PUP recognizes Carlo J. Caparas as artist with tribute dinner and medallion

Carlo J. Caparas was recently honored by state university PUP with a special dinner and medallion recognizing his contribution to visual arts, which should be a balm to the embattled director and komiks writer's battered ego since being savaged as a choice for the National Artist Award.


Pagkatapos ng pagmamartsa ng mga artista, pagbaon ng ilang mga National Artists ng kanilang mga medalya, at pagpaparating ng mga reklamo at batikos nila sa pagkakapili kina Ms. Cecile Guidote-Alvarez at Direk Carlo J. Caparas bilang mga National Artists din, nauwi na sa Korte Suprema ang desisyon kung matutuloy ang pagpoproklama sa kanila o hindi.

Sa ngayon ay wala munang pagkilos na maaaring gawin ang MalacaƱang at ang kabilang panig, bagay na sa tingin ni Direk Carlo ay wasto lamang at siniguro niya sa amin na rerespetuhin niya anuman ang maging desisyon ng Korte Suprema.

"Nagbigay ang Korte Suprema ng order na status quo na ibig sabihin wala munang pagkilos sa magkabilang panig habang pinag-uusapan o nagkakaroon ng deliberasyon. Siguro oral argument tungkol sa petition na hinarap ng mga nagrereklamo.

"Sabi ko nga, kumikilala ako ng liderato ng Pangulo, lalong kumikilala ako sa daloy ng batas ng ating bansa."

BENEFITS, TOO, SHOULD BE GIVEN UP. Isang uri ng protestang ginawa ng ilang mga National Artists ay ang pagbaon ng kanilang medalya na parang hudyat na nabayaran o nadadaan na sa palakasan ngayon ang paggawad ng nasabing karangalan. Para kay Direk Carlo, mas magiging makatotohanan at epektibo ang ginawang aksyon ng mga ito kung pati mga benepisyong tinatanggap nila bilang mga National Artists ay ipapatigil na rin nila.

"Di ko nakita 'yan kasi di naman ako nakipaglibing. 'Yan ay bugso ng damdamin nila at walang makakaharang doon, pero sana ilibing na rin nila ang daan papunta sa NCCA [National Commission for Culture and the Arts] kung saan kinukuha nila ang kanilang pension at pakinabang. Kundi nila kinikilala ang kanilang medalya at binibitawan nila, bitawan na rin nila ang kanilang mga pension at 'wag nilang kunin ang kanilang pakinabang."

May ilan sa mga kapatid sa industriya ang nagsabi na di nila nirereklamo ang pagkakapili kina Direk Carlo J. kundi ang maling proseso na pinagdaanan nito kung saan dahil malakas lang daw sila kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay pinasok silang pilit at nilaglag ang mas higit raw na karapat-dapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung 'yan ang sinasabi nila na di ako ang nirereklamo nila, mabuti naman at natauhan sila. Ngayon kung proseso ang nirereklamo nila, bakit nasa lansangan sila? Bakit di nila dinulog noong una pa man sa korte, tutal sa korte din naman nila idinulog ngayon? Dapat noon pa, ginamitan na nila ng mapayapang pamamaraan sa pamamagitan ng pagrereklamo sa korte.

"Alam mo, di ko na pinaniniwalaan ang mga boses ng mga nasa daan kasi naman kung nagrereklamo sila at sasabihin nilang tama ang ginagawa ng inirereklamo, baka di sila magrereklamo, di ba? Ayoko nang patulan yung mga iba pang sinasabi nila na pati pagdo-drawing ko na di raw ako marunong, magiging kahangalan na sa panig ko pag pinatulan kong kahalangang sinasabi nila."

"Malapit ang loob ko sa Presidente dahil naniniwala ako sa liderato niya, pero walang palakasan sa Presidente. Sa pagkakakilala ko sa kanya na huling nakausap ko nung ilunsad ang [CJC] Komiks nung [2007], ang ating Presidente ay tagasuporta ng sining ng komiks, ng telebisyon at pelikula. Nung nakita ko na tagasuporta siya ng komiks, telebisyon at pelikula, awtomatiko, napalapit ang loob ko sa kanya."

HONOR FROM PUP. Marami sa mga taga-industriya ang nagreklamo at nagsabing wala siyang karapatan sa mataas na karangalan. Di ba nasaktan si Direk Carlo sa ginawang ito ng mga kasama at kapatid niya sa hanapbuhay?

"Ilan lang naman sila, ang binibilang ko ay ang suporta ng industriya na halos lahat nagbibigay ng suporta. Sila ay iilan lang na nasa daan at karamihan pa diyan ay nanghihingi ng trabaho sa akin na maging artista ko na di ko napagbigyan. Yung iba naman nagbigay ng mga scripts sa akin na di ko naman natanggap dahil nagsusulat din naman ako ng script at di naman ganun karami ang ginagawa naming pelikula."

Kamakailan ay pinarangalan ng Polytechnic University of the Philippines si Direk Carlo sa isang special dinner kunsaan binigyan siya ng isang medalyon bilang pagkilala sa kanya as an artist sa visual arts and films. Emosyonal si Direk Carlo nang tanggapin niya ang nasabing parangal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito ay medalyon ng pagkilala ng PUP. Para sa akin napakahalaga nito dahil ang PUP ang isa sa pinakamalaking pamantasan sa ating bansa. Mahigit sa 50,000 ang kanilang estudyante at para pagkalooban ng ganitong karangalan ay napakalaking bagay sa katulad ko na di man lang nakatuntong sa mataas na paaralan o pamantasan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN