Edu Manzano resigns as OMB chairman

Actor Edu Manzano has tendered his resignation as the chairman of the Optical Media Board (OMB). He cited the following reasons for his resignation: to “consider other avenues of public service," “must attend to personal tasks," and “help in the anti-child pornography campaign.”


Nagbitiw na sa kanyang tungkulin bilang chairman ng Optical Media Board (OMB) ang aktor na si Edu Manzano. Kinumpirma ito mismo ni Manzano sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala niya sa GMANews.TV.

"Yes, I did submit my resignation," maikling pahayag ni Manzano, bagamat hindi pa raw siya makapagbigay ng iba pang detalye tungkol dito dahil nasa Sri Lanka siya sa kasalukuyan.

Pero ayon naman kay deputy presidential spokesman Anthony Golez, may ibinigay na tatlong dahilan si Manzano sa kanyang resignation letter kung bakit siya nag-resign bilang chairman ng OMB. Ito ay ang mga sumusunod: to “consider other avenues of public service," “must attend to personal tasks," and “help in the anti-child pornography campaign.”

Malakas ang bulung-bulungan na tatakbo si Manzano bilang senador sa 2010 elections. Pero hindi pa ito kinukimpirma ng aktor at host ng game show ng ABS-CBN na Pilipinas, Game KNB?.

Ang OMB ang pangunahing sangay ng gobyerno na sumusugpo sa paglaganap ng piracy sa Pilipinas.

Si Manzano ang ikalawang opisyal ng pamahaalan na nagbitiw sa kanyang tungkulin ngayong buwan.

Nauna na sa kanya si socioeconomic planning secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) director general Ralph Recto. Posibleng may kinalaman din sa planong pagtakbong muli sa Senado ang dahilan kung bakit nagbitiw si Recto.

Sina Manzano at Recto ay parehong nauugnay sa aktres at Batangas governor na si Vilma Santos. Si Manzano ang unang asawa ng Star For All Seasons, samantalang si Recto naman ang pangalawang asawa ni Gov. Vilma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN