RR Enriquez denies torridly kissing Ginebra player Jayjay Helterbrand in public

"Hindi ko naman siya boyfriend para makipaglaplapan ako sa kanya, no! At may girlfriend na yung tao. Nakakahiya naman sa girlfriend niya kung ginawa ko yun. At hindi naman ako yung tipo nang babae na pumapatos sa isang lalaking may commitment na sa iba. Pangit naman yung ganoon," says RR Enriquez (in photo) about report that she was seen torridly kissing PBA player Jayjay Helterbrand in Embassy Bar.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si RR Enriquez kahapon, August 3, pagkatapos ng noontime variety show na Wowowee, kung saan isa siya sa co-host dito ni Willie Revillame.

Ayon kay RR, walang katotohanan ang na-headline sa isang tabloid na nalasing diumano siya sa Embassy Bar last Friday, July 31. Ayon pa sa lumabas na report, nagwala raw ang sexy star at "nakipaglaplapan" sa isang Chinese guy

"Yes, I was in Embassy Bar nung Friday night to attend a birthday party," pauna ni RR. "Pero I stayed there for like one and a half hour lang and I was not drunk. My close friends know that I dont really drink. Occasionally and social drinking lang and not to the extent na magpapakalasing ako."

Pinangalanan din ni RR ang lalakeng sinasabing kahalikan niya.

"Hindi ako nakipaglaplapan kay Jayjay Helterband [Barangay Ginebra point guard]. Siya yung sinasabi nung nagsulat na Chinese guy. Unang-una, bakit naman ako makikipaglaplapan sa kanya, e, kumpare ko lang siya? Sobrang magkaibigan kami no'n, barkada lang kami.

"Hindi ko naman siya boyfriend para makipaglaplapan ako sa kanya, no! At may girlfriend na yung tao. Nakakahiya naman sa girlfriend niya kung ginawa ko yun. At hindi naman ako yung tipo nang babae na pumapatos sa isang lalaking may commitment na sa iba. Pangit naman yung ganoon.

"At kung halimbawang boyfriend ko naman siya, bakit naman ako makikipaglaplapan sa kanya in public? May delicadeza naman akong tao, 'no!" pagtatanggol ni RR sa sarili.

Ipinaliwanag ni RR kung bakit napagkamalan silang "naglalaplapan" ni Jay-Jay.

"Kasi maingay dun sa Embassy Bar dahil malakas yung music," sabi niya. "Hindi kami nagkakarinigan kapag nag-uusap kami kaya bulungan ang ginagawa namin. E, siguro yung source nung nagsulat, akala niya pag bumubulong sa akin si Jay-Jay ay naghahalikan kami. Bumubulong lang sa akin yung tao, halikan na pala sa kanya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang message na gusto niyang iparating sa source na nagparating sa sumulat tungkol sa kanila ni Jayjay?

"Sinungaling siya!" walang kagatol-gatol na sabi ni RR. "Baka siya ang nakipaglaplapan doon! Saka hindi ko gawaing makipaglaplapan in public! Saka bihira lang akong gumimik. That was my first time in Embassy Bar after two years na hindi ako nagpupunta doon. Tapos, matsitsismis pa ako na ganoon. Kahit nagpapa-sexy naman ako, may delicadeza naman ako kahit paano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN