Donna Villa on the National Artist protest: "This is a free country, they can do what they want."

Donna Villa sees most of the protesters as people with too much time on their hands: "You know, this people, I think, mostly are retired. At ang iba... hindi sila successful sa field nila. Kaya nakagawa ng isang pelikula, wala na. Nakasulat ng isang script sa pelikula, wala na. Sabi ko nga, ako, movie producer, hindi ko sila kukunin."


Ang movie producer na si Donna Villa ang nakagisnan nang katuwang, sa literal at sa halos bawat aspeto ng buhay, ng direktor na si Carlo J. Caparas. Kahihirang lamang ng huli bilang National Artist for Visual Arts and Film, pero nahaluan ito ng kontrobersiya dahil sa matinding protesta ng ilang grupo ng mga artists na hindi pabor sa pagbansag sa kanya bilang Pambansang Alagad ng Sining.

Kahapon ng umaga, August 7, sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros, kasama ng kanyang asawang si Direk Carlo, ay sinagot din ni Donna Villa ang bawat katanungan ng entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa karangalang natanggap ng kanyang asawa.

Pero hindi itinago ni Donna ang kalungkutan niya sa naging reaction ng iba nilang kasamahan sa hanapbuhay.

Aniya, "Nalulungkot ako para kay Carlo at sa ating industriya. Ngayon dapat magkaisa tayo, di ba? Mahina na nga ang pelikula at saka komiks, di ba? Tayo ngang lahat tinutulungan n'yo kaming i-revive yun. So, parang nakakalungkot naman na may ganitong kagandang pangyayari, e, ipagluluksa pa.

"Kapag sila naman, may magandang pangyayari sa buhay nila, e, tayo'y nagsasaya! E, sila naman, nalulungkot. Ano ba 'yan?"

Noong una niyang malaman ang tungkol sa recognition, nahaluan ba agad ng lungkot dahil nga sa mga protesta?

"E, wala kami. Noong nasa Cebu kami, nagsu-shooting kami ru'n. So, mga a week after pa kami dumating, e. So, yung plaque, hindi namin gaanong naano... until now. E, bising-bisi tayo. Mabuti sila, wala silang masyadong ginagawa at mga retired na sila.

"Pero tayong lahat—look at you, interviewing—nagtatrabaho pa tayo. Sana maintindihan nila."

ISSUES. Aware ba sila kung ano nga ang mga reklamong nire-raise sa kanila?

"Ang mga reklamo nila, mainly, the process daw of selecting. But as you have heard the chairman, ang selection committee, lalo na sila, NCCA, lalo na ang CCP, is only recommendatory. Do you understand what that word means? They recommend. Meaning, kung saan ka na-recommend, he or she can reject it, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ang Presidente, she has the prerogative to add or to minus... siguro naman si Carlo, the title itself, National Artist, connotes the perimeter of national honor. Ano 'yan, e... pambansa, national."

Si Direk Carlo naman daw kasi, hindi naman nagdo-drawing...

"Una ngang nagdo-drawing 'yan sa komiks. Ngayon, mas malaki raw ang kita sa pagsusulat, nagsusulat na siya. But my god, ang mga portraits niya sa bahay, ang ganda! Meron pa akong portrait niyan, ang galing-galing!

"You know, you cannot go technical on this anymore. Ang sa atin lang naman, ang honest sentiment ko, kidding aside, talagang dapat, especially at this point, dapat magkaisa talaga tayo. Lahat talaga tayo, let's bond together and try to help the industry.

"Kasi ang dami na nating kalaban sa industriya. Itong mga foreign films, lalo na. Piracy... so dapat magtulong-tulong tayo. Hindi naman ganyan. Sabi ko nga, sila hindi ko kilala. Kapag nanalo sila, hindi naman tayo nagra-rally. Hindi naman tayo nagpupunta sa TV, nagluluksa."

PROTESTERS. Kilala ba nila particularly ang mga nagrereklamo?

"Ay, mainly... yung narinig ko, sumikat na siya ngayon. Sabi nga ni Carlo dahil sa kanya. Ni hindi naman natin siya kilala. Si Lumbera... sino pa ba? Hindi ko kilala, e. Mainly, it's a small group from CCP, I guess.

"Because it's NCCA and they're okay, di ba?"

Pipigilan daw sa Malacañang ng Concerned Artists of the Philippines ang magiging proclamation sa kanyang asawa. Anong masasabi niya rito?

"You know, this is a free country. They can do what they want."

Dugtong niya, "Wala naman akong ano na mag-pacify sa kanila. Bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin. You know, this people, I think, mostly are retired. You know, at ang iba... hindi sila successful sa field nila. Kaya nakagawa ng isang pelikula, wala na. Nakasulat ng isang script sa pelikula, wala na. Sabi ko nga, ako, movie producer, hindi ko sila kukunin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nagsasabi at nagre-request na kusang isoli na lang daw ni Direk Carlo ang award?

"E, bakit naman? Yung sa kanila, isoli rin nila! Because I also feel that they are not deserving. Kasi naman, national ito. National artist kumbaga, e, sila, sectoral lang. Ni hindi natin kilala lahat. Dapat isoli rin nila. At wala silang mga taong natutulungan. Tayo, lahat ng tao natutulungan natin sa mga trabaho ni Carlo. Sa mga pino-produce kong pelikula. Sila wala, e, ano, forced retirement nga sila dahil wala silang mga trabaho, e.

"You know, most of those people complaining, as a movie producer, ay, swear to God, I won't get them for any films."

NOT CLOSE TO THE PRESIDENT. Nahahaluan ng anggulo na kaya raw si Direk Carlo ang pinili, dahil malapit silang mag-asawa sa Presidente ng bansa?

"Oh well, I'm not that close to the President. But we are supporting her administration. You know, I haven't seen the President for maybe more than two years. E, busy naman tayo. Hindi naman tayo sipsip... You know, we can survive with or without a President. You know, we can always survive with or without a National Artist Award, di ba?"

Dugtong pa niya, "It's just nice to have them. Parang Presidente, di ba, kakilala mo, hindi mo naman ka-close. Okey lang naman yun, okey lang din na wala. Parang National Artist—my God, we're surviving very well, beautifully, hindi na kailangan pa 'yang mga ganyan. Parang added laurel lang, parang icing on the cakes na lang 'yan."

Naisip niya ba na para huwag na lang maintriga nang husto, para wala na lang mga kumokontra, huwag na nga lang?

"That's not for me to say because I wasn't the one given the award. This is only my personal opinion. I don't know how Carlo feels, I don't know really... kasi, hindi naman kami nakakapag-usap masyado tungkol d'yan, e. Ang hirap ng schedule ni Pacquiao, ang hirap ng schedule ni Jake Cuenca. Eto pang mga 'to... I don't know... kung ako 'yan, sa inyo na! Kung ako, but Carlo is an artist true and true."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seryoso nga, kaya niyang ibigay na lang ang award?

"Naku, 'yang mga taga-CCP na 'yan, kainin na nila 'yang award na 'yan."

UNEXPECTED HONOR. Bilang maybahay ni Direk Carlo, na-expect ba niyang darating ang ganoong kalaking karangalan sa kanyang asawa?

"Ay hindi, I was surprised! Sino ba naman ang hindi mag-aano kay Carlo, from komiks, komiks king, box-office sa ano... nakaka-set ng records, nakakaano sa TV. Pambihira naman sila. Itong mga nagrereklamo, ano ba 'to? Wala naman itong mga trabaho, jobless!"

May pressure ba ngayon sa kanya bilang movie producer at kay Carlo ang pagkakaroon ng award?

"Kay Carlo... sabi nga niya, lalo pa niyang pagbubutihin ang kanyang craft. Kasi, si Carlo talaga... alam naman natin, ako, marami akong ginagawa aside from movies. Si Carlo, kahit na anong hila ko riyan, talagang, 'Donna, hindi ko puwedeng iwan itong ano na 'to... nandito ang mga kasamahan ko sa komiks, sa pelikula, I cannot leave this industry.'

"So, ako, bilang asawa niya, sama lang din ako nang sama as a wife. But, mind you, I have my own mind, I have my own business, and I have my own personality also. I also understand what's happening and what's going on. So, nakikita ko, sino ba 'to? Hindi naman natin kilala ang matatandang ito! What are they saying? Ano ba gusto nila? E, mga retired ito, e. They have all the time. E, tayo, kulang pa tayo ng oras sa pagtulog. E, lahat sila merong oras. Ang hina pang lumakad! E, baka 'yang mga 'yan, maatake pa! Susmaryosep! At meron pang ibang hindi naman ganoon katanda, e, forced retirement naman, kasi walang mga trabaho."

DOLPHY SHOULD GET HONOR, TOO. Ipinasok ang pangalan ni Dolphy noon pa para maging National Artist, pero nahahaluan ng kulay pulitika dahil daw mas connected ito sa dating Pangulong Joseph Estrada, kaya hindi ito makapasa. Anong masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, itanong n'yo 'yan kay Chairman Labrador, she would know. Because we are not privy to the process, e. Ako, I'm just talking as Carlo's wife, ito yung feeling ko talaga."

Pero ayon sa kanya, deserving din daw si Dolphy na parangalang National Artist.

"Oh yes, very deserving! Pero tanungin n'yo si Chairman Labrador, pero, parang wala yatang nag-nominate sa kanya. Dapat nanggaling 'yan kina Atty. Laxa, Eddie Romero, pero, wala, e... si Carlo sa mga taga-komiks, ang dami, e! Pati sa Malacanañg ang daming sulat. Ganu'n 'yan, e.

"But Dolphy is very deserving. At kahit si Carlo, sinabi niya na deserving si Dolphy, wala lang nag-nominate. Let's face it, kung ako Presidente, gagawin kong 50 'yang National Artist. Para maraming ma-inspired."

Sa huli, ano ang pakiramdam niya bilang wife ng isang National Artist,?

"Well, for me really, hindi ko naisip na National Artist talaga. Alam mo ako, movie producer ako, that's what's important to me. Honestly, ako, honest naman ako, e. But for someone like Carlo, I'm sure, that's very important to him. But for someone like me na nasa negosyo, that's not important to me at all. I'm just defending it because of my husband.

"Di ba, magkaiba kami ni Carlo talaga. I'm in the business world and he's in the artist. Kapag ako nalugi, ah, yun, iintindihin ko. Kaya kung ako lang, yung mga awards, sa kanila na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN