Next Big Star winner Geoff Taylor expected to go up against Jay Perillo in final showdown

"Sobrang ang sarap po ng feeling na, parang halimbawa po, yung pag nagsa-shower po kayo, yung tunog po ng water, parang yun po yung tunog ng palakpakan ng mga tao. Parang very refreshing, nakaka-relax po," describes Geoff Taylor about winning GMA-7's Are You The Next Big Star?


Hindi maipaliwanag ni Geoff Taylor ang nararamdaman niya nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press. Siya kasi ang itinanghal na Next Big Male Star sa big finale ng Are You The Next Big Star?, na ginanap kagabi, August 23, sa Studio 7 ng bagong building ng GMA. Nanalo naman na Next Big Female Star si Frencheska Farr.

"Nasa-shock po ako na hindi ako makapaniwala! Naninigas ako! Basta hindi ko po maintindihan ang pakiramdam ko ngayon na nandiyan na yung title, yung one million, yung ibang prizes... Ewan ko po, e, magulo. Pero sobrang tuwang-tuwa po ako na ako yung nanalo!" bulalas ni Geoff.

Bilang grand winner, tumanggap si Geoff ng mga premyong: one million pesos in cash from SM Supermalls, a condominium unit from Avida Towers New Manila, an exclusive management contract from GMA Artist Center, a recording deal with GMA Records, and P100,000 worth of clothes from Edwin Tan and Pepsi Herrera.

Ano ang gagawin niya sa one million pesos cash prize?

"Ako po siguro, dahil ako lang ang contestant dito na walang car, uunahin ko po siguro yung car. And after this, siguro aasikasuhin ko yung sa amin ng dad ko, yung papers namin para maging dual citizen na po ako," saad ni Geoff.

Dahil American ang ama ni Geoff, inaayos niya ngayon ang mga papeles upang magkaroon siya ng American citizenship.


COMPETING WITH ALEX & JAY.Ine-expect niya bang siya ang mananalo over his co-finalists Alex Castro and Jay Perillo?

"Ako po, actually, before po minenteyn ko po yung pakiramdam na positive lagi, and nakatulong po sa akin yun. And before po talaga, inisip ko na ako po yung mananalo dito. And eto nga po, natupad. And alam ko naman po na deserving naman lahat manalo kaya nga po nakapasok sa Top 6. Pero kailangan po talaga isa [ang manalo sa boys]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa final judging sa Round 3—ang one-on-one showdown kung saan sila ni Alex na lang ang natira—wala na ang text votes at tanging judges' votes na lang ang naging basehan. Sa tingin niya, ano ang naging edge niya kay Alex?

"Lahat naman po talaga may potential na manalo rito, katulad nga ng sinabi ko kanina. Pero siguro po ang edge ko po sa kanila is yung tiwala ko po sa sarili ko, na dapat magkaroon ka ng tiwala sa sarili mo, sa God, at dahil din po sa mga supporters ko."

Ano ang na-feel niya na si Alex ang pinili ng dalawang judges, na sina Vernie Varga at Pops Fernandez, na ikinaangat nitosa Round 1 and 2? Pinanghinaan ba siya ng loob?

"Sobrang kinabahan po ako, although positive yung pag-iisip ko," pag-amin ni Geoff. "Pero kanina, parang nawalan ako ng pag-asa. Pero pinilit ko pa ring lumaban kasi hindi pa naman tapos yung contest."

Ano ang comment niya na mga nagsasabing si Jay ang dapat na nakalaban niya sa final showdown at hindi si Alex? Sa tingin ba niya mas nahirapan siya kung si Jay ang nakalaban niya?

"Actually, before pa lang po, si Jay na po talaga yung kalaban ko. And ine-expect ko nga po na siya yung makakalaban ko. Sobrang kakabahan po ako pag si Jay ang kalaban ko," saad ni Geoff.

So, hindi siya kinabahan kay Alex?

"Kinabahan din naman po, kasi parang ang lakas po, e," sagot niya.

Mas naging confident ba siya nung si Alex ang nakalaban niya?

"Hindi rin po. Ayoko rin pong magpagka-confident, kasi hindi ko po alam kung may baka ipakita pa, baka may itinatago pa. Ganun."

LOVETEAM WITH FRENCHESKA. Natawa naman si Geoff nang mapunta ang mga tanong sa anggulong pagla-loveteam sa kanila ni Frencheska Farr, ang itinanghal na Next Big Female Star. Okay lang ba kay Geoff na maging loveteam sila ni Frencheska?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede rin po siguro, bagay naman kami," nakangiti niyang sagot. "Pero kami po ni Frencheska, magko-concentrate po kami sa pinasok naming work. Hindi po kami pumasok dito para magligawan."

Pero dahil matagal din silang nagkasama, ano ang nagustuhan niya kay Frencheska?

"Actually, lahat po kami sobrang prangka sa isa't isa, lahat po kami. And si Frencheska po kasi, ang gusto ko sa kanya, napaka-friendly niya."

Hindi na ipinilit ng mga mapaglarong entertainment reporters ang love anggulo sa dalawa nang malamang 16 years old pa lang si Frencheska, habang 23 naman si Geoff.

PDA STINT. Hindi na bago sa TV singing contests si Geoff dahil nauna na siyang sumali noong 2006 sa Season 1 ng Pinoy Dream Academy sa ABS-CBN, kung saan nanalo si Yeng Constantino. Coincidence naman na sa PDA ay natalo siya, at pangatlo siyang natanggal. Pero dito sa Are You The Next Big Star? ng GMA-7, napasama siya sa Top 3, at nanalo pa.

Ano ang feeling na sa Kapuso network ay nanalo siya?

"Sobrang saya po!" bulalas niya. "Sobrang ang sarap po ng feeling, na parang halimbawa po, yung pag nagsa-shower po kayo, yung tunog po ng water, parang yun po yung tunog ng palakpakan ng mga tao. Parang very refreshing, nakaka-relax po."

Ngayong nanalo na siya, sa tingin ba niya nagkamali ang PDA noon at maaga siyang natanggal sa kumpetisyon?

"Hindi naman po sa nagkamali," paglilinaw niya. "Actually, aminado naman po ako na pumasok ako na walang bala. Twenty po kami na pumasok noon and ako lang yung walang experience sa banda, and silang lahat, may banda and may experience na sa mga gigs. E, ako po, more on sa mga videoke lang po, sa bahay lang.

"And after po noon, may mga fiesta na kumukuha po sa akin. Pero minsan hindi po natutuloy dahil wala nga po akong alam na kantahin. So, doon po ako natututo, yun po ang nag-challenge sa akin para mas lalong pagbutihan. So, doon po ako natututo. So, nung pagpasok ko po dito, mas ready na po ako, may bala na po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nakausap na ba siya from PDA since sumali siya ng Are You The Next Big Star?

"Wala pa po," sagot niya. "Actually, ang close ko po si Ronnie Liang and si Emman Abatayo. Pero ngayon po dahil sobrang busy po namin sa mga skeds, hindi na po kami nakakapag-usap. Pero dahil yung manager ko and manager ni Ronnie magkaibigan, siguro po mag-bonding-bonding after po nito."

ACTING. After ng kanyang PDA stint noon, sinubukan na rin niya ag pag-aartist. Kung mabibigyan siya ng pagkakataon at may offers ang GMA-7 para siya'y mag-artista, tatanggapin ba niya?

"Puwede po siguro, pero siyempre kailangan po ng workshop. Aminado naman po ako na hindi pa ako ganun kagaling sa acting. Lalo na po yung punto ko, kasi po Ilokano po ako. Gusto ko pang i-improve pati yung pagsasalita ko. Pero sa ngayon po, gusto kong mag-concentrate muna sa singing at i-prove sa lahat na deserving ako na manalo rito," saad ni Geoff, na tubong Cagayan Valley.

Ano pa ba ang gusto niyang ma-achieve sa music?

"Gusto ko pong matutong mag-drums, maging musikero talaga. Medyo nakukulangan pa ako sa boses ko kaya gusto kong magpaturo pa, magpa-voice coach, para pag dumating yung time na magkaroon ako ng sarili kong album, mas pulido na ang boses ko."

MOM & DAD. Kanino niya idine-dedicate ang pagkapanalo niya?

"Mula pa noong sumali ako sa PDA, kahit hindi pa ako ganun kagaling, every time na nagpe-perform ako, lagi kong idine-dedicate sa mom ko [Mrs. Emerlyn Seminiano]. Every time na kumakanta po ako, mapa-rock o love song, mom ko lang po ang iniisip ko, dahil siya lang po ang nagbibigay ng lakas sa akin dito sa competition na ito. And siya po yung inspirasyon ko."

Sa pag-uwi niya sa bahay after manalo, ano ang unang gagawin niya?

"Kakausapin ko po yung mommy ko. Feeling ko, hindi po ako makakatulog nito, e. Tatawagan ko lahat ng mga kaibigan ko, mga relatives ko!" tuwang-tuwa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa cash prize, kasama rin sa premyo ni Geoff ang condo unit. Labis din itong ikinatuwa ni Geoff.

"Masayang-masaya po na may kasamang condo sa prize ko. May sarili na kaming house ngayon! Makakalipat na kami. Mas masarap yung feeling na may sarili kang bahay. Pero siyempre, sobrang nagpapasalamat ako sa manager ko, si Victo Felarca. Kasi three years po akong nag-stay sa kanya sa Antipolo—simula noong nasa modeling pa lang ako, hanggang sa PDA, hanggang ngayon, kasama ko po yung mommy ko."

Naitanong din ng PEP kay Geoff ang tungkol sa daddy niyang si Jeffrey Taylor na naka-base sa San Diego, California, USA. May ibang pamilya na raw ito sa Amerika, habang ang mommy naman niyang si Emerlyn Seminiano ay hindi na nag-asawa pa ulit.

May communication pa ba sila ng dad niya?

"Meron po, pero hindi na po ganun masyado, e. More on sa sulat na lang po," sagot ni Geoff.

Gusto nga ni Geoff na ayusin ang papers niya para sa kanyang dual citizenship nang sa gayo'n ay makadalaw daw siya sa daddy niya sa Amerika.

"Before po, nag-meet kami ng dad ko, four days lang kaming magkasama. Masaya na rin ako na nagkasama kami. Pumunta siya rito. Pero hindi pa rin po ako kuntento dahil gusto ko pa ring ma-meet yung mga relatives ko sa States, pati yung mga half-brothers and sisters ko. And gusto ko rin pong maayos yung papers po namin para maging dual citizen na po ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN