Dra. Vicki Belo remains on Bureau of Immigration's watch list

Cosmetic surgeon Vicki Belo still cannot leave the country because of the new watch-list order imposed on her.


Sa taped interview ng Startalk kay Dra. Vicki Belo noong Sabado, August 15, nagpahayag ng katuwaan ang cosmetic surgeon dahil na-lift na raw ang watch-list order sa kanya ng Bureau of Immigration, at malaya na siyang makalabas-pasok ng bansa.

Matatandaang iniligay ng Bureau of Immigration sa watch list si Dra. Belo—kasama sina Eric Johnson Chua, Dr. Bistek Rosario, at Princess Velasco—kaugnay ng sex-video scandal ng dating boyfriend niyang si Dr. Hayden Kho.

Ayon sa pahayag ni Dra. Belo sa Startalk, hanggang August 15 lang talaga ang watch list order sa kanya.

"Actually, ang watch list ko is until August 15, and by August 19, pupunta kami sa Amerika at magbibigay ako ng mga talks sa Florida," saad niya.

Ipinaliwanag ng legal counsel ni Dra. Belo na si Atty. Adel Tamano ang tungkol sa naturang watch-list order. Aniya, "It is only a court of law that can issue yung tinatawag na hold-departure order. Ang watch list naman, may lifespan 'yan, it's only 60 days. That's why she can already leave and no case filed against her."

Pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang reliable source na hindi raw natuloy ang pag-alis ng bansa ni Dra. Belo kahapon, August 19, dahil sa panibagong watch-list order ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Immigration.

Ayon sa aming source, totoo raw na for a certain period of time ay na-lift na ang watch list kay Dra. Belo. Pero sa panahon na yun ay hindi raw nito nagamit ang pagkakataon na magbiyahe. Ang huling biyahe raw ng cosmetic surgeon sa labas ng bansa ay noong last week of May ng taong kasalukuyan.

Napag-alaman ng PEP na nag-file ng request for watch-list extension sa lahat ng involved sa kaso, kabilang na si Dra. Belo, na isinampa ng aktres na si Katrina Halili. Base sa impormasyon na nakalap ng PEP, after office hours daw kahapon ay muling sumailalim sa watch list ng Bureau of Immigration sina Dra. Belo at Dr. Kho, kaya hindi nakaalis ng bansa ang cosmetic surgeon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alaman din ng PEP na may letter na isinumite ang kampo ni Dra. Belo upang i-lift ang watch-list order sa kanya. Pero hindi raw ito pinagbigyan ng Bureau of Immigration.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN