Kris Aquino will not run for office in the near future, wants to have another baby instead

Kris Aquino says she has promised her mom, former President Cory Aquino (inset, top), that she will take care of her brother, Senator Noynoy Aquino (inset, bottom).

"Kasi dun sa ospital, pati yung pananamit ni Noy at pati grocery niya, sinabi ko kay Mom, ako na ang bahala. So sana ho maintindihan ninyo, kailangan kong magtrabaho, hindi lang para sa aking pamilya kundi para sa in-adopt ko na pong kapatid kong si Noy," says Kris.


Balik-trabaho na si Kris Aquino limang araw pagkatapos ilibing ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino, na sumakabilang-buhay noong August 1 dahil sa mga kumplikasyong dulot ng colon cancer.

Kagabi, August 10, ay sumipot na si Kris sa programa nila ni Boy Abunda sa ABS-CBN na SNN: Showbiz News Ngayon. Ang buong programa ay nag-focus kay Kris upang maibahagi niya sa publiko ang mga plano niya at ng kanyang pamilya ngayong wala na si Pangulong Aquino.


"I'LL ONLY DANCE WITH NINOY." Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng WCOPA champion na si Rhap Salazar ng "Dance With My Father" ni Luther Vandross. Binanggit ni Kris na ni-request daw niya talaga ang kantang yun.

Paliwanag niya, "I asked for that song. Kasi, my brother-in-law Dodo [Dee, Viel's husband] told me that when he heard daw [a congressman] from the States, na-mention daw niya na niyaya si Mom to dance. Sinabi daw ng Mom na, 'I've only ever danced with Ninoy, and the only time I will dance again is 'pag kasama ko na siya ulit.'

"And na-mention ko naman mahirap bumalik sa trabaho na hindi manonood ang Mom," patuloy ni Kris. "Pero kasi talaga, the whole way here, bini-visualize ko talaga na magkasama sila, na Mom's with Dad, and she's happy. Although she misses us, but she's happy. So, sabi ko, kakayanin ko, kasi okay na ang Mom. So, dapat kami dito maging okay din.

"She's watching us now and praying 'I hope she behaves herself and I hope she doesn't say too much.'"

NINE DAYS. Unang ipinakuwento ni Boy kay Kris ang nangyari sa pa-siyam para kay Pangulong Aquino noong Linggo, August 9.

"True to form, kasi the Mass was in Ate's [Ballsy] house, the handa was in Pinky's house. Ang palaging nale-late, ako, si Dr. [Alex] Ayco, at si Noy [Sen. Noynoy Aquino]. So, in that order kami dumating... Sorry po, sorry, Mom. Dumating ako, pa-start yung Gospel... Puwede na since umabot sa Gospel. Si Dr. Ayco, dumating nung Offertory. Si Noy dumating, Communion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami kasing mga gatherings ang Mom na Ella's would be catering, so they asked kung puwede sila and niregalo nila. So we just had very simple lang talaga na meal.

"Those who work really closely dun sa lahat ng arrangements and all, kasama namin. And then, kasi atribida ako, 2:45 [p.m.], sabi ko, 'Let's go, we have to pray, let's go na!' Kasi si Father Arevalo baka pagod na, so pumunta kami ng Manila Memorial.

"Kasi, di ba, I gave nung birthday niya [Pres. Aquino] ng 2008, right before we discovered her cancer, I gave her a Grandia? Tapos, sa akin na ulit. Sabi ng mga kapatid ko, it was in my name naman daw dahil hindi na trinansfer sa Mom, so mga kids ko na daw gumamit. So, 'yon at the other van ang ginamit to go with Father Arevalo and all of us.

"Tapos, mapa-proud ka kay Josh. Kasi, after the entire rosary dahil nakagawian nila ni Mom talaga to pray and sing the 'Hail Mary,' so he really said, 'Wait, we have to sing 'Hail Mary' for lola.'

"Tapos, the kids wanted [to go to] Enchanted Kingdom. Sabi ko, 'Malayo, hindi puwede.' Tapos, sabi ko, 'Kuya, puwede Timezone na lang?' And then, naghiwa-hiwalay na kami.

"And then, personally, lahat ng mga tumulong, kumanta, nag-alay—about 50 people—I bought personal thank-you gifts from the family. Inako ko na 'yon. I told my sisters, lahat ng nagpadala ng food... Kasi ang Mom, bawal yung form letter. Lahat ng cards, inisa-isa ko talaga, personalized na pagte-thank you. The rest, baka sabihin nila, 'Nandun ako, ba't wala?' Bukas [Aug. 11] ang delivery ng sa inyo kung nanonood kayo.

"And then, wala na. That was it. That was what happened yesterday," kuwento ng bunsong anak ni Cory Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE HOUSE ON TIMES STREET. Tanong ni Boy: Ano ang mga plano ng bawat isa sa inyo. Talk about the Times house—gigibain ba ito, are you going to construct a new house? Are you going to take care of Noynoy? Can you tell us what's gonna happen?

"Boy, puwede ko nang isabay yung sagot, kasi it's about politics also?" pauna ni Kris. "At this point po, I'm still not ready to be a politician. Marami akong obligasyon.

"The first and primary obligation, Josh and Baby James. By 2010, Baby James won't even be in pre-school. Pangalawa... And please don't take this the wrong way, hindi ko po minamaliit ang kakayahan ni Noy [Sen. Noynoy Aquino, Kris's only brother]. Kaya lang, honest politician siya. Naka-nine years siya sa Kongreso. He is going into his second year on the Senate. If you based it kung ano lang talaga ang sinusuweldo ng congressman at senador, yun lang naman talaga yung kay Noy, he can't afford. So I promised mom...

"Yes, ang Times Street, gigibain namin. At ang hiningi lang ni Noy sa akin, dalawang kuwarto for him and a meeting room. So, because alam mo naman ako, feeling ko ako ang magbabayad, so puwede ako magsabi, 'Josh needs a pool.' Sabi ko, 'And Josh needs play room. He needs a tutorial room because yun yung special sa kanya. Diyan siya nagtu-tutoring lahat.'

"And then, sabi ko, 'Tapos Noy, pag magkakaroon tayo ng reunion...' Nakapangalan na po kay Noy [yung house], pero ako ang dikta nang dikta. Sorry, Noy... Parang deed of donation. Pero sabi ko, 'Yung open kitchen gusto ko, ha? Kasi diyan tayo magre-reunion.' Tapos, sinabi ko rin, 'May rooms ang mga anak ko para they'll spend time with you para hindi kung sinu-sino iuuwi mo.' Sorry, sorry Noy!' Hindi naman niya gagawin 'yon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos sinabi niya talaga sa akin, 'My God, you mean you're really gonna live with me?' Sabi ko, 'No, two to three nights in a week, I'm there. Pero apart from that, you'll have your privacy, kasi baka naman mabuwisit ka na sa amin masyado.' But Noy asked me a few months. Kasi sinabi niya, 'The structures here are very, very important,' and parang makahulugan sa puso niya, 'give me time to adjust.' Pero meron siyang lilipatan na maliit na condominium na pinagmamay-ari ng kaibigan nating si Jerry Acuzar. Na papahiram muna niya kay Noy habang nagko-construct kami," mahabang kuwento ni Kris.

How long is Noynoy asking?

"Sabi ni Noy, 'Give me about three months.' And then, sinabi also na, 'Noy, pag ikinasal ka naman na, out na kami. It's not like na makikipagsiksikan pa kami. Pero si Josh can go anytime... Siyempre naman, si Josh 'yon."

(Binanggit ni Noynoy sa hiwalay na interview na since 1961 pa raw sila nakatira sa bahay nila sa Times Street sa Quezon City.)

Patuloy ni Kris, "Tapos, Boy, ipaliwanag ko lang po, I want to be able to continue everything Mom started as far as NGOs are concerned. And I feel I'm in a good position to do that. Maraming proyektong magbe-benefit yung mga scholars ng Dad, dun sa Aquino Center in Tarlac, na tutulong dun sa micro-finance at dun sa feeding program na malapit sa puso ng Mom at talagang tinutulungan niya. So, I feel dahil sa trabaho kong 'to, I'll be in the best position to do that.

"Kasi dun sa ospital, pati yung pananamit ni Noy at pati grocery niya, sinabi ko kay Mom, ako na ang bahala. So sana ho maintindihan ninyo, kailangan kong magtrabaho, hindi lang para sa aking pamilya kundi para sa in-adopt ko na pong kapatid kong si Noy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BABY OVER POLITICS. Ipinalinaw naman ni Boy kay Kris ang sinabi niya na wala siyang balak tumakbo sa anumang elective position.

"2010 or 2015 seems unlikely," sabi ni Kris. "Why? I'll tell you now... I want to have another baby. I talked to James about it kasi... After Mom's funeral, before he left, he's now in China for the RP team, sabi ko, 'Nagpunta si Dr. Pastorfide [Kris's ob-gyn] sa wake, sinabi ko sa kanya, 'Doc, kaya mo akong alagaan? Kasi nararamdaman ko, kung walang sister si Josh at si Baby James... Siyempre dinidikta ko na sana maging girl... Iba talaga 'pag meron kang mga kapatid na masasandalan. And you know, Josh has special needs. Grabe yung burden kay Baby James. So, sana madagdagan if it's God's will.

"I talked to James, sabi niya, 'Sigurado ka?' Kasi knowing me nga, most likely, baka four months, five months bed rest 'yan. Pero sinabi ko sa kanya, 'Habang kaya pa, subukan natin.' Kasi gusto ko talaga—sana Mom's listening and Dad's listening—to give us a girl. Para yung girl, alagaan the same way na tina-try kong alagaan ngayon si Noy. Yung mga kapatid kong babae, tina-try suportahan si Noy.

"Iba talaga, Boy, kung may sister ka. Sana mabigyan ko ng sister si Josh at si Baby James. Pero kung boy din naman ang ibigay, okay lang din. Basta gusto ko sana talaga na maging tatlo yung anak ko. Sana."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN