Dennis Trillo says he and Pauleen Luna have a lot of things in common

"Gusto ko lang mapalapit sa kanya kasi masaya ako kapag kasama ko siya. Tingnan na lang natin kung ano'ng mangyayari kasi mahirap naman pilitin. So far okey naman kami," says Dennis Trillo about his Adik Sa 'Yo co-star Pauleen Luna.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis Trillo kahapon, August 2 pagkatapos ng GMA-7 Sunday musical show na SOP, kunsaan ay mainstay siya.

Actually, papaalis na sana si Dennis para dalawin ang inang si Florita Florencio Co na nasa ospital. Naoperahan ito dahil sa sakit sa puso. Gayunpaman, nagawa pa rin ng aktor na pagbigyan ang PEP na makapanayam siya ng ilang saglit lang.

Ikinuwento ni Dennis sa PEP na naging successful ang operasyon ng kanyang ina.

"Successful ang operation, awa ng Diyos. Walang kumplikasyon sa mommy ko kasi malakas siya. Two days ago, naoperahan siya sa puso. May open-heart surgery na ginawa sa kanya. Nasa ICU [intensive care unit] pa rin pero nagpapagaling na," lahad ni Dennis.

Two years ago pa raw na-diagnose na may sakit sa puso ang ina. Sinubukan naman daw nung mga panahon na iyun na inuman lamang ng gamot para matunaw ang bara sa puso ng ina pero finally ay nag-decide na lamang na ipaopera.

Hindi raw naging madali para kay Dennis na makitang nakaratay sa ospital ang kanyang ina.

"Nakakapanghina. First time kong makita yung mommy ko na maraming tubo na nakapasok sa katawan niya. Sobrang strong ng katawan niya at sobrang sipag niyang tao kaya nakakagulat na magkasakit siya ng ganun."

Kailangan pa raw na manatili ng sampung araw sa ospital ang kanyang ina para ganap na maka-recover.

DENNIS AND PAULEEN. Samantala, kinumusta na rin ng PEP ang lagay naman ng sarili niyang puso with regards sa napapabalitang nakakamabutihan niya ngayong si Pauleen Luna?

"Okey naman. Ganun pa rin. Lumalabas kaming madalas. Masaya ako with her kasi masaya siyang kasama. Marami kaming things in common."

Sa isang interview kay Pauleen ay sinabi nito na posibleng "mag-fall" siya kay Dennis dahil nga lagi silang magkasama.

Ano ang reaksyon ni Dennis sa sinabing iyon ni Pauleen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Posible naman talaga lahat yan, e. Marami ang puwedeng mangyari," nasabi na lang ng aktor.

Hindi raw alintana ni Pauleen ang isyu noon kay Dennis na laging nagde-deny ng mga babaeng naididikit dito. Sabi pa nga ng dalaga, kung may isang katangian si Dennis na hinahangaan niya nang husto, ito ay ang pagiging marespeto raw ng binata sa mga babae.

"Ganun naman talaga dapat, e. She deserves it kaya ganun ako. Kasi mabait siya sa akin. Masaya ako kapag kasama ko siya. May sense of humor, sweet at thoughtful."

Sabi pa ni Pauleen, hindi rin si Dennis ang klase ng lalaking nagte-take advantage sa babae.

"Hindi naman talaga ako mapagsamantalang tao," saad niya.

Ano na ba talaga ang real score sa kanilang dalawa? Nasa ligawan stage na ba sila?

"Sobrang close lang talaga kami. Hindi ko alam kung ligaw yung nagpapakita ka ng maganda siyempre. Mas importante sa akin yung maging magkaibigan muna kayo. Mas maganda yung maging maganda muna yung samahan na ganun nagsimula, mas malalim, mas kilala nyo na yung isa't isa."

Kung hindi niya diretsahang maamin na nanliligaw siya kay Pauleen, ano ang talagang intensyon niya sa aktres?

"Gusto ko lang mapalapit sa kanya kasi masaya ako kapag kasama ko siya. Tingnan na lang natin kung ano'ng mangyayari kasi mahirap naman pilitin. So far okey naman kami."

Two months ago ay kakahiwalay lamang nila ng ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes. Nakatulong ba si Pauleen para mag-heal ang kanyang broken heart?

"Hindi naman talaga broken, pero malaking bagay na nandiyan siya [Pauleen] kasi nagiging masaya ako."

Sa past relationships ni Dennis, hindi siya basta umaamin sa mga nakakarelasyon niya. Kapag naging sila ba ni Pauleen ay aaminin niya?

"Palagay ko naman," tugon na lang ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN