Michelle Madrigal "flirts" with NBA superstar Kobe Bryant

"Oo, lapit siya nang lapit sa akin. Kapag aalis ako, sasabihin niya, 'Hey, why are you staying away from me?' Ang haba ng hair ko! Baka pumunta rito si Vanessa [Laine, asawa ni Kobe], sabunut-sabunutan ako!" says Michelle Madrigal about NBA superstar Kobe Bryant.


Si Michelle Madrigal ang naupo bilang guest sa "Gimme Mo" segment ni No Twister sa Showbiz Central kahapon, August 2. Ayon sa young actress, kinakabahan daw siya dahil first time niyang sumalang sa naturang segment.

Question No. 1: Ano ba ang pinaka-worst na ginawa mo para lang maka-get ahead dito sa industriya?

"Alam mo, hindi ko puwedeng sabihing worst. Pero siguro ang pinaka-mahirap... Noong nandoon pa ako sa kabila [ABS-CBN], dahil marami kami, palagi akong naghihintay ng projects, minsan six months. So, nag-decide ako para sa sarili ko na kailangan naman siguro may mangyari sa career ko dahil ito talaga, gusto ko talaga 'to.

"And since nandito na naman ako, gagawin ko na ang lahat. So, nag-decide ako na lumipat ako ng manager. And since na kay Tita [Annabelle Rama] na ako, okey na naman ang career ko," sagot ni Michelle.

How do you feel with the comparison with your sister Ehra Madrigal? Nai-insecure ka ba? Naapektuhan?

"Hindi," sagot ni Michelle. "Alam mo, sa amin ni Ehra, natatawa kami. Like, kapag magkasama kami sa mall or kahit saan, 'Hi Ehra! 'Ay, siya po si Ehra.' Or magkatabi kami, 'Hi Michelle, ang ganda-ganda mo!' 'Ay, ito po si Michelle.'

"Ang sa amin, kung ano ang project, like sa FHM, sinusuportahan talaga namin ang isa't isa. Like ngayon, ginagawa niya ang Darna, tinatanong niya sa akin, 'Grabe, kontrabida ako!' And since ako ang unang nag-kontrabida sa aming dalawa, binibigyan ko siya nga advice."

Now that you're both successful, hindi ka nai-insecure. Pero noong time na sobrang daming trabaho ni Ehra at ikaw wala, dun ka nai-insecure or hindi rin?

"Hindi," sagot ni Michelle. "Noong bata kami, noong hindi pa kami artista... Siguro, noong bata kami, dahil siya ang panganay, kung ano ang meron siya, ako wala. At kapag magpapabili ako sa parents ko, 'Hindi, kunin mo na lang yung kay Ehra.' Parang ganun. Pero ngayon, wala, wala talaga kaming inggitan ni Ehra."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Question No 2: Recently, may lumalabas na istorya na na-meet mo raw si Kobe Bryant [NBA superstar] Nag-flirt ba si Kobe sa 'yo? Sinabi nga ba ni Kobe sa Embassy na lumapit ito sa 'yo at sinabing 'Hi gorgeous, how's Zorro?'

"Yes," pagkumirma ng young actress. "Well, siyempre, na-flattered ako noong sinabi niya yun. Pero parang gusto kong itanong, 'Meron kang [GMA] Pinoy TV sa bahay mo? Pinapanood mo kami?"

Dugtong niya, "Actually, nakipagkuwentuhan siya. Kami ni Bubbles [Paraiso], nakipagkuwentuhan siya."

Feeling mo naman, nagpi-flirt si Kobe Bryant sa 'yo?

"Oo, lapit siya nang lapit sa akin. Kapag aalis ako, sasabihin niya, 'Hey, why are you staying away from me?' Ang haba ng hair ko! Baka pumunta rito si Vanessa [Laine, asawa ni Kobe], sabunut-sabunutan ako!" natatawang sabi ni Michelle.

Bumisita sa Pilipinas si Kobe recently para sa ilang personal appearances at upang mag-shoot ng TV commercial with Pinoy boxing champ Manny Pacquiao.

Question No. 3: You've been with different relationships in showbiz. Who would you say is your biggest heartbreak at bakit?

"Siyempre, alam naman ng lahat na si JC de Vera dahil siya ang first boyfriend ko," sagot niya. "So, lahat talaga parang na-experience namin. Siyempre, parang ito na. At saka bata pa ako noon. Marami kaming pinagdaanan ni JC noon. At ngayong pareho kami ng manager, okay ang friendship namin."

Are you dating anyone now?

"I am," pagkumpirma niya.

Non-showbiz?

"A, secret!" sambit ni Michelle.

It's showbiz?

"Non-showbiz," sagot ni Michelle.

Pero diniretso naman siya ni Mo at sinabing naniniwala siyang nagsisinungaling si Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN