Kim Chiu asks Kimerald fans to support Gerald Anderson and Erich Gonzales in Tiagong Akyat

Kim Chiu sees the successful pairing of love teammate Gerald Anderson with Erich Gonzales in Tiagong Akyat as probably the beginning of the end for Kimerald, but she's philosophical about it. "Wala, e, ganun talaga. Walang bagay na magtatagal sa show business kaya tinatanggap na namin."


With the high ratings of Tiagong Akyat, marami ang nagbigay obserbasyon na mukhang kaya na ni Gerald Anderson ang kumawala sa loveteam nila ni Kim Chui at magdala ng sariling show at kapareha. Si Erich Gonzales ang ka-partner niya sa Tiagong Akyat. Sa kabila ng negatibong reaksiyon ng mga die-hard Kimerald fans, marami din naman ang aprubado na ipareha sa iba ang young actor.

When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Kim, nagbigay pahayag naman ang aktres na alam niyang kaya na talaga ng kaparehang magsolo at naniniwala rin siya ka kung siya naman ang mabibigyan ng pagkakataon ay alam niyang kaya niya ring patunayan ang sarili.

"Alam ko naman na kaya ni Gerald kasi sobrang galing niya talaga. Kahit ako humahanga ako sa kanya lalo na sa Tayong Dalawa, lumalabas ang galing niya.

"Oo, gusto ko rin namang mapatunayan ang sarili ko na di kasama si Gerald. Siyempre si Gerald, napatunayan na niya na kaya niya dahil sa Tiagong Akyat, ang taas ng ratings saka ang daming nanood. Parang naiwan ako, nasa Tayong Dalawa palang ako. I must admit kinakabahan ako, natatakot, pero alam ko kung bibigyan ako ng pagkakataon, papatunayan ko ang sarili ko."

Pinanood pala ni Kim ang first airing ng Tiagong Akyat kahit na nasa States sila noon.

"Oo, pinanood nga namin sa YouTube."

CALLING ALL KIMERALDS. Nakiusap din si Kim sa Kimerald fans na sana ay suportahan si Gerald kahit si Erich ang kapareha nito. Ayon sa aktres, kaibigan din niya si Erich at naiintindihan niya na trabaho lang ang lahat.

"Siyempre, Kimerald sila so Kim-Gerald supporters talaga sila. Gusto nila magkasama kami lagi ni Gerald para lagi namin silang mapasaya, pero desisyon ng management yun na iba naman so para maiba. Sana suportahan na lang natin si Gerald sa bagong show niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Erich, actually kaibigan ko siya. Mabait yun 'saka trabaho niya yun, magaling naman siya."

Sa tanong namin kung tanggap na ba niya na baka simula na ito ng pagbubuwag ng tambalang Kim-Gerald, para kay Kim ay napaghandaan na niya at tanggap ito.

"Wala, e, ganun talaga. Walang bagay na magtatagal sa show business kaya tinatanggap na namin."

Ilang Linggo na lang ay matatapos na ang Tayong Dalawa. Kinukunsidera ni Kim ang role niya bilang Audrey ang pinaka-challenging role na nagampanan niya sa ilang taong pamamalagi niya sa show business.

"Oo, matatapos na kami, less than 20 nights na lang kaya dapat abangan nila ang bawat gabi na mangyayari kasi pag naligaw sila sa isa, wala na sila sa kuwento. Sana tutukan nila ang pagtatapos namin. Sobrang daming twists na di mo akalaing mangyayari.

"Gaya nila Jake and Gerald, ito talaga ang pinaka-challenging role na nagampanan ko so far. Sobrang matured, lahat na yata ng klase ng iyak, iniyak ko na. Ito na yung pinaka-memorable role ko."

Sa consistent na high ratings ng Tayong Dalawa, dito napatunayan ni Kim na nagbunga ang lahat ng pagod, hirap at puyat nilang lahat sa nasabing show.

"Masaya at nakakawala ng pagod. Sa lahat ng mga iniyak ko, sa lahat ng mga ginawa naming paghihirap, nakakatuwa na tinangkilik at patuloy siyang tinatangkilik ng tao, so lalong nakakagana na magtrabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN