Star Cinema says it has "collection and computation issues" with SM Cinemas

"Ang nais lang naman ng Star Cinema ay maayos na komputasyon, pantay na hatian, at maayos na partnership. Ang nais lamang namin, hating kapatid," writes Ms. Malou Santos, managing director of Star Cinema, in an official statament about the non-exhibition of And I Love You So in any SM cinema.


Naging malaking isyu ang hindi pagpapalabas ng latest offering ng Star Cinema na And I Love You sa lahat ng SM Cinemas nationwide. Ito ang unang pagkakataong hindi naipalabas sa mga sinehan ng SM ang isang pelikula ng film arm ng ABS-CBN.

Nagbukas noong August 12 sa humigit-kumulang 100 na sinehan ang And I Love You So, na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Sam Milby. Pero hindi ito napapanood sa SM Cinemas, kung saan nanggagaling ang 45 percent ng lahat ng movie tickets na nabebenta nationwide.

Sa kabila nito, ayon sa Ad/Prom department ng Star Cinema, kumita ang And I Love You So ng P8 million sa first day of showing nito. (Bagama't ayon sa isang industry insider, P3.4 million lang daw ang kinita ng pelikula sa unang araw nito.)

Kaugnay nito, nagpadala ang Star Cinema—sa pamamagitang ng kanilang managing director na si Ms. Malou Santos—ng opisyal na pahayag upang ipaliwanag kung bakit hindi ipinalalabas sa SM Cinemas ang And I Love You So.

Narito ang pahayag:

"Ang Star Cinema ay mayroong collection and computation issues sa SM.

"Ang nais lang naman ng Star Cinema ay maayos na komputasyon, pantay na hatian, at maayos na partnership. Ang nais lamang namin, hating kapatid.

"Umaasa kami na maaayos ang sitwasyong ito sa lalong madaling panahon. Ang nais lang naman namin ay isang win-win situation na magbibigay ng karampatang benepisyo sa Star Cinema at sa aming mga partners tulad ng SM.

"Malou N. Santos

"Managing Director, Star Cinema"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN