Ehra Madrigal reveals secret of her six-year relationship with boyfriend DJ Mike

"Nung sinabi sa akin, na-excite ako kasi first time ko pa lang pong magkokontrabida! Tapos sa Darna pa, e, ang laking project! Siyempre, laging inaabangan ang Darna kapag nire-remake. Tapos, magiging part na rin ako ng history ng Darna, lalo pa ni-remake namin yung mga villains noong una pa. Parang ako po yata yung pangalawa or pangatlong Babaeng Lawin. So, parang ang ganda, nakakatuwa na nakasama ako sa Darn


Isa-isang sinagot ni Ehra Madrigal ang mga intrigang ipinupukol sa kanya nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng bagong telefantasya ng GMA-7 na Darna, na ginanap last August 3 sa Studio 5 ng GMA Network.

Unang intrigang sinagot ni Ehra ay ang umano'y pagiging insecure daw ng ibang artista ng GMA-7 sa kanya at sa kanyang kapatid na si Michelle Madrigal. Pareho kasi silang busy ni Michelle sa paggawa ng projects kaya tila may nai-insecure daw sa kanilang dalawa. Ano ang masasabi ni Ehra rito?

"Hindi naman namin iniisip na may nai-insecure sa amin," sabi niya. "Kung meron man, hindi na lang namin pinapansin yung mga ganun. At saka hindi naman sila kailangang ma-insecure. Kami kasi ni Michelle, pareho naming pinagbubuti ang trabaho namin. Hindi kami mareklamo. So, siguro kung pagbubutihan din nila ang trabaho nila, mapapansin naman yun ng GMA, at iko-consider din naman nila yun. Magsipag ka lang and I believe it will be rewarded."

Malaki raw ang kinalaman ng manager nilang si Annabelle Rama. Kaya ba hindi sila nawawalan ng projects sa Kapuso network?

"Of course, thankful kami kay Tita Annabelle dahil talagang hindi niya kami pinababayaan," sambit ni Ehra. "Sobrang maalaga niya at ipinagtatanggol niya kaming mga talents niya sa Royal Era. Pero aside from that, siguro kung wala rin namang nakikitang maganda sa amin ang GMA, baka hindi rin naman kami mapansin. Nagsisikap din naman kami sa trabaho namin. Ginagawa namin ang best namin sa anumang project na ibigay sa amin. Pero, of course, malaking tulong talaga si Tita Annabelle."

E, silang dalawa ba ni Michelle, never ba silang nagkaroon ng sibling rivalry o insecurity sa isa't isa?

"Wala po," sagot ni Ehra. "Kasi sobrang close naman po kami ni Michelle, e. Never naman pong naging isyu na parang ako may ganito, ganyan. Kami kasi nagtutulungan kami, e. Lalo na ngayon pareho kami ng manager, so tulungan talaga kami. Hindi kami nag-aaway."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang comment niya na tila hindi raw nagustuhan ng iba ang ending ng huli niyang teleserye na Totoy Bato with Robin Padilla?

"Kasi depende naman sa mga nanood. Siyempre yung iba, gusto talaga, yung iba, hindi naman. Pero sa amin naman kasi sa taping, ako, kung ano lang naman yung nasa script, siyempre gagawin ko naman. Wala po akong magagawa kung nagustuhan man nila o hindi. Kumbaga, bilang artista, ginawa ko lang po yung trabaho ko."

BABAENG LAWIN. Masaya naman ngayon si Ehra sa bagong project niya sa GMA-7 na Darna, kung saan gumaganap siya bilang Babaeng Lawin, isa sa mga super villains na kalaban ni Darna (Marian Rivera). Excited nga raw siya lalo pa't ito ang kanyang kauna-unahang kontrabida role.

"Sobrang thankful ako kasi after ng Totoy Bato, hindi ko po alam kung may work ako kaagad. Feeling ko nga, medyo matetengga ako. Tapos, yun nga, may nag-text kay Tita Annabelle na kinukuha daw ako ng GMA sa cast ng Darna para maging super villain, pero wala pang final noon.

"Nung sinabi sa akin, na-excite ako kasi first time ko pa lang pong magkokontrabida! Tapos sa Darna pa, e, ang laking project! Siyempre, laging inaabangan ang Darna kapag nire-remake. Tapos, magiging part na rin ako ng history ng Darna, lalo pa ni-remake namin yung mga villains noong una pa. Parang ako po yata yung pangalawa or pangatlong Babaeng Lawin. So, parang ang ganda, nakakatuwa na nakasama ako sa Darna," lahad ni Ehra.

Nag-audition ba siya para sa role niya as Babaeng Lawin?

"Alam ko, hindi po nagpa-audition, e. Parang pinili po mismo ng management ng GMA kung sino yung magpo-portray, e."

Since Babaeng Lawin ang role niya, bakit kaya hindi ginaya sa Mulawin ang costume niya?

"Ang gusto po kasi nila, futuristic, e. Kasi 2009 na, yung Lawin po kasi before sa movie, parang black yung feathers. Since nabago na ngayon, gusto nila medyo metallic naman yung dating, parang titanium yung wings ko. Yung powers ko, parang kakaiba rin. At saka yung look, para updated din kasi year 2009 na. Siguro para hindi lang din ma-compare dun sa Mulawin kasi nagawa na yun," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIAN RIVERA. Excited din daw si Ehra na makatrabaho ulit si Marian Rivera. Ilang projects na kasi ang pinagsamahan nila at naging maayos naman daw ang samahan nila.

"Alam ko, yung afternoon soap ng GMA na Kung Mamahalin Mo Lang Ako ang first show niya. Ako kasi, yun ang first show ko. So, itong Darna, parang reunion na rin namin. Nakasama ko rin siya sa My Bestfriend's Girlfriend, e."

May nagbago ba sa ugali ni Marian?

"Wala, ganun pa rin siya," sagot ni Ehra. "Malambing pa rin. Ano kasi siya e, 'Hoy bakla, kumusta ka na?' Ganun kami mag-usap. Kahit hindi kami nagkikita or nag-uusap sa phone or nagte-text, pero kapag nagkita kami, alam mo yung nandun pa rin yung friendship at walang nagbago. Hindi katulad ng iba na parang iba na. Sa kanya... Ano siya, yung bungisngis, na makulit, ganun pa rin siya hanggang ngayon."

Sa tingin niya, bakit sinasabihan si Marian ng ibang tao na masama ang ugali at mataray?

"Siguro katulad ng sinabi ni Tita Celia [Rodriguez] na misunderstood lang siya. Kasi very frank siya talaga. Siguro yung iba, lalo na tayong Pinoy, hindi tayo nasanay ng ganun na kung ano yung nararamdaman ko, sasabihin ko. Kung nairita ako, nairita ako. Ganun siya. She's just being true to herself. Pero hindi naman masama yun, kasi honest lang siya. Mabait naman siya, pero siguro nga misunderstood lang," paliwanag ni Ehra.

LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife ni Ehra? Sila pa rin ba ng singer na si DJ Mike ng Akafellas at Sabado Boys?

"Ganun pa rin, steady. Masaya. Matagal na kami. Magsi-six years na kami. Siya pa rin yung boyfriend ever since, bago pa ako nag-start sa showbiz."

Ayon kay Ehra, bagama't matagal na sila ni Mike ay wala pa silang planong magpakasal. Ehra is 24 at si Mike ay 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, hindi pa po namin napag-uusapan ang kasal," sabi niya. "Kasi pareho rin po kaming busy sa careers namin. Ini-enjoy pa namin yung mga opportunities na dumadating sa amin. And hindi naman din forever na may work at offers. Kumbaga, strike while the iron is hot. Naiintindihan naman po niya yung situation namin. Yun nga, kaya siguro kami nagtatagal kasi walang pressure ng kasal-kasal."

Pero posible bang mauwi rin sa kasalan ang relationship nila ni Mike?

"Siyempre, lahat ng relationship, gusto mo dun pupunta. Pero ngayon, more focus kami sa trabaho. Enjoy lang. Walang pressure. Kasi if ever, dadating at darating din naman ang marriage.

"Kasi if ever na gusto ko nang ikasal, I want to make sure na okay na ang lahat, sa career ko. Na meron na akong bahay, may business. Na okay na yung pamilya ko. Kasi I came from a broken family, so hindi ko alam kung parang konti may takot ba ako na baka isipin ko maghiwalay din. So, kumbaga, dahan-dahan lang. 'Pag sure na sure na ako, siguro in a few years time. Sa ngayon hindi, e, trabaho pa lang talaga ang gusto ko, e."

Ano ang qualities na nagustuhan niya kay Mike?

"Sobrang ano kasi nun, e...he's not the typical guy na magimik. Iba yung sense of humor niya, yung parang artsy. Hindi kasi ako mahilig yung guwapo na boy-next-door, e. Gusto ko yung musikero, yung involved sa arts, kasi nagpo-photography din siya.

"Tapos, sobrang understanding niya. Never talaga siyang nagreklamo. Kasi yung ibang boyfriend, sobrang mag-demand. Especially with me, iba rin kasi yung image [sexy] ko. Yung iba kasi, bawal yung ganitong suot, bawal ang ganyan. Never po niya talaga akong pinagbawalan. Sobra lang po siya laging supportive.

"Nagkakaintindihan kami. Kaya siguro nagtatagal kami."

Pero nagpapaalam ba siya kapag may gagawin siyang project, lalo na kung may pagka-sexy ang concept?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, sinasabi ko naman sa kanya bago ko gawin," sabi ni Ehra. "Never niya akong pinagbawalan. Kumbaga, he trusts my judgment din naman kasi na parang kung gagawin mo 'yan, ibig sabihin alam mong okay. Nag-a-ask lang ako ng opinion sa kanya, pero never siyang nagsabi na huwag kong gagawin, lalo na at alam niyang gusto kong gawin ang isang project."

RICHARD GUTIERREZ. Samantala, bilang anak ng manager niyang si Annabelle Rama at co-talent niya sa Royale Era, anong support ang ibinibigay niya kay Richard Gutierrez sa pinagdadaanan nitong mga problema ngayon?

"I don't have his number. Pero siyempre, since si Tita Annabelle ang manager ko, alam naman ni Chard na kaming lahat sa Royale Era ay sumusuporta sa kanya. Even if hindi ko siya nakikita madalas, we really support him. Naiintindihan namin yung pinagdadaanan niya. Basta nandito lang kami para sa kanya at kay Tita Annabelle. Yung support namin nasa kanila," pahayag ni Ehra.

Ano naman ang masasabi ni Ehra na si Richard ang sinisisi ni Lorayne Pardo sa pagkamatay ng asawa nito na si Nomar Pardo, na personal assistant ni Richard?

"Kasi 'pag aksidente, parang wala kang masisisi, e. Kasi aksidente nga yung nangyari. And yun nga, katulad ng sinasabi nila, I don't think naman na gugustuhin ni Chard na mangyari yun. Naging PA ko rin naman si Kuya Nomar nung bago pa ako. For a time, naging PA ko rin si Kuya Nomar. Nakasama ko rin siya sa lahat ng mga lakad ko.

"Wala namang may kagustuhan na mangyari yun. Actually, kung hindi si Kuya Nomar, puwedeng si Richard o si Kuya George [Richard's bodyguard] ang mawala, di ba? Siguro yung time na yun, sinave lang si Chard ni God. Siguro may mission pa siya na kailangan niyang gawin. Nakakalungkot lang na may kailangang mawala," saad ni Ehra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN