Katrina Halili's libel case vs Hayden Kho's mother junked


Ibinasura ng Quezon City Prosecutor's Office ngayong Huwebes, Agosto 24, ang libel case na isinampa ng aktres na si Katrina Halili laban sa ina ni Hayden Kho Jr. na si Irene Kho dahil sa kawalan ng "probable cause."

Ayon kay Assistant City Prosecutor Rafael Villordon, hindi maaaring kasuhan si Mrs. Kho ng libel dahil sa wala raw silang nakitang "malice" sa mga pahayag na binitawan nito sa ilang mga panayam sa telebisyon. (Click here to read related story.)

"This office has reason to believe that respondent was able to rebut the presumption of malice under the law. She (Irene) earnestly believed her allegations as true and there is no clear showing that there was any malicious intention to cause damage to Katrina's reputation," sabi ni Villordon sa isang limang-pahinang resolusyon.

Sa nasabing panayam, na ipinalabas noong Mayo 25 at 26 sa TV Patrol World, sinabi ng ina ni Hayden na gumon daw si Katrina sa paggamit ng bawal na gamot, ang aktres rin daw ang nagbuyo sa kanyang anak na gumamit rin nito. (Click here to read related story.)

Sa sinampang kaso ni Katrina, sinabi ng aktres na sinira raw ni Irene ang kanyang reputasyon sa pamamagitan ng mga binitawang pahayag.

Sumailalim din ang aktres sa drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong June 2 at negatibo ang lumabas na resulta. Negatibo rin ang resulta ng drug test ni Hayden, na ginanap din sa PDEA ng parehong araw. (Click here to read related story)

Sa pagbasura sa kaso, sinabi ni Villordon na natural lamang daw na masabi ni Irene ang naging pahayag niya dahil dinidepensehan nito ang kanyang anak.

"The statements of Irene in her interviews... were evidently made with good motives and for a justifiable cause as they rose from the natural obligation of a mother to defend her son," pahayag ni Villordon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga panayam ni Irene ay kaugnay sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang anak na si Hayden, kung saan ang mga sex videos na kinunan nito kasama ang iba't ibang babae—kabilang na si Katrina—ay kumalat sa publiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN