Vilma Santos says playing Corazon Aquino in a movie is a big responsiblity

"I'm definitely honored. Alam nating lahat kung paano nirerespeto si Madam Corazon Aquino, minahal ng mga Filipino at buong mundo. And playing her character or yung role niya, na ginawa niya dito sa mundo, hindi ganun kadali yun. Sometimes when they tell you, 'Hay, gagawin mo si Cory!' hindi ganun kadali yun, e. She's not ordinary," says Vilma Santos about an offer to play former President Cory Aquino in a movie.


Sa kanyang estado bilang Star For All Seasons ng local showbiz, karaniwang senaryo na ang papuri at palakpakan sa mahusay na pagganap ni Vilma Santos sa bawat karakter na kanyang ginagampanan sa pelikula. Kaya naman trailer pa lang ng pinakabago niyang pelikula, In My Life ng Star Cinema, ay umani na ito ng palakpakan mula sa mga taong dumalo sa presscon nito noong Martes, August 25, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ayon sa Star for All Seasons, kakaiba ang role na ginampanan niya rito bilang Shirley. Napaka-challenging din daw nito dahil kabaligtaran ito sa tunay na buhay.

"If there's one thing na puwede kong masabi, yung role na ginampanan ko dito, first time kong gagawin sa buong career ko. Yung role ko dito bilang Shirley, baligtad na baligtad sa totoong buhay ko at sa totoong Vilma. Mas challenging yun para sa akin. Her character is light na mabigat, na di mo maintindihan. But, at the end of the day, naniniwala pa rin siya sa pagmamahal at kaya siyang baguhin ng pagmamahal. Yun ang karakter ni Shirley," paglalarawan ni Vilma sa kanyang role.

ATE VI AS TITA CORY. Hindi pa man naipapalabas ang In My Life ay usap-usapan na ang susunod na film project ni Ate Vi ay ang life story ni dating Pangulong Corazon Aquino, kung saan gagampanan ng aktres ang role ng namayapang democracy icon. Maging ang mga anak daw ni Tita Cory ay pabor kung saka-sakaling ang Star For All Seasons ang gumanap sa kanilang ina. (Click here to read related story.)

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang actress-politician kung ano ang masasabi niya tungkol dito.

"I'm definitely honored," sambit ni Ate Vi. "Alam nating lahat kung paano nirerespeto si Madam Corazon Aquino, minahal ng mga Filipino at buong mundo. And playing her character or yung role niya, na ginawa niya dito sa mundo, hindi ganun kadali yun. Sometimes when they tell you, 'Hay, gagawin mo si Cory!' hindi ganun kadali yun, e. She's not ordinary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yung mga nahihilingang gumanap, malaking responsiblidad yun at sisiguraduhin mo, at the end of the day, bibigyan mo ng hustisya ang ginagampanan mo. Minahal siya, nirespeto siya... Sana ganun din ang maramdaman ng manonood sa iyo. That's why, ngayon pa lang, hindi ganun kadali 'yan.

"Definitely I'm honored, I'm flattered. Pero just in case na gagawin ito, it should be well-planned, pinag-aralan, at pinaghandaan. But I'm honored and I'm very, very thankful sa Aquino family for considering me na pupuwedeng gumanap bilang isang Madam Corazon Aquino," pahayag niya.

Hindi naman itinanggi ni Governor Vi na makakaapekto nang malaki sa magiging desisyon niya na gampanan ang role ni Cory ang desisyon niya kung tatakbo siya ulit sa 2010 elections.

"In a way, because katatapos ko lang ng In My Life ngayon, ipapalabas pa lang. And kung priorities ang pag-usapan, gobernadora pa rin ako, may mga constituents pa rin ako sa Batangas na nangangailangan din ng atensiyon. But, of course, mahirap lang sa akin physically because after shooting, I go there [Batangas] as a public servant—physically draining.

"But again, hindi ko naman puwedeng iwan ang show business, nasa dugo ko 'yan. 'Yan ang nagbibigay din sa akin ng adrenaline, ganun lang yun. But 2010 is an election year. Just in case I'll run, medyo higpit na naman ang schedule niyan. But again, kung maaayos lang ito at maprepara nang mabuti yung pelikula at talagang mapaghahandaan, oh my God, ako na ang unang excited para gumanap ng Madam Corazon Cojuangco Aquino!" saad ni Ate Vi.

STAR CINEMA-SM CINEMAS CONFLICT. Naitanong din ng PEP kay Ate Vi ang tungkol sa problemang namamagitan sa Star Cinema at SM Cinemas. Ang huling pelikula kasi ng Star Cinema na And I Love You So—pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Sam Milby, at Derek Ramsay—ay hindi naipalabas sa alinmang SM cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa September 16 ay nakatakda nang magbukas sa mga sinehan ang In My Life. Hindi ba nangangamba ang Star For All Seasons na hindi rin maipalabas ito sa SM Cinemas at makaapekto ito sa box-office results ng pelikula?

"I hope not," sagot ni Ate Vi. "I heard nagkakaroon na ng parang pag-uusap and sana magkaroon na ng compromise. Kasi palagay ko, kailangan natin ang bawat isa. Kailangan ng SM ang movie industry, kasi parte yun ng kanilang mga malls. And vice versa, kailangan din natin ng mga malls para mas maging maginhawa at matagumpay naman ang mga pelikulang ibinibigay natin sa tao.

"I am praying and I'm very optimistic. Given n'yo lang yung tamang pag-uusap, magkakaayos din 'yan. At palagay ko, sa In My Life, ayos na 'yan," asam ni Ate Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN