Ara Mina denies report that she was seen with Manny Pacquiao in a hotel

"Kung magkikita kayo, dapat hindi in public! Nakakaloka, di ba? Hindi kami nagkasama sa isang hotel. Baka naman may iba siyang kasama at ako lang ang sinasangkalan?" says Ara Mina about report that she was spotted with Manny Pacquiao at Pan Pacific Hotel in Malate playing poker.


May natapos gawing indie film si Ara Mina, Marino, mula sa ATD Entertainment Productions, kung saan kapareha niya rito si Allen Dizon.

Second time na nina Ara at Allen na magtambal sa pelikula. Una silang nagkatrabaho nang pareho pa lang silang baguhan sa pelikulang Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga (1996) na pinagbidahan ni Rosanna Roces. Sa naturang pelikula ay nagkaroon sila ng torrid love scenes. Pero rito sa Marino, kahit pa mag-asawa ang role nila ay wala silang love scene.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara kahapon, August 27, sa presscon ng Marino na ginanap sa Gerardo's Restaurant.

Ayon kay Ara, natutuwa siya at may dumating na offer sa kanya na pelikula na hindi niya kailangang magpakita ng katawan o magpa-sexy. Hangga't maaari raw kasi ay ayaw na niyang gumagawa ng mga ganoong eksena.

"Kay Cristine [Reyes, her younger sister] na lang yun. I mean, lahat na yata ng klaseng pagpapa-sexy nagawa ko na. Lahat ng klaseng love scenes, name it, nagawa ko na, di ba? Parang rape scenes ganyan, yung aggressive ako, pati phone sex, di ba? Kulang na lang yung gumawa ako ng sex video!" natatawang wika ni Ara.

CRISTINE REYES. Speaking of Cristine, ayon kay Ara ay nagkaayos na ulit sila ng kapatid na ilang beses niya nang nakatampuhan.

"Basta nag-text na lang siya sa akin. Ayun, okey na ulit kami. Magkasama nga kami kagabi," banggit niya.

Hindi ba nila pinag-usapan ang naging tampuhan nila? Hindi ba sila nag-usap nang masinsinan?

"Hindi na uso yung mga heart-to-heart talk," sagot ni Ara. "Parang as if nothing happened, dedma. Basta nagkakaintidhan na kami ulit. Kasi ako naman, anytime naman, nandiyan lang ako. Kahit pa anong mangyari, kapatid ko, 'yan, di ba? So, hindi ko matitiis na pag nag-text siya o ano ay dedmahin ko siya. Pero mas ano siya, approachable siya sa akin ngayon. Lagi na siyang nagti-text. 'Ate, anong gawa mo? San ka punta? Anong lakad mo? Sama ako...' yung mga ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MANNY PACQUIAO. Nang gumawa ng pelikula si Ara kasama ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay na-link sila sa isa't isa.

Kahit ngayong matagal nang naipalabas ang pelikula ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyu na may namamagitan daw sa kanilang dalawa. Kamakailan nga lang ay may kumalat na balita na nakita raw silang magkasama sa Pan Pacific Hotel sa Malate habang naglalaro ng poker ang boksingero. Totoo ba ito?

"Nakakaloka naman, sa ano pa, in public pa?" reaksiyon ni Ara. "Kung magkikita kayo, dapat hindi in public! Nakakaloka, di ba? Hindi kami nagkasama sa isang hotel. Baka naman may iba siyang kasama at ako lang ang sinasangkalan?

"Wala naman kaming movie na ginagawa, so patayin na yung isyu. Pabalik-balik na lang, nakakairita na! Pero parang feeling ko lang, bakit kapag may laban siya, may isyu sa aming dalawa, di ba? Hindi n'yo ba pansin, kada may fight, hindi naman ako nagpa-fight!"

ARA'S BOYFRIEND. May non-showbiz boyfriend si Ara na hanggang ngayon ay ayaw pa niyang sabihin ang pangalan at kung ano ang trabaho nito. Katuwiran niya ay hindi naman ito showbiz kaya hindi na kailangang mabanggit pa ang pagkakakilanlan nito.

Hindi ba naapektuhan ang boyfriend niya sa mga intriga sa kanya?

"No. Minsan nga, siya pa ang nagkukuwento sa akin. Kasi sa mga Internet, siyempre 'pag office work, minsan 'pag may time na nagba-browse siya, and then siya ang nagsasabi sa akin, 'O, you have articles.' Siya ang nag-a-update sa akin!" natatawang kuwento ni Ara.

DUET WITH JOMARI. Naging boyfriend ni Ara ang aktor na si Jomari Yllana, isa sa contestants sa Celebrity Duets Seasons 3 ng GMA-7. Sa isang interview kay Jom ay sinabi niya na kung mabibigyan siya ng chance ay gusto niyang maka-duet sa show ang mga nakarelasyon niya, gaya nina Aiko Melendez, Pops Fernandez, at si Ara. Papayag ba si Ara kung saka-sakali na makipag-duet kay Jomari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, kaso, naka-commit na ako kay Niccolo Cosme [photographer], e. Inunahan niya si Jom. So sorry... Nung una, hindi ko pa alam na kasali si Jom, e," saad ni Ara.

Hindi kaya ayaw niya lang maka-duet si Jom?

"Hindi naman," tanggit ni Ara. "Okey naman kami ni Jom, di ba? Kaya lang, naunahan na nga siya ni Niccolo, e."

Pero okey lang ba sa kanya na maka-duet si Jom kung hindi ito naunahan ni Niccolo? Nahihiya nga lang daw si Jom na sabihin o kausapin siya?

"Alam ninyo, ang arte niya!" natatawang sabi ni Ara. "I'm just a text away. Text niya lang ako, 'Uy, puwede ka ba?' 'Okey.' Pero kung padadaanin pa niya sa ibang tao, huwag siyang maarte, 'no! Puwede naman siyang dumiretso sa akin. Puwede niya akong tawagan o i-text. Hindi naman ako nagpapalit ng number, 'no!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN