May Bukas Pa star Zaijian Jaranilla admits he is not as good as Santino

Child star Zaijian Jaranilla innocently answered questions about his show, May Bukas Pa, and himself during the thanksgiving press conference of the toprating ABS-CBN drama series.


Instant sikat at biglang naging "superstar" ang mag-e-eight years old na chold actor na si Zaijian Jaranilla, na mas kilala bilang Santino. Ito ay dahil sa naging tagumpay ng primetime series niya sa ABS-CBN, ang May Bukas Pa.

Nang nagsimulang mapanood ang May Bukas Pa noong February 2009, two months lang daw sana ang planong pag-ere nito. Pero sa thanksgiving press conference ng show na ginanap last Monday, August 3, ay in-announce na hanggang January 2010 pa ito mapapanood. Lalo pa nga't halos weekly ay may bagong kuwento at may mga kilalang artista silang pini-feature sa show. Next week nga ay ang Comedy King na si Dolphy ang featured guest nila.

Sa naturang presscon, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Zaijian, na kahit alam niyang sikat na siya, nakakatuwa pa rin makita ang pagiging inosente niya sa salitang yun.

Inaasahan nga ba niyang sisikat pala siya nang gawin niya ang May Bukas Pa?

"Opo," sagot ni Zaijian. "Yung lola ko po, sinabi po niya noong nagsisimula pa lang po ako, yung mga VTR-VTR... Tapos sabi niya, 'Kailan ko kaya makikita ang apo ko sa billboard?'"

May billboard na siya?

"Opo. Yung Bench at saka May Bukas Pa."

Kapag lumalabas siya at tinatawag siyang "Santino," ano ang nararamdaman niya?

"Siyempre po masaya kasi maraming taong nanonood sa akin. Maraming taong sumusuporta sa show namin. Tapos, marami ang nagpapa-picture."

Hindi naman siya suplado sa mga gustong magpa-picture?

"Hindi po... Minsan lang, may toyong konti," sabi niya.

Bakit siya nagkakaroon ng toyo? Napapagod ba kasi siya sa taping?

"Opo."

Simula ba nang ginawa niya ang May Bukas Pa, mas naging madasalin ba siya?

"Hindi po... Minsan naman po nagdarasal ako kapag natutulog, paggising."

Kung hihingan siya ng advice para sa mga Pilipino, ano ang ia-advice niya?

"Basta po palagi silang mag-pray kay Bro at saka magpakabait sila," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Zaijian ba, mabait talaga?

"Hindi po masyado," nakangiti niyang sabi.

Six months na ang May Bukas Pa at aabutin pa raw ng January. Mayaman na ba siya sa tingin niya?

"Konti pa lang po."

Ano na ang nabibili niya sa kinikita niyang pera?

"Wala pa!" sagot ni Zaijian.

E, anong ginagawa niya sa pera niya?

"Iniipon pa namin. Kapag marami nang pera, bibili na lang ng kotse. Wala pang kotse, e."

Saan siya sumasakay kapag nagpupunta siya ng taping?

"Service po."

Ano ang mga gusto niyang bilhin?

"Kapag marami nang pera, kotse. Kapag konti pa lang po, mga laruan. Yun po."

Mahilig ba siya sa Speed Stack?

"Opo."

Marami na siya nun ngayon?

"Opo."

May nararamdaman ba siyang naiinggit sa kanyang ibang child stars dahil sa kasikatan na meron siya ngayon?

"Hindi po, hindi ko naman po sila nakikitang naiinggit sa akin."

Crush pa rin ba niya hanggang ngayon Crsitine Reyes?

"Hindi na po," sagot ng child star.

Bakit nawala na ang pagka-crush niya kay Crsitine?

"Wala po."

Ayaw na niya kay Crsitine, hindi na siya naseseksihan?

"Hindi naman po."

Aware ba siya na mataas ang rating ng show niya?

"Opo," sagot niya.

Aware din ba siya na marami siyang nahigitang shows dahil sa mataas na rating ng May Bukas Pa?

"Hindi po. Minsan naman po mababa."

Sa mga nagawa na nilang episodes, ano ang pinaka-favorite niya?

"Yung sa DSWD. At saka yung tinatanong ko kung bakit ako iniwan ng nanay ko, yung sa sementeryo," banggit niya.

May pagka-real life ba yun?

"Hindi naman po," sagot ni Zaijian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN