Nova Villa demystifies urban legend that she has a kid by the late FPJ

Nova Villa was discovered by no less than the late King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr. At age 18, she signed a contract with his production outfit. But was their relationship more than just a talent-manager thing?


Puring-puri ng veteran actress na si Nova Villa ang bida ng Tiagong Akyat na si Gerald Anderson. Ang young actor ang siyang magbubuwena mano sa mga characters na ginampanan ni dating Senador Ramon Revilla, Sr., na siyang mga tampok sa bagong serye ng ABS-CBN na Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla. Mapapanood na ito sa August 15.

Si Gerald ang gaganap sa modernong bersyon ng Tiagong Akyat. Ina-inahang umampon naman kay Gerald ang papel na ginagampanan ni Nova.

"Ang comedy ko, very, very light. Kasi ako yung nanay ni Jayson [Gainza] na isang pari. And then, adopted ko si Gerald nung mamatay ang parents niya nung na-murder. So, masaya kami sa bahay, ganun. So, yun ang comedy roon," panimula muna ni Nova nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GERALD FAN. Hindi pa raw niya nakakaeksena ang lahat ng kasama sa cast. Mas madalas raw niyang kaeksena si Gerald na nasubaybayan niya ang career mula nang nasa Pinoy Big Brother Teen Edition pa lang ito hanggang sa Tayong Dalawa.

"Up to now, ang pinapanood ko yung Tayong Dalawa. Itong sina Arron [Villena], nakikita ko na sumasayaw sa TV. So, yun ang recall. And then, natutuwa ako sa kanya. Maliit pa siya noon. Ngayon binatilyo na."

Sa palagay ba niya nag-improve na si Gerald sa pag-arte?

"Ah, yes. Malaki ang in-improve because, as I've said, nasundan ko yung umpisa niya noon. Hirap pa 'yang mag-Tagalog kasi Amerikano 'yan, e. English-speaking 'yan. Kita mo nga ngayon, medyo slang-slang pa. But naka-focus yung bata. Talagang he wants to be an actor siguro. Nag-aral. Magaling nang mag-Tagalog. And even yung kanyang akting mas may lalim. Malalim na."

45 YEARS AND COUNTING. Umabot na sa 35 taon si Nova sa paglabas sa mga shows ng ABS-CBN. Dati raw ay may exclusive contract siya sa Kapamilya network. Pero ngayon nakakontrata na raw sila per show. Pero kung tutuusin, mahigit na sa apat na dekada si Nova bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano...45 years, since 1964. Kasabayan ko?

"Actually, parang sina Gina PareƱo. Pero nauna pa ako roon. Kasi una, nag-Sampaguita ako, mga supo-supporting and then, kinontrak na ako ni FPJ, ke Fernando Poe Jr. 'Tapos after one year or two years...or one year? Yun namang Stars 66, sina Gina sa Sampaguita, Shirley Moreno, Sarah Calvin...

"Ni-launch ako ng FPJ Productions sa Daniel Barrion my first movie with FPJ. Daniel Barrion, Baril na Ginto...ganyan. Ang FPJ kasi tatlo ang company niyan. Merong Dlanor, si Ronald 'yan."

Ronald Allan Poe ang tunay na pangalan ni FPJ.

"Nakalimutan ko pa yung isa. Merong ginagawa ang Dlanor like yung Mahiwagang Daigdig ng Pantasya. Kami ni Dolphy yun."

Tinapos ni Nova ang kontrata niya sa FPJ Productions sa loob ng tatlong taon.

"And then I became a freelancer. 'Tapos television na, ABS-CBN. Doon pa sa Roxas Boulevard. Panahon pa ng mga Mahiwagang Daigdig ni Doray. Kami ni Nida Blanca...Buhay Artista [TV show nina Dophy at late comedian Panchito]."

DISCOVERED BY FPJ. Paano nga ba siya na-discover ni FPJ?

"Nasa Premiere Productions ako noon. Kasama ko si Chichay, nagpasama. Bata ako noon, 17. Neighbor ko si Chichay, kalaro ko yung anak. Sabi niya, 'Halika, sama ka sa akin.' So, sumama naman ako.

"E, hindi ko pa napapasok yung mga Premiere Productions na 'yan. So, sabi ni Chichay, 'Hintayin mo ako dito sa canteen."

Habang naghihintay sa canteen at nag-aabang ng mga artistang papasok sa malaking gate ng Premiere Productions, isang puting Cadillac ang pumasok sa gate. Napahanga si Nova sa kotse at sinipat kung sino ang sakay niyon.

"Sino kaya 'yun?" kuwento ni Nova. "'Tapos nakita ko, may nagda-drive. E, di kunyari nakayuko ako sinisipat ko kung sino yun. 'Tapos siya rin pala nakatingin sa akin. Pareho kaming nagtitinginan. Eye-to-eye. 'Tapos nung tinitigan ko, 'Inay!' Sa loob-loob ko, 'Inay! Si FPJ!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nahiya ako. Talagang yumuko ako, 'Ay, si FPJ! Guwapo!'

"'Tapos siya naman, lumampas na. Mamaya dumadating na ang kanyang production manager, si Ben Esteva. Sabi, 'Iha, gusto mong mag-artista?'

"E, hindi ko naman alam kung sino man 'yang tao na 'yan. Sabi ko, 'Opo.'

Tinanong daw siya ni Ben Esteva kung bakit siya nasa Premiere Productions. Sinabi niyang isinama siya ng kapitbahay niyang si Chichay. Nagkataon pala na naghahanap sina FPJ ng isang baguhan na gaganap na 15-year-old na leading lady ng Hari ng Pelikulang Pilipino.

"Kasi nag-publish na pala sila sa newspaper ng [advertisement for] 15-year-old leading lady for Daniel Barrion. E, bukas na yung shooting. Nakakailang linggo na sila ng pagpa-publish, walang makita. Kaya nung makita ako...e, ang buhok ko hanggang baywang at ang puti ko. Ang kulay ng buhok ko, blonde-blonde."

Tinanong daw siya ni Mr. Esteva kung okey lang siyang mag-shooting na kinabukasan agad. Buong pagtataka naman ni Nova na tinanong ito kung hindi ba siya dadaan muna sa screen test. Dalawang taon na rin naman siyang umeekstra-extra sa mga pelikula ng Sampaguita, kaya alam niya na rin ang proseso ng pag-casting sa pelikula.

17 PLAYING 15. Wala na raw screen test na nangyari at isinalang na agad siya. No less than FPJ himself ang leading man niya sa cowboy movie na iyon, titled Daniel Barrion. Kahit 17 years old na, pinabata siya sa pelikula at ginawa siyang 15 years old.

Sa istorya ng Daniel Barrion, mai-in love ang character ni Nova sa character ni FPJ na si Daniel Barrion. Sa ending ng pelikula'y may eksena pa silang magda-dialogue pa si Nova ng, "Kailan ka babalik?" Na sasagutin naman ni FPJ ng, "'Pag 17 ka na."

"Ibig sabihin, babalik. So, pinalabas na 15 ako roon. Nagkaroon ng sequel," kuwento pa ni Nova.

Siya ba ulit ang kinuha para sa sequel ng Daniel Barrion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba na, Hindi kilala. Model. Umiyak ako noon. Pero wala naman akong ginawa. Quiet ka na lang," lahad na lang ni Nova.

Pero noong under contract siya kay FPJ, ito rin ang panahon na may tsismis tungkol sa kanila ng Da King.

"Uhmmm...," nakatikom ang bibig pero nakatinging tugon ni Nova.

Ibig bang sabihin nito, hindi rin siya nakalampas sa matinding charm ni FPJ?

"May alam ka, 'no? E, leading lady ako noon!" paninita ni Nova.

Pinilit ng PEP na alamin kay Nova kung na-in love nga ba ito sa Hari ng Pelikulang Pilipino.

"Uhmm... pero, hindi... kasi bata ako noon. Seventeen. Pero 18 na ako nung pumirma ako ng kontrata sa FPJ. Kasi after ng Daniel Barrion nag-debut ako sa FPJ."

Sariwang-sariwa pa siya noon?

"Super!" ngiti ni Nova.

Si FPJ ba ang naging escort niya?

"Andun siya."

First love niya si FPJ?

"Hindi ko po masabi. Bata ako, e," animo teenager na iwas ni Nova.

Napangiti na lang ng makahulugan si Nova nang tanungin kung ano ang naging reaksyon ng parents niya sa pagiging in love niya kay FPJ.

DEBUNKING URBAN LEGEND. Pero hindi lang ito ang naging tsismis sa kanila ni FPJ. Dahil malaking artista at guwapo, may mga kumalat din noon na tsismis na nagkaroon sina Nova at FPJ ng anak. Kabilang na sa sinasabing "urban legends" sa local showbiz.

"Hindi totoo... Not true!" sagot agad ni Nova.

Aware daw siya noon na may ganoong tsismis tungkol sa kanya. Pinili na lang niya at ni FPJ na tumahimik tungkol dito. Paggalang na rin daw kay FPJ bilang kanyang boss.

"Under contract ako, e, sa FPJ. Boss ko siya. So, anything na may ganyan may rumor, if possible, umiiwas ako. Dahil artista n'ya ako, e. Di ba kapag boss mo, magsasalita ka ba against sa boss mo, kumbaga?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, isa ba siya sa pinagselosan ng misis ni FPJ na si Susan Roces?

"Ayaw ko na niyan. Friend ko si Susan,. Ano na 'yun, lumipas na 'yun."

Nagkita na ba sila ni Susan sa ABS-CBN?

"Oo, magkasama kami lagi. Meron kaming samahan. Naggi-guest ako sa show niya noon. Nung sila ni Dolphy."

Okey ba naman sila ni Tita Swanie?

"Oo, we're very good friends."

HER REAL LOVES. Pero nagkaroon ba siya talaga ng anak?

"Meron, isa lang, babae. Nasa States siya ngayon. May asawa na siya. May apat na akong apo. Ako, matagal na akong married. Never akong nahiwalay. Hindi siya artista. Happily married ako until now since 1972. His name is Freddie Gallegos from Baler, Quezon. He's a very private person."

Paminsan-minsan ay sinasamahan siya ng mister niyang si Freddie sa mga showbiz functions, lalo na ngayong retirado na ito mula sa maraming taon ng pagtatrabaho sa kumpanya ng Petron bilang isang supervisor.

Incidentally, natsismis din noon si Nova sa leading man niya sa 1980s TV show niyang Chicks-To-Chicks. Kapangalan kasi ng real life husband niya ang onscreen husband niyang si Freddie Webb.

ONE OF HER GREATEST LOVES. Nasa States daw siya noon kasama ang kanyang pamilya nang mabalitaan niyang namatay na si Fernando Poe, Jr. "Hay, namatay na si Rannie!" unang reaksyon niya raw.

Dinalaw na ba niya ang puntod nito?

"Ah, hindi na. Hindi ko alam kung saan. Pero ano, nagpapamisa ako always sa kanya. Kasi ano ako, e, close naman ako sa family nila."

Dahil sa revelation niya, masasabi ba niyang isa sa greatest loves niya si FPJ?

"Siguro," kinikilig na sagot ni Nova.

Pero bakit nga ba sila naghiwalay ni FPJ?

"Hindi, hindi ko alam. Basta nawala. Tapos na ang contract. Ha-ha-ha!"

Click here to watch video of her interview


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN