Dingdong Dantes gives back to the Marines with YES Pinoy Foundation

Education has long been Dingdong Dantes' advocacy, with special emphasis on children of the Philippine Marines. Once a private, personal endeavor, the actor has launched a foundation to widen the reach of his assistance.


Isang bonggang special na pinamagatang Dantes Peakang ibinigay na opportunity ng GMA-7 kay Dingdong Dantes, isa sa kanilang prime artist and the world's 3rd sexiest man alive, according to E! Entertainment Television.

Sa naturang special na ipapalabas sa Sunday Night Box Office sa Linggo, August 30, dalawang bagay na malapit sa puso ni Dingdong ang ilo-launch niya. Ang bookazine na YES! Life Stories, na mabibili na ngayon, that feature Dong in his rare photo shoots, and some revealing anecdotes about him from his closest friends and from himself.

Ang ikalawa ay ang YES Pinoy Foundation na kung may ilang buwan na ring pinagkakaabalahan ni Dingdong na mabuo. Masaya nga raw siya sa opportunity na ibinigay sa kanya ng network dahil magiging daan ang special niya para maging aware ang mga tao.

"Kung sinuman ang willing na makatulong for this kind of cause, at least, aware sila."

Lingid sa kaalaman ng marami, matagal nang tumutulong at nagpapaaral nang libre si Dingdong at may mga estudyante na siyang napa-graduate dahil education talaga ang advocacy niya, but it's something na personal sa kanya at hindi pinapaanunsiyo.

It is only this time that he has put up a foundation dahil sa palagay niya, mas marami pang makakatulong sa advocacy niya kung mas marami ang nakakaalam.

Is he the only one who will choose kung sino ang mga beneficiary?

"Siyempre, dumadaan siya sa mga committee para suriin kung sino ang mga karapat-dapat, but most importantly, this is the opportunity na we plan to provide and it's very exciting."

GIVING BACK TO THE MARINES. Bakit niya naisip na anak ng mga Marino ang isa sa maging beneficiary ng YES Pinoy Foundation?

"Well, for one kasi, close ako sa Marines and at the same time, advocacy ko kasi ang education ever since. So it is really a perfect combination to give a chance sa mga naiwanan at namatayang pamilya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw, everything is being processed regarding mga events or projects ng foundation. Mag-a-announce na lang daw siya sa mga posibleng mangyari through a website which is still being constructed.

Why did he choose the name YES Pinoy Foundation?

"I want a name that is positive. A name when you hear it, may recall at maa-associate mo ru'n sa akin, my advocacy, which is youth education. So, it is a sort of a battle cry also. And it's a way of saying yes to everything, yes to opportunity. Yes!"

Hindi naman siya connected sa Yes! magazine?

"Ah, wala, wala! In fact, kahit tanungin n'yo ang Yes!, si Ma'am Jo-Ann Maglipon, hindi ko nasabi sa kanya. Ngayon ko pa nga lang sasabihin sa kanya na, Ma'am, hindi ko nasabi sa inyo," natatawa niyang sabi.

Posibleng i-connect ng mga tao na baka eventually, papasok din pala siya sa pulitika?

"Well, e, di sana inilagay ko ang pangalan ko d'yan, di ba? Pero hindi, e. Malalaman naman nila 'yan, e. The intention is pure and sincere at hindi dapat bahiran ng iba pa man."

SPECIAL DANCE NUMBER. Hindi naman nakaiwas sa pansin ng ilang piling entertainment press na nasa Dantes Peakang number nila ni Marian Rivera kunsaan sasayaw sila to "Can You Read My Mind," theme song ng pelikulang Superman.

Ano raw ang nasa isip niya habang ginagawa nila 'yong number?

"Wala naman... may ano lang, e, maganda lang ang kanta. Actually, kung ano ang nasa mind niya. Song ng babae 'yun, e."

Sobrang sweet nila?

"E, bakit naman dati, ginawa rin namin sa Araneta. Siguro kasi less movements, walang masyadong nangyayari. Siguro kasi ang ganda ng song, ang ganda ng number."

BOOKAZINE REVELATIONS. Ayon kay Dingdong, ang buong special nga raw niya ay naka-connect sa bookazine niya.

"Most of 'yung mga makikita n'yo sa book, makikita n'yo rin dito. So, inspired by the bookazine. Wala masyadong censor, it talks about my dreams, my fantasies and realities."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dingdong, the concept of the bookazine is a collaboration between him and Summit Media.

Among the concepts na prinesent sa kanyang special, ano ang pinakapaborito niya?

"Reality... reality... normal lang na nangyayari. Effortless, e. Pero siyempre, each part is special to me. Pantay-pantay, e. Feeling ko, pantay-pantay."

Sa huli, tinanong namin si Dingdong kung ano ang masasabi niya sa opportunity na ibinigay sa kanya ng network niya na makabuo ng isang bonggang special na puwedeng sabihing punong-puno ng puso?

"Unang-una, mahirap siyang gawin. Mahirap maging performer na buong show, kasama ka. Pero nakakagana kasi ipinagkaloob sa akin ng network, ipinagkatiwala sa akin. Pero, bihira siyang mangyari.

"Ako kasi, kapag may ganito akong endeavor, ibinibigay ko talaga. Kahit sabihing hindi ako totoong singer, pero yung pagsasayaw ko from the past, I just like to enjoy myself. Kailangan gawin kong masaya yung sarili ko para matuwa rin ang mga manonood."

ABZTRACT REUNION. Nagkaroon din siya ng pagkakataong magkaroon ng reunion with his co-Abztract Dancers.

"Oo, first time in fourteen years!"masaya niyang sabi.

How was it naman?

"Nakaka-touched, kumbaga, yung original nabuo. And alam kong may kanya-kanya na silang pinagkakaabalahan and yet, pumayag sila noong imbitahan ko sila rito."

It seems his group all look up to him?

"Well, as much as meron akong mga nai-impart sa kanila, e meron din akong natutunan sa kanila. Kaya nga kumbaga, yung friendship namin, hindi lang nagtapos du'n. Kumbaga, because of this reunion, e, I'm sure, marami pa kaming pupuntahan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN