Actor Lito Pimentel is thankful to be part of the top-rating May Bukas Pa

"Malaki talaga ang pasasalamat ko sa ABS-CBN sa lahat ng shows na ibinibigay sa akin. Salamat sa patuloy na pagtitiwala. Nakakatuwa kasi hindi namin inisip na mae-extend nang mas matagal pa ang May Bukas Pa. Siyempre, nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga manonood, sa lahat ng sumusuporta sa aming palabas," says Lito Pimentel.


Masayang-masaya ang aktor na si Lito Pimentel dahil hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa showbiz. Sa kabila ng mga dumaang pagsubok sa kanyang buhay ay tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng trabaho sa kanya. Kaya malaki ang pasasalamat ni Lito sa Diyos sa magagandang bagay na nangyayari sa kanya.

Aminado si Lito na malaking blessing sa kanya ang mapasama sa cast ng top-rating show ng ABS-CBN na May Bukas Pa, kung saan ginagampanan niya ang role ni Father Ringo, isa sa mga paring tagapag-alaga ng batang bidang si Santino (Zaijian Jaranilla).

"I'm very thankful to God na binibigyan niya ako ng trabaho, ng blessings. And naise-share ko naman ang blessings na yun in so many ways. Una sa pag-e-entertain sa mga tao, na nagugustuhan naman nila. Nakikita ko na nagugustuhan naman nila yung soap," masayang pahayag ni Lito nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving presscon ng May Bukas Pa.

Sumikat si Lito Pimentel sa showbiz noong 1980s. Isa sa pinaka-memorable niyang pagganap ay bilang si Teban, na bida sa sitcom na Ang Manok ni San Pedro sa Channel 9 noon. Marami na ring nagawang TV shows at mga pelikula si Lito.

Was there ever a point na napanghinaan siya ng loob sa kanyang showbiz career?

"Meron ding time na nawalan ako ng projects," sabi ni Lito. "Yung napanghinaan, hindi naman ganun katagal. May mga times talaga na may ibibigay sa atin si Jesus Christ, si Bro, na mga challenges. Pero hindi naman Niya ibibigay sa atin ito na hindi natin kaya."

NUMBER ONE. Malaki rin ang pasasalamat ni Lito sa ABS-CBN dahil hindi siya nawawalan ng projects sa telebisyon. Masaya nga si Lito dahil extended pa ang pagpapalabas ng May Bukas Pa hanggang Enero ng susunod na taon dahil na rin sa pagiging consistent No. 1 one nito sa national primetime ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaki talaga ang pasasalamat ko sa ABS-CBN sa lahat ng shows na ibinibigay sa akin. Salamat sa patuloy na pagtitiwala. Nakakatuwa kasi hindi namin inisip na mae-extend ng mas matagal pa ang May Bukas Pa. Siyempre, nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga manonood, sa lahat ng sumusuporta sa aming palabas. Sana patuloy pa rin nilang subaybayan ang May Bukas Pa dahil marami pa kayong puwedeng mapanood at dapat abangan," aniya.

Ano ang feeling niya na kasama siya sa cast ng isang top-rating show?

"Siyempre, unang-una, masaya kami dahil simula noong umpisa hanggang ngayon, No. 1 kami. Sana naman manatili kaming No. 1 dahil ang dala-dala namin ay si Bro, si Jesus."

Ano biggest lesson na natutunan niya sa kanilang soap?

"Well, ang natutunan ko rito ay ang buhay ng pari. Pati kung ano yung matagal nang nakalimutan ng mga Pilipino, yung tumawag sa Itaas, yung tumawag sa Diyos, which is naisi-share naman namin sa viewers."


WORKING WITH SANTINO. Kumusta namang katrabaho si Santino, na ginagampanan ng child actor na si Zaijian Jaranilla?

"Okay naman. Siyempre bata, e. Mabait, mabait siya at masunurin," sabi ni Lito.

Puring-puri nga ni Lito si Zaijian.

"Si Zaijian, malambing na bata. At saka mahusay, magaling na artista. Ako, ang tingin ko, he was born to be an actor talaga," sabi niya.

Sa tingin niya ba may pagkakapareho sina Santino at Zaijian?

"Well, siya ang bumuo ng character ni Santino talaga, e. Actually, siyang-siya yun, e. Siguro talagang itinalaga ng Diyos na mapunta sa kanya dahil 'pag pinanood mo siya on the set, kayang-kaya niyang gawin. At saka nabigyan niya ng justice yung character na Santino."

Isang trivia pa ang ibinahagi ni Lito sa PEP na sa character daw niya na Father Ringo na-adapt ni Santino ang pagtawag kay Jesus Christ ng "Bro."

"Ako yung unang-unang naringgan ni Santino na tinawag si Jesus Christ na Bro. Sa akin niya na-adapt yung pagtawag ng Bro kay Jesus Christ," banggit ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WISHING FOR THE RIGHT WIFE & FAMILY. Kinumusta rin ng PEP kay Lito ang tungkol sa kanyang personal na buhay.

"Okay naman ako. Masaya naman. Siyempre may mga problemang dumadating, pero nandiyan naman si Bro para tumulong sa atin," aniya.

Dumating ba siya sa point na kinuwestiyon niya si "Bro" sa mga pangit na nangyayari sa kanyang buhay?

"There was a time na nagkaroon ako ng matinding problema," pag-amin ng aktor. "Sandali lang yun. Kasi hindi naman masamang magtanong, e. Sinagot naman Niya."

Nang tanungin naman ng PEP ang tungkol sa buhay may-asawa, inamin naman ni Lito na isa ito sa hindi maganda ang itinakbo sa kanyang buhay.

"Hiwalay na ako. Matagal-tagal na rin na wala akong lovelife. Dalawang beses akong nagkaroon ng asawa. Parehong hindi successful. Short term lang," lahad ni Lito.

Hindi ba siya nagkaroon ng anak sa mga ex-wife niya?

"Hindi, e. Wala pa akong baby hanggang ngayon. Siguro hindi pa ibinibigay ni Jesus Christ, ni Bro. At alam ko darating din yun."

So, wini-wish rin ba niya kay "Bro" na matagpuan niya ang right wife at right family for him?

"Siyempre, yes. Isa yun sa mga idinadasal ko kay Bro," sagot ni Lito.

Pero kung may iba pa siyang gustong hilingin kay Bro, ano yun?

"Ang gusto kong hilingin ay maging maganda pa yung takbo ng buhay ko. Siyempre, alam naman natin na hindi Niya tayo pababayaan. At hinihiling ko rin sa Kanya na magkaroon ng saysay yung tagal ko sa show business, sa pagiging artista, na mai-share ko sa mga tao yung nalalaman ko, yung talent ko," pagtatapos ni Lito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN