Klaudia Koronel reveals some details about her wedding on August 28

"Ewan ko ba! Kailangan yata may pagtatalunan kami na mga bagay-bagay bago kami magkasundo. Pinagtalunan din namin ang venue ng kasal, venue ng reception, yung number of guests, pati ang gown ko at ang isusuot niya sa kasal. Lahat 'yan may diskusyon, pero parati akong nananalo. Nasusunod ang gusto ko," says Klaudia Koronel about her discussions with her future husband, Andy Zhang.


Handang-handa na ang dating sexy star na si Klaudia Koronel sa kanyang nalalapit na kasal ngayong buwan. Sa August 28 na ang kasal ng dating sexy actress sa kanyang fiancé na si Andy Zhang, isang Chinese-American na based sa U.S. Nagkakilala sila sa pamamagitan ng online chatting na nauwi sa kasalan.

Sa Iglesia Ni Cristo Temple sa Diliman, Quezon City magaganap ang kanilang wedding at sa Fernwood Gardens naman ang kanilang reception. Higit sa 300 guests ang inaasahan nilang dadalo sa kanilang kasal.

Kabilang raw sa magiging bridemaids ni Klaudia ay ang mga kaibigan niyang sina Ara Mina at Gladys Reyes.

Inamin ni Klaudia sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na mag-isa niyang inaasikaso ang kanilang kasal. Nasa U.S. pa kasi si Andy at sa August 17 pa ang dating nito. Pinabayaan ni Andy si Klaudia na pagdesisyunan ang lahat, pero may budget nga raw silang mine-maintain. Kaya kapag may major decision ay kaagad na tatawag si Klaudia sa kanyang fiancé.

Ani Klaudia, "Gusto kasi niya noong una ay simpleng kasalan lang. Tama na raw yung sa city hall kami ikasal o sa Las Vegas. Mabilisan ang gusto niya. Ako naman, gusto ko ng ganitong malaki at engrade. Ito ang pinag-awayan namin dati.

"Sinabi ko naman sa kanya na minsan lang ito mangyayari sa buhay ko kaya gusto ko maganda at pinagkagastusan. Gusto ko naman na minsan sa buhay ko ay ikinasal ako na suot ko ang isang magandang wedding gown. Lahat naman ng babae ay pangarap 'yan. Naintindihan naman niya ako at alam niya na may dream wedding akong gusto."


WEDDING DISCUSSIONS. Hindi lang daw ang paraan ng magiging kasal nila ang pinagtatalunan nina Klaudia at Andy, kundi pati ang ilan pang bagay na kailangan sa kanilang kasal.

"Marami kaming pinagtalunan talaga ni Andy," sabi ni Klaudia. "Tulad na lang sa magiging wedding rings namin, iba ang gusto niya, iba ang gusto ko. Gusto niya ay simple lang. Yung platinum ring na walang arte. E, ako, gusto ko may diamonds naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal naming pinagdebatehan ang tungkol sa singsing lang. Nakailang tawag ako sa kanya. Nagsigawan na kami sa telepono at naiyak na ako. Hanggang sa nagkasundo na kami sa anong klaseng singsing. Naayos naman namin.

"Ewan ko ba! Kailangan yata may pagtatalunan kami na mga bagay-bagay bago kami magkasundo. Pinagtalunan din namin ang venue ng kasal, venue ng reception, yung number of guests, pati ang gown ko at ang isusuot niya sa kasal. Lahat 'yan may diskusyon, pero parati akong nananalo. Nasusunod ang gusto ko.

"Nagulat nga si Andy sa akin kasi akala niya tahimik lang ako, pero maingay din daw ako. Hindi ako nagpapatalo. Siya kasi, tahimik lang. Lalake kasi. Yun daw ang tinatawag nila na opposites attact. Alam ko na mahal niya ako kaya pinagbibigyan na niya ang mga gusto ko sa kasal namin."

THE WEDDING GOWN. Bongga rin ang wedding gown na pinatahi ni Klaudia kay Edward Teng. Na-meet raw ni Klaudia ang fashion designer sa isang bridal fair at nagandahan siya sa mga designs nito.

"Pumunta talaga ako sa mga bridal fairs. Gusto ko kasing makapili ng magandang wedding gown. Yung bagay sa akin. Na-meet ko nga si Edward Teng at nagpakita siya sa akin ng mga designs niya. May nagustuhan ako na bagay sa akin. Noong mag-fitting ako, iba ang pakiramdam ko. Feeling ko talaga na ang ganda-ganda ko!

"Di ba nga, sabi nila na kapag ikakasal na ang isang babae, lalo siyang gumaganda kapag suot na niya ang bridal gown na ginawa para sa kanya? Yun ang feeling ko noong isukat ko ang bridal gown ko," lahad ni Klaudia.

Ang susuotin naman ng kanyang entourage ay gawa ni Dina Joson ng House of Magdalene Bridal Shop. Kasama raw sa entourage ang kanyang pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan na kasabay niyang lumaki at mga naging classmates sa New Era University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dapat nga raw abangan ng mga bisita ni Klaudia ay ang kanyang wedding cake na ipinagawa niya sa Vienna Cakes. In the shape of the world famous Eiffel Tower of Paris, France ang kanyang 6-foot wedding cake. Nakapaligid sa cake ang mga travel photos nila Klaudia at Andy.

Paliwanag ni Klaudia, "Pinili ko ang Eiffel Tower kasi sa Paris kami talaga na-in love at doon na niya ako niyayang magpakasal. Kaya very memorable sa akin ang lugar na 'yan. Pero ang magiging honeymoon namin ay sa Hawaii. May maganda akong napuntahan doon. Para siyang Boracay, kaya gusto ko doon kami mag-honeymoon."

HOME IN PHOENIX. Pagkatapos ng kanilang kasal ay sa U.S. na raw sila maninirahan. Ipinagmalaki na nga ni Klaudia ang bahay na binili ni Andy sa Phoenix, Arizona. In Philippine currency ay nagkakahalaga ng higit sa P17 million ang bahay na regalo ni Andy para kay Klaudia sa kanilang kasal.

"Located siya sa Phoenix, kasi alam ni Andy na hindi ako nakakatagal sa lamig. Nagkakasakit kasi ako. Gusto ko sa mainit na lugar. Kaya nagustuhan ko sa Arizona kasi parang weather natin dito sa Pilipinas.

"Ranch type ang kinuha niyang bahay at lote. May malaking lupain at gusto niyang mag-alaga kami ng mga kabayo at ibang farm animals. Okey lang kasi mahilig ako sa mga alagang mga hayop. Parang probinsiya ang setting

"Pinadalhan na nga niya ako ng picture noong bahay at excited na raw siyang makita ko ito. Bukod sa two-door Mercedes Benz (SLK320) na engagement gift niya sa akin, ang bahay na ito ang pinakamahal," kuwento ni Klaudia.

Sa gitna nga ng pagiging abala ni Klaudia sa kanyang wedding, nagawa pa nga nitong mag-shoot ng isang indie film titled Estasyon na mula sa direction ni Cesar Apolinario.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN