Next Big Star winner Frencheska Farr sets early limitations for her career

Are You The Next Big Star? winner Frencheska Farr says she will use her P1M prize to continue the construction of her house in Las Piñas.

"Ipapatuloy ko po yung pagpapagawa po ng bahay namin kasi nabitin po yun eh. Yung bahay na tinitirhan po namin kasi hindi pa tapos yun eh. Papatapos ko po," the 16-year old singer said.


Hindi masyadong makasagot si Frencheska Farr sa mga tanong ng entertainment press kagabi, August 23, matapos manalo bilang Next Female Big Star sa reality-based singing contest ng GMA-7 na Are You The Next Big Star?. Hindi kasi nakakain nang maayos ang 16-year old singer ng tanghalian sa sobrang kaba. Hindi rin ito nakapag-hapunan dahil nag-taping pa ang nasabing programa.

Napahanga tuloy ang press dahil kahit gutom na gutom na si Frencheska ay naipakita pa rin nito ang kagalingan sa pag-awit. Bigay-todo ito sa Round 3 ng kumpetisyon; kinanta niya ang "Queen of the Night" na nagdulot ng masigabong palakpakan mula sa audience.

Ayon kay Frencheska, masayang-masaya siya sa kanyang pagkapanalo. Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya at sa mga taong sumusuporta sa kanya.

"Sobrang thankful po ako na hindi po nawala yung tiwala sa akin ng mga supporters ko po. 'Saka yung mga naniniwala po sa kin... sobrang nakakalakas po ng loob," saad niya.

Ayon sa kanya, pinili niya ang kantang "Queen of the Night" para sa Round 3 dahil nais niyang maramdamang siya na talaga ang panalo.

"Mas maganda po kasi kapag pag may positive vibes ka po sa sarili mo na 'ako na 'to'... At kung hindi magkatotoo, at least, na-feel ko sa sarili ko na kahit two minutes, na ako ang queen of the night," paliwanag niya.

Pero nilinaw ni Frencheska na hindi raw siya sigurado sa simula kung siya ang magiging Next Female Big Star.

"Hindi rin po, mahirap din po, kasi may text votes din po. Siyempre po, hindi po namin nasisilip kung ano ang lagay ng voting po namin, e," sabi niya.

NO TO SEXY ROLES. Personal ding nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Frencheska upang tanungin kung ano ang plano niya sa kanyang magiging career sa GMA-7.

Ayon sa kanya, kahit wala pa siyang naiisip na gusto niyang tahaking landas sa showbiz, mayroon na agad siyang mga limitasyon na nais ipatupad. Bagama't kaya niyang magpa-sexy sa pagkanta, hindi raw niya kakayaning mag-pose sa men's magazines, o tumanggap ng sexy roles dahil bata pa raw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po yung pagpo-pose po sa magazine, hindi po ako ready dun. Siguro yung pagka-sexy ko sa kanta, part lang po yun ng performance ko. Talagang binibigyan ko lang po ng justice yung kanta ko," aniya.

Paano kung tumuntong siya ng 18?

"Hangga't maaari po kasi, gusto ko, kung ano po ako ngayon, ganun din po yung limitations ko po," paliwanag niya.

Dagdag pa ni Frencheska, ibang-iba siya sa stage at sa totoong buhay. Kaya naman kayang-kaya niyang kantahin ang mga sexy na kanta, tulad nga ng performance niya ng "Queen of the Night."

"Nag-iiba po ako kapag nagpe-perform ako onstage. Ano po ako, maingay, madaldal... bata pa po talaga, 16. Pero 'pag sumampa po ako sa stage, nagta-transform po ako, e," sabi niya.

Biniro tuloy siya ng PEP na baka lumulunok siya ng bato tulad ni Narda para makapag-transform kagaya ni Darna.

"Ay, hindi naman po!" tawa ni Frencheska. "Siguro po kasi, talagang sineseryoso ko lang po ang pagkanta ko. Pinipilit ko lang po yung sarili na maging best every time na kakanta ako at mag-improve every time maki-critique ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN