Kris Aquino explains why family chose not to have state funeral for former President Corazon Aquino

"Malacañang doesn't have to say bigyan ng honor ang mom ko dahil yung honor, nanggagaling sa bayan natin," says Kris Aquino about her mother, former President Corazon Aquino, who passed away last Saturday, August 1.


Binigyang linaw ni Kris Aquino kahapon, August 2, sa The Buzz ang tungkol sa umano'y pagtanggi ng pamilya nila sa alok ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ng Malacañang na bigyan ng state funeral ang kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

Lumabas kasi ang balitang nag-alok ang Malacañang sa naulilang pamilya na maiburol sa palasyo ang dating lider ng bansa para magkaroon ng state funeral. Pero diumano'y tinanggihan ito ng pamilyang Aquino. Tuloy ay nabahiran ito ng isyung pulitikal.

Matatandaan kasing nakasama pa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Tita Cory sa pagpapatalsik noon kay dating Pangulong Joseph Estrada sa liderato. Pero makaraan ang ilang panahon ay isa na rin si Tita Cory sa tumutuligsa kay PGMA hanggang sa maging kaalyansa siya ng mga taga-oposisyon at nag-sorry pa kay Erap sa pakikibahagi niya sa pagpapaltalsik dito.

"AYAW NAMIN NG GULO." Bilang representative ng pamilyang Aquino at hindi bilang isang pulitiko, inako na ni Kris ang pagpapaliwanag tungkol sa naturang isyu. Kahapon nga ay isiniwalat niya ang kanyang damdamin habang kaharap ang co-host at kaibigan na si Boy Abunda.

Nilinaw ni Kris ang mga salitang "they didn't allow" na magkaroon ng state funeral ang kanyang ina.

"It's not that we didn't allow it, Boy," simula niya. "We just said code proper na lang. Para wala na lang gulo. Ayaw namin ng gulo. Ayaw ng mom ng gulo, for the people especially."

Inamin din ni Kris na totoong may representative from Malacañang na lumapit at kumausap sa kanila tungkol sa pagbibigay ng state funeral kay Tita Cory.

"I want to say something and I really hope na hindi ito mabigyan ng kulay-pulitika. I just want to explain some things about our decisions sa family. May mga lumapit po... Kasi, hindi naman just because you're on the opposite side of the political bed, it doesn't mean na may mga tao sa administrasyon ngayon na hindi namin kaibigan. There are those who have remained friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, somebody came... I won't name the person anymore, who was quite close to mom, asking... Sabi niya, 'It was not proper but, you know, it has been talked about. But if she goes, would you want na may state funeral, na the wake will be held in Malacañang?'

"Noy [Senator Benigno "Noynoy" Aquino III, Kris's brother] was there, but I said ako ang magsasalita para hindi sabihin na namumulitika kami, na pulitika ang dahilan. Medyo na-ano ako, Boy, nasabihan kasi na, 'damn if you do, damn if you don't' daw kasi ang sitwasyon nila. Kung hindi mag-offer, parang masama. Kung mag-offer at tumanggi kami, masama pa rin.

"I'm sorry, but at that moment, I really said, 'Hindi ko problema ang problema n'yo. Ang problema ko lang, ang mom!' And I said, I'm speaking on behalf of everybody. Malacañang doesn't have to say bigyan ng honor ang mom ko dahil yung honor, nanggagaling sa bayan natin," saad ng bunsong anak ng dating Pangulong Cory Aquino.

ISSUE ON CORY'S SECURITY. Inilahad din ni Kris ang tungkol sa isyu ng pagpapabawi raw ng security ng kanyang ina. Ang mga dating Pangulo kasi ng bansa ay may karapatan at pinapayagan magkaroon ng security bilang bahagi ng pribilehiyo ng isang dating lider.

Ani Kris, "I will share this so that you will understand as a daughter how I feel. It is my mom's right na mayroon siyang security. Every former president has that. July, Boy, I don't know but it was explained to me na the unit daw taking care of presidents was being dissolved. So, parang tinatawag back. Hindi ko na maintindihan kung saan... Basta, anyway, they were made to explain, hinihingan ng written letter ang mom ko kung bakit mare-retain si Mel at si Cris [Cory's bodyguards], dalawa lang yun. Noy was the one who took care of it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi pinaba-back sa mother unit, something. Tapos, may prosesong pagdadaanan. But this was already July, na nasa ospital na ang mom. It was explained to me nga na hindi naman daw nire-recall yung security ng mom. Inaayos lang daw for accounting purposes."

Hindi raw maiwasang maging emotional ni Kris nang malaman ang tungkol dito.

"Nung when I brought it up, nasabi ko, sorry, ha, emotional ako nung time na yun, sinabi ko, 'Gusto n'yong bigyan ng honor ang mom ngayon. E, kung presidente nga siya... I mean nung may sakit. You view her as a president, tapos gusto n'yong bawiin.' Dahil siyempre emotional ako, yun ang nararamdaman ko bilang anak. So, na-explain po nang maayos sa akin. Pero ngayon, I'm just trying... So that Noy will never have to speak up [about] this, para I'm not running for any political office, I have no ambition for the near future," paglilinaw niya.

Hindi na nga mapigilang maiyak ni Kris nang sabihin niya kung gaano kahalaga ang dalawang security sa kanyang ina at sa kanilang pamilya.

"Sinasabi ko lang po sa inyo, na si Mel at si Cris are like family to us. I saw them crying by my mom's bedside with us. Sila ang kasama ng mom sa bawat check up. Sila yung kasama sa lahat ng operasyon. Sa gabi, 'pag wala akong kasama, sila yung kasama ko. They are like family.

"Binilin ng mom specifically kay Ate [Ballsy], when she goes, to make sure we take care of them. Yun lang, e, Boy, yung konting respeto lang na yun, na huwag mo namang tanggalin yung security blanket ng mom. It really hurt me. It hurt me because I understand politics and I understand na 'pag may impluwensiya ka, pahihirapan mo yung kalaban mo. Pero huwag naman yung maliliit. Huwag naman yung dalawa na talagang nagmahal sa mom," naluluhang sabi ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naunawaan din daw ni Kris ang mga bagay-bagay. Gusto niya lang ibahagi ito nang sa gayon ay maipaliwanag niya rin nang maayos sa taong-bayan ang kanilang naging desisyon.

"In-explain sa akin nang maigi, tapos na yan. Pero gusto ko lang ibahagi on a personal basis why we made the decisions we made. And I want to say thank you to everybody kasi nga naman talaga kung anuman ang hindi naibigay sa mom, lahat kayo sobra-sobra yung pagbibigay n'yo sa kanya. There is no bitterness in my heart."

(Sa special report ng 24 Oras kagabi, August 2, nilinaw ni Executive Secretary Eduardo Ermita na wala raw intensiyon ang Malacañang na bawiin ang security na itinalaga para kay dating Pangulong Aquino. Nagkaroon lang daw ng gusot sa administrative order tungkol dito. Pero nirerespeto raw ng pamahaalan ang pagtanggi ng pamilya Aquino na bigyan ng state funeral ang dating Pangulo.)

THANKING THE MARCOSES. Ayon kay Kris, kagustuhan na rin ng kanyang ina na maging payapa na ang lahat at ang pagpapatawad ay bukas sa puso niya.

Kuwento niya, "During our last conversation, I asked mom, sabi ko, 'Mom, when I address the people, gusto mo bang sabihin ko na you want everybody to be at peace?' And she said, 'Yes'. Do you want me to be able to tell the people na pinapatawad mo ang lahat ng nakalaban natin at humihingi ka rin ng patawad sa lahat ng mga nakalaban natin? And she said, 'Yes.'"

Hindi nga raw naisip ni Kris na darating din ang araw na magte-thank you siya sa mga Marcoses, na mahigpit na kalaban sa pulitika ng kanilang pamilya, simula sa kanyang amang si Ninoy Aquino hanggang sa kanyang inang si Cory.

"I would like to say na I never thought that time will come, but I'd say thank you to the Marcoses for really praying for Mom. I felt the sincerity, Boy," pahayag ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN