Chynna Ortaleza plays mysterious new character in Adik Sa 'Yo

Chynna Ortaleza missed out on playing Valentina in Darna, a role she had been vocal about,but now there's an online petition going on to help her get the role of Andi in GMA-7's latest Koreanovela under development, Coffee Prince.


Si Chynna Ortaleza ay isa sa mga bagong character na pumasok sa komediserye na Adik Sa 'Yo ng GMA-7. Isa raw siya sa importanteng character sa series dahil may mystery na malalaman sa pagpasok ng character niya.

"Actually, ano rin, nagulat nga ako sa mga ibinigay sa aking project after ng Paano Ba Ang Mangarap?, kasi, iba-iba siya. Like yung sa indie film na ginagawa ko, hindi pa siya tapos, e, pero horror. Tapos, nag-Dear Friend ako, very light na parang happy character na protagonist yung character. Dito naman sa Adik, comedy. Nag-guest din ako sa SRO na kontrabida naman.

"Sabi ko nga, buti hindi pa ako nagkakaroon ng identity crisis," natatawa niyang sabi. "Ang dami-rami kong pino-portray, pero, happy naman ako, kasi yun ang goal ko, di ba? Yung gumawa ng roles na iba-iba. Tapos, nag-open pa ang door nang bigla-bigla kaya nakakatuwa lang.

"Akala ko nga, hindi ako masasama sa comedy. In all honesty, natatakot ako sa genre na 'yan kasi pinakamahirap yatang magpatawa ng tao. Madali lang mag-drama, pero mahirap talagang mag-convey ng general happiness or magpatawa. Nag-workshop ako kay Direk Joel Lamangan... at yun ang natutunan ko sa sarili ko. Kaya ang laki ng respeto ko sa mga komedyante."

VALENTINA WANNABE. Base sa sinabi ni Chynna, happy raw siya sa mga natatanggap niyang projects ngayon. So, tinanong namin siya kung hindi naging hadlang sa happiness niya na kahit sa ikalawang pagkakataon, hindi pa rin siya naging Valentina sa Darna. Dream niya sanang maging Valentina na as we all know, si Iwa Moto na nga ang mapapanood na numero-unong kalaban ni Darna.

Ayon kay Chynna, "Kasi, I was very vocal with the fact that I really wanted the Valentina role and up to now, I still want to be Valentina if ever there's an opportunity na magre-require na maging Valentina. Pero sabi ko nga, it's not the end all and be all of everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ini-explain ko rin naman yun sa mga taong nagtanong sa akin about the role nga. Sabi ko naman, kung mabigyan ng opportunity, okay. Kung hindi, okey lang din. Kung mabigyan nila ako ng ibang role na antagonist ni Darna, tatanggapin ko pa rin, pero, okey lang talaga."

Dugtong pa niya, "E, hindi sa akin, e. And I can't cry about it and feel super bad about it. Siyempre, meron yung, ay, sayang, pero ganoon lang."

Hindi rin naman daw niya puwedeng sabihin na hindi nakikita ng network ang kapasidad niya bilang isang Kapuso actress.

"Kung hindi nila ako nakikita, malamang wala nang Chynna Ortaleza na nagtatrabaho para sa kanila. The fact that they give me constant projects is enough evidence na alam nilang nakakatulong ako sa kanila.

"At saka, happy naman ako na binibigyan nila ako ng mga roles na dati ko pang hinihingi sa kanila. So, hindi naman ako napu-frustrate or anything. Siguro sa Valentina, nalungkot lang ako ng mga 30 minutes, pero after nu'n, sabi ko nga, kung hindi ko siya nakuha, siguro meron pang iba for me."

LOYAL KAPUSO. One example of being a loyal Kapuso si Chynna. Simula nang mag-artista siya and joined Click, she has remained a Kapuso star. So puwede siyang makakapagsabi if it really pays to be loyal nowadays.

"Ako kasi, sabi ko nga naman, hindi naman ako nag-a-aspire na maging superstar. Ang importante lang sa akin is meron akong trabaho para makatulong sa family ko at ma-improve yung sarili ko. So, every time naman meron, hindi ko napi-feel na... ano ba 'to, wala akong trabaho. So, happy naman ako, hindi nila ako hinahayaan na wala na lang ako.

"Na tipong sobrang nahirapan na lang ako at kailangan kong humanap ng ibang job para lang maka-survive. Hindi naman nila ako binabakante and the fact that after how many years in the business, palagi pa rin nila akong binibigyan ng mga bida-kontrabida roles and challenging roles is enough."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang lumabas ang balitang ia-adapt din ng GMA-7 ang Coffee Prince, lumabas din ang pangalan niya sa sinasabing bagay na gumanap as Andi. Nagkaroon din ng petition thread na siya ang kuhanin ng network. Pero as we all know, may ibang young actress din ang sinasabing mas posibleng kuhanin ng GMA, such as Jennica Garcia.

Sa ganoong bagay, nag-e-expect pa ba siya or wala na lang at kung ano na lang ang dumating?

"I don't want to expect. Yun din... that's why I'm not disappointed that I didn't get Valentina because I was vocal about it, but didn't expect it to fall in my lap. Yung mga tao na nagte-text sa akin, yung mga supporters ko na nagsasabing may online petition nga raw sila at marami rin daw ang nagsasabi na bagay ako for Andi, very thankful ako sa kanila.

"In fairness naman, tama naman yata ang desisyon nila na i-push ako for the role of bida, kasi very important din naman ang bida role. Yung sa Andi role, feeling ko, parang puwede, kasi physically parang kayang-kaya... ewan ko, bahala na network du'n. Kasi, wala rin namang news kung matutuloy ba yun."

What if sa iba na naman maibigay at hindi sa kanya?

"It's okay... I mean, sanay na rin naman ako na sa buhay ko, hindi lang sa showbiz, ha, kung ano ang ine-expect ko or kung ano ang ina-aspire ko, minsan, hindi yun nabibigay sa 'yo, so yung ita-trust mo lang si God na yun ang ibinigay niya sa 'yo, dapat yun yung happy ka. Hindi ka dapat maging bitter or galit. The fact na araw-araw may blessing ka, ano ba, napaka-selfish naman pag di ka pa naging thankful."

LIKES PLAYING VILLAINS. Bilang kontrabida naman daw, Chynna can honestly say na isa raw ito sa dream role niya before na masasabi niyang tinupad naman ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oh yes, and as a kontrabida, secure naman ako sa sarili ko. Kilala ko naman ang sarili ko at hindi naman ako naaapektuhan kung kunwari may nakakasabay akong ibang tao na ang impression nila, parang masama na ang ugali ko tulad ng ibang roles na nagagampanan ko.

"On the other hand, mas maganda nga siya dahil ibig sabihin, effective ako. Hindi nila sinasabi na, ah, hindi bagay. Palagi naman nilang sinasabi that I did a good job."

Kung experience sa public dahil kontrabida nga ang ginagampanan niya, marami na rin daw siyang nae-encounter na iba talaga ang impression sa kanya.

"Eight years na rin ako sa business. Nagtsi-change ang impression nila sa akin tuwing may role ako. So, alam ko na it is because of my role. Hindi ako naba-bother. Okey lang siya sa akin. So, very transparent nga akong tao.

"Alam ng tao kung masaya ako or kung galit ako or ayaw ko siya or gusto. So, doon na lang ako nagre-rely ng side ng personality ko na yun para sane pa rin ako at hindi masyadong jaded sa industriya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN