PEP EXCLUSIVE: Katrina Halili's camp to file petition for DOJ review after dismissal of her libel case vs. Irene Kho

"We will no longer file any motion for reconsideration sa Quezon City Prosecutor's Office because we believe it would be useless, an exercise in futility. By next week, we will file petition for review sa Department of Justice [DOJ]. At the end of the day, DOJ will determine kung may kaso ba or wala," says Atty. Raymund Palad, legal counsel of Katrina Halili (in photo) about dismissal of the libel case filed by the actress against Mrs. Irene Kho.


Kahapon, August 27, ay ibinasura na ng Quezon City Prosecutor's Office ang libel case na isinampa ni Katrina Halli laban sa ina ni Hayden Kho na si Mrs. Irene Kho. "Lack of probable cause" ang ibinigay na dahilan ni Assistant City Prosecutor Rafael Villordon sa dismissal ng kaso. (Click here to read related story.)

Ayon sa resolusyon na isinumite ni Villordon, wala raw malisya ang mga naging pahayag ni Irene sa panayam sa kanya sa TV Patrol World noong May 26, kung saan pinaratangan nito si Katrina na gumagamit ng bawal na gamot at siyang naglulong sa kanyang anak.

Sa pangyayaring ito, minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag ang tumatayong legal counsel ni Katrina na si Atty. Raymund Palad sa dismissal ng complaint.

Ani Atty. Palad, "Siyempre, disappointed in the sense na ang duty ng investigating prosecutor is only to determine probable cause whether or not the crime has been committed. In this case, the prosecutor determined already the absence of malice when the determination of malice should have been passed on to the court in a criminal case."

Sa kabila nito, hindi na raw sila magpa-file ng motion for reconsideration sa Quezon City Prosecutor's Office.

"Of course, nandiyan na 'yan. We will no longer file any motion for reconsideration sa Quezon City Prosecutor's Office because we believe it would be useless, an exercise in futility. By next week, we will file petition for review sa Department of Justice [DOJ]. At the end of the day, DOJ will determine kung may kaso ba or wala," saad ng abugado ni Katrina.

Tinanong din namin si Atty. Palad kung ano naman ang naging reaction ni Katrina sa dismissal ng complaint niya laban kay Mrs. Kho.

"Of course, we talked last night. Nasa Subic siya ngayon. We just explained to her yung mga nangyari. Of course, may mga discussion kami as to the real reason and that we cannot divulge already. We tell her, we will go to DOJ to obtain justice," lahad ni Atty. Palad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Disappointed ba si Katrina sa pangyayari?

"Hindi naman," sagot ng abugado. "Kasi, mas focus naman talaga ay yung sa DOJ, yung violation of RA 9262, yung complaints against Hayden Kho. Ito ay mga anak-anak na kaso resulta sa naging interview ni Irene Kho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN