naman namin.' Sabi naman niya, okey lang yun. Kaso, hindi rin naman ako nakakain ng pizza!" natatawang kuwento ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN