Maja Salvador says May Bukas Pa is happy replacement for her shelved solo soap

"Itong May Bukas Pa, hindi lang naman kay Santino, umiikot din sa amin. At saka, ipinapakita kasi rito na lahat ng tao na napapalapit kay Santino, gumaganda ang buhay, naliliwanagan kung ano nga ba ang dapat gawin," says Maja Salvador about the primetime series.


Kahit hindi natuloy ang supposedly launching soap ni Maja Salvador sa ABS-CBN na Moon River, wala raw panghihinayang sa kanya dahil sa taas ng rating ng kinabibilangan niyang primetime series, ang May Bukas Pa.

"Noong umpisa, sabi namin, sana magustuhan ng mga tao. Kasi nga, maganda naman ang kuwento tungkol kay Bro [Jesus Christ], tapos sa isang bata nga na nakakapaggamot ng mga tao. Tapos noong umeere na, yung ratings nga, mataas. Tapos, continuous po ang rating namin. So, nakakatuwa. Iniisip namin na sana magtagal. Hanggang sa i-announce na, o, six months na tayo, hanggang eight months, until January na," sabi ni Maja sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naging spiritual ba siya dahil sa May Bukas Pa?

"Well, kasi po, after ng ASAP, diretso na kami ng taping ng May Bukas Pa sa Pampanga. So, kahit wala kaming time na magsimba tuwing Linggo, parang yung church naman dun [sa Pampanga], magdasal ka lang, parang kikilabutan ka. Kahit hindi ka nagsisimba, basta mag-pray ka lang kahit nasaan ka.

"Kasi ako naman, kahit hindi pa nag-uumpisa yung show, kapag hindi ako nakakasimba o kaya may hinihiling ako kay Bro, magdarasal na lang ako, titingin na lang ako bigla sa langit. Ang importante, yung meron kang communication kay Bro," saad ng young actress.

Hindi na natuloy ang Moon River ni Maja. Pero para sa kanya, worth it naman daw ang naging kapalit.

"Sobrang worth it!" bulalas niya. "Kasi ano, e, itong May Bukas Pa, hindi lang naman kay Santino, umiikot din sa amin. At saka, ipinapakita kasi rito na lahat ng tao na napapalapit kay Santino, gumaganda ang buhay, naliliwanagan kung ano nga ba ang dapat gawin."

May naging personal favorite na rin daw siya among the episodes na ginawa nila.

"Yung episode ko rin, yung sa tatay. Lalo na noong malaman ko na hindi ko nga tunay na tatay si Mr. Albert Martinez. Ang episode naman namin, kung merong hindi magandang nangyayari, ang magiging ending lang naman nun, yung magdarasal ka dapat kay Bro. Pinaka-favorite kong line palagi ni Santino, 'Sabi nga ni Bro, magtiwala ka lang...'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAYVER CRUZ & OTHER LEADING MEN. Silang dalawa ni Rayver Cruz ang magkapareha sa May Bukas Pa. Pero hindi raw alam ni Maja kung ano ang plano ng management sa kanila ni Rayver kung sila pa rin ba ang ipapares sa ibang shows.

"Siyempre po, management ang nagde-decide naman po n'yan," sabi niya. "Kahit gusto naming kami na ang loveteam, kung may mas magandang plano ang management... Kasi, may gagawin din po akong bagong soap with Jason Abalos and Coco Martin naman."

Pero ayaw munang sabihin ni Maja ang detalye sa bago niyang show. Sa mga napagtambalan nga lang daw nila ni Jason in the past, ito raw 'yung masasabi niyang pinaka-big tandem nila.

"Kumbaga, ito ang pinakamalaking gagawin namin ni Jason. Kasi sa movie lang kami na First Day High, My Kuya's Wedding, at sa MMK [Maalaala Mo Kaya]. Pero wala pa yung soap talaga."

Marami nang naitambal kay Maja. Kung siya ang tatanungin, kanino siya pinakakumportable?

"Ang dami na pong talaga. Pero sa totoo pong talaga, halos lahat ng ka-partner ko, sobrang kumportable ko sa kanila. Marespeto. Alam nilang mag-alaga ng ka-loveteam.

"Siguro kasi si Rayver, kapag nakita ka niya, yayakapin ka niya agad. Sasabihin niya agad, 'Bro, kumusta ka na, Bro?' Yung mga ganyan. At parang hindi ka aantukin."

Hindi ba nakaapekto sa kanila nang mabalitang nanliligaw si Rayver kay Sarah Geronimo?

"Hindi," sagot ni Maja. "Mas tumibay yung friendship namin ni Rayver. Kasi, ka-close ko rin naman si Sarah. Kasi nga dati, parang may tanong, baka nagseselos ako. Wala, wala... Kasi, hindi ko naman boyfriend si Rayver, loveteam lang. Trabaho lang pong talaga."

Kumusta na nga ba ang lovelife niya?

"Wala! Ihanap n'yo 'ko!" natatawang sabi niya.

Bakit balitang nanliligaw ulit sa kanya si Carlo?

"Si Carlo, may communication pa rin naman, pero hindi na yung ganoon," sagot ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Akala namin nanliligaw itong muli sa kanya?

"Oo, kaso marami ngang trabaho. So, hindi masyado na naman. Pero nagte-text naman kami. Hindi naman siya yung may problema. Ako naman ang nag-decide na huwag na lang," pagtatapos ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN