New Kapuso talent AJ Dee finds primetime exposure in Show Me Da Manny

When AJ Dee couldn't find anyone to show him the money, he transferred management and station. Now he can be seen every Sunday in GMA-7's Show Me Da Manny, starting tomorrow, August 23.


Masaya si AJ Dee ngayon. And the latest about AJ, isa na siyang Kapuso.

Isa siya sa mga stars ng Show Me Da Manny ng GMA-7 tuwing Linggo na pinagbibidahan nina Manny Pacquiao at Marian Rivera.

Kamusta si AJ ngayong Kapuso na siya?

"Okay naman, masaya ako ngayon dito sa Kapuso [network], lalo na ngayon na may show na ako. Itong Show Me Da Manny yung first show ko sa GMA," sinabi ni AJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang nagma-manage na ngayon ng career niya ay si Popoy Caritativo na manager rin nina Marian, Mart Escudero at Dennis Trillo.

NEW MANAGER. Paano siya naging talent ni Popoy?

"Nagkakilala kami, then nagkausap kami. From there dumami yung times ng pag-uusap namin, hanggang nakapag-decide ako and tinanong ko siya na 'What if magpa-manage ako sa 'yo?' It turned out well naman so, 'eto nandito na ako ngayon."

Wala nang contract si AJ sa ABS-CBN. "Natapos ang kontrata ko sa ABS-CBN February 2009, nito lang. Nung nagpaalam ako pinayagan naman ako. Maganda at maayos ang paghihiwalay namin ng ABS.

"Nagpaalam ako nang maayos and sabi naman nila, anytime na gusto kong bumalik, walang problema. At wala akong iniisip na nakasakit ako or may ginawa akong mali, so okay yung pag-transfer ko dito sa GMA."

Dati ay pinamamahalaan siya ng Talent Center ng Dos at ni Boy Abunda. Paano siya nagpaalam kay Kuya Boy?

"Kinausap ko siya, sabi niya, 'Walang problema. Kung magiging mas maganda yung career mo, why not?' Sabi pa niya, 'Siyempre, I'm happy kung anuman yung ma-achieve mo.' Hindi siya nagalit, si Tito Boy pa, more on kaibigan ko rin, e, more than manager."

Ang huling TV project ni AJ sa Dos ay ang Eva Fonda.

NO SIBLING RIVALRY WITH ENCHONG. Bakit siya nag-decide magpalit ng manager at ng TV station?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin kasi medyo hindi ako nakapag-work nang maayos, hindi na ako nagkakaroon ng show. So sabi ko kailangan kong magtrabaho, kumbaga ang importante naman makapag-trabaho ako."

Ang kapatid niyang si Enchong Dee ang rumaratsada ang career ngayon.

"Lagi kaming nakukumpara ng kapatid ko, so sabi ko hindi maganda para sa amin kasi sa amin walang problema pero yung mga tao sa paligid namin binibigyan kami ng issue.

"Ngayong nandito ako, tapos nandun siya sa kabila, at least may kanya-kanya kaming career, may kanya-kanyang path, para maayos lahat."

Pero hindi naman raw dumating sa point na nainggit siya kay Enchong.

"Honestly, walang inggit, kapatid ko yun, kahit papaano dumaan din ako sa point na ganun, na sunud-sunod rin ang trabaho ko, at kung anuman, kapatid ko pa rin yun.

"Bago ang lahat, ang ibang tao, kapatid ko muna siyempre ang tinitingnan ko. So kung anuman yung na-achieve niya, natutuwa ako. Kaya minsan kapag nagkikita kami, kasi busy din siya, e, kumustahan talaga kami, nagbabalitaan kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN