President Gloria Macapagal Arroyo visits wake of former President Corazon Cojuangco Aquino

President Gloria Macapagal Arroyo made a quick visit to Manila Cathedral earlier this morning, August 5, to pay her last respects to former President Corazon Cojuangco Aquino.


(Originally posted at 9:15 a.m.)

Dumiretso mula sa Ninoy Aquino International Airport si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang bumisita sa burol ni dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino kaninang madaling-araw, August 5. Pinutol ni Pangulong Arroyo ang kanyang working trip sa U.S. upang makahabol nga sa burol ni Pangulong Aquino.

Ayon sa report ng GMA News, kasama ni Pangulong Arroyo na dumating sa Manila Cathedral ang kanyang gabinete na nakasama rin niya sa U.S. kaninang 3:42 a.m. Umalis siya ng 3:49 a.m.

Nagdasal ng ilang sandali si Pangulong Arroyo sa harap ng kabaong ni Pangulong Aquino ngunit hindi niya ito hinawakan.

Pitong minuto lang ang itinagal ni Pangulong Arroyo sa Manila Cathedral bagamat ang plano niya sana ay magtagal ng hanggang 30 minutes. Pero nang malaman niya na inihinto ang pila ng mga tao na gustong makita si dating Pangulong Aquino sa huling pagkakataon ay nagpasya siyang umalis nang maaga.

Tanging si Senator Noynoy Aquino, nag-iisang anak na lalake ni Pangulong Aquino, ang humarap kay Pangulong Arroyo.

Sa panayam ng media kay Noynoy pagkaalis ni Pangulong Arroyo, sinabi niyang, "Sa palagay ko naman ay civil ang pakikitungo namin sa isa't isa. Pasalamatan po natin at ipinagdasal po [niya] ang ating ina. Nagtanong ng ilang detalye tungkol sa funeral march mamaya, kung saan tutulak papuntang Manila Memorial. Yun lang, konting detalye lang ho tungkol sa arrangements. Wala naman kaming masyadong pinag-usapan talaga. In-accompany ko lang siya to pay her last respects."

Hindi naman direktang sinagot ni Noynoy ang tanong kung may sama pa sila ng loob kay PGMA. Sinabi lang niya na ang mahalaga ay hinarap nila ang Presidente at ipinakita nila ang kanilang magandang-asal na itinuro ng kanilang mga magulang.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maayos ang relasyon ngayon sa pagitan ng pamilya Aquino at ng kasalukuyang pamahalaan. Isa si dating Pangulong Aquino sa tumuligsa sa administrasyong Arroyo nang nabubuhay pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At press time ay kasalukuyang ginaganap ang Requiem Mass para kay dating Pangulong Aquino sa Manila Cathedral, na dinaluhan ng ilang pinakamalalaking pangalan sa pulitika at showbiz, kabilang ang mga dating Pangulo na sina Fidel Ramos at Joseph Estrada; Vice President Noli de Catsro; Senators Manny Villar, Mar Roxas, Loren Legarda, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla; at ang mga artista at singers na sina Lea Salonga, Regine Velasquez, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Jose Mari Chan, Piolo Pascual, Dulce, Erik Santos, at Sarah Geronimo.

Pagkatapos ng misa ay ihahatid na sa kanyang huling hantungan si Pangulong Aquino sa Manila Memorial Park sa ParaƱaque, sa tabi ng puntod ng kanyang asawa na si dating Senator Ninoy Aquino.

Sumakabilang-buhay si dating Pangulong Aquino noong Sabado, Agosto 1, pagkatapos ng isa at kalahating taong pakikipaglaban sa sakit na colon cancer. She was 76.


(Click HERE to view photos taken during the August 3 mass at the Manila Cathedral)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN