House submits resolution to declare Cory Aquino a "National Hero"

"We're just doing the highest honor to former President Aquino," Palawan Representative Abraham Mitra said about the joint resolution passed by Congress to declare the late President Corazon C. Aquino a National Hero.


Bilang pagpupugay sa yumaong dating Pangulo Corazon C. Aquino, isang joint resolution ang ipinasa ng Kongreso upang bigyang pagkilala ang mga nagawa niya para sa bansa at hirangin siya bilang National Hero.

Ito ay ang House Joint Resolution 42, "A Joint Resolution to recognize the valuable contribution of President Corazon C. Aquino by declaring her as a National Hero." Ito ay pinasimulan nina Agusan del Sur Rep. Rodolfo "Ompong" Plaza at Camarines Norte Rep. Liwayway Chato.

Sa ulat ng 24 Oras kanina, August 4, sinabi ni Palawan Representative Abraham Mitra, "We're just doing the highest honor to former President Aquino."

Kasunod nito, isang pasasalamat naman ang ipinaabot ni Benigno "Noynoy" Aquino III, nag-iisang anak na lalaki ng dating Pangulo, mula sa kanyang pamilya para sa pagkakapasa ng nasabing resolution.

Pahayag niya, "Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga kasamahan natin sa dalawang kapulungan at, palagay ko naman, ikinatutuwa natin ngayon. And more than anything else, pagkakataon din na makita natin ang mga dinaanan niya [Mrs. Aquino], malaman natin ang ginawa niya. Parang nandun na rin ho 'yong, kumbaga, pagtatanim na siguradong hindi na ho natin mauulit ang mga ganung sakripisyo, di ba?"

Bukod sa HJR 42, nagkaroon naman ng unanimous approval sa second reading ang HJR 40 nina Reps. Lorenzo Tañada III, Joseph Emilio Abaya, Majority Leader Defensor, Minority Leader Zamora, at lahat ng miyembro ng Kamara.

Ang resolusyon na ito ay para sa pagdedeklara ng January 25 bilang "Cory Aquino Day." Ito ang araw ng kapanakan ng kauna-unahang babaeng presidente ng Pilipinas at ng buong Asya.

Ayon kay Congressman Mitra, "This proposal to declare January 25 each year as President Corazon Aquino or Cory Aquino Day is just being discussed and hopefully next week there will be a decision on this. There are some sort of a consensus already, but hopefully by next week, it's going to be decided on, formality na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas, August 5, inaasahang dadagsa ang pakikiramay para sa naiwang pamilya ni Gng. Aquino dahil idineklara itong special non-working holiday ng Malacañang. Ito ay upang bigyang daan ang paghahatid sa mga labi ni Gng. Aquino mula sa Manila Cathedral, sa Intramuros, Manila hanggang sa huli nitong hantungan sa Manila Memorial Park sa Parañaque. Dito rin nakalagak ang mga labi ng kanyang asawa, ang dating senador na si Benigno "Ninoy" Aquino, Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN