Klaudia Koronel and Andy Zhang have their dream wedding and hope to live happily ever after

After the wedding ceremony, Andy led Klaudia to the reception venue while singing "Perhaps Love," the couple's theme song (bottom left), after which they danced to "Baby, Now That I've Found You" (right), before slicing their wedding cake shaped like the Eiffel Tower in Paris (upper left), where they first fell in love.


Masayang-masaya ang former sexy actress na si Klaudia Koronel (Milfe Dacula in real life) dahil naging maayos at maganda ang kanyang kasal kay Andy Zhang, isang Chinese-American businessman. Ginanap ito last Friday, August 28, sa Iglesia Ni Kristo Temple sa Commonwealth Avenue, Diliman, Quezon City. Ang reception naman ay ginawa sa Fernwood Gardens.

Sa EDSA Plaza Hotel inayusan si Klaudia para sa kanyang bonggang wedding. Hindi nga makapaniwala si Klaudia na maisusuot na niya ang pinatahi niyang wedding gown na gawa ng fashion designer na si Edward Teng. May isa pa siyang sinuot para naman sa wedding reception. Gusto maiyak ni Klaudia habang suot na niya ang kanyang wedding gown, pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil baka masira raw ang makeup niya at madumihan ang kanyang all-white bridal gown.

Panay ang tanong ni Klaudia kung ano ang hitsura ng kanyang groom na si Andy. Hindi na nga kasi sila nagkita nito dahil sinunod nila ang pamahiin na bawal magkita ang mga ikakasal bago ang kanilang wedding day.

"Panay ang tanong ko nga kung guwapo ba si papa ko? Sinasabi naman sa akin na guwapo nga raw. Iniisip ko nga kung ano ang hitsura niya kapag nagkita kami sa simbahan. Kinikilig ako na hindi ko maintindihan," sabay ngiti ni Klaudia.

FUN WEDDING RECEPTION. Sinundo si Klaudia ng isang vintage Rolls Royce na siyang nagsilbing bridal car niya papunta sa simbahan. Pagdating roon ay kaagad na nagsimula ang wedding at throughout the ceremony ay kinakabahan si Klaudia dahil baka iba raw ang maisagot niya sa nagkakasal sa kanila.

"Kilala n'yo naman ako. Bukod sa pilipit ang dila ko, kung anu-ano pa ang mga naisasagot ko. Buti na lang naka-concentrate ako sa kasal namin at kapag tiningnan ko si Andy, nawawala ang kaba ko. Kapag ngumiti na siya sa akin, hayun wala na ang mga naiisip ko na nagpapataranta sa akin," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa wedding reception ay may kakaibang drama ang bride and groom. Unang lumabas si Andy at inawit niya ang song na "Perhaps Love." Iyon pala ang theme song nilang dalawa ni Klaudia at sinundo pa niya ang kanyang bride habang pababa ng hagdan sa loob ng reception venue.

Pagdating nila sa gitna ng venue ay nagkaroon sila ng surprise dance number na ayon sa aming nakausap ay si Klaudia ang nakaisip at nag-choreograph. Marami ang natuwa sa cute na dance number nila to the tune of "Baby Now That I've Found You."

Kaagad nilang hiniwa ang kanilang wedding cake in the shape of the Eiffel Tower na matatagpuan sa Paris, France. Sa Paris daw kasi sobrang na-in love ang dalawa kaya malaki ang kinalaman ng famous landmark na iyon. Bukod sa wedding cake na iyon ay may smaller cakes sa paligid in the shape of different signature traveling bags tulad ng Chanel and Louis Vuitton.

Sa bawat mesa sa reception ay may centerpiece na may nakadikit na mga litrato nina Klaudia at Andy. Ito ay ang mga photos nilang kinunan habang nagta-travel sila sa iba't ibang bansa. Nakasabit naman sa backdrop at the center of the venue ang wedding pictorial nila na ginawa naman sa Fernbrook Gardens in Las PiƱas City.

FAMILY SUPPORT. Nang makausap na namin ang bride and groom, nagpapasalamat sila sa suportang ibinigay ng kanilang mga pamilya. Parehong present ang kanilang mga magulang, pati na ang ang ibang kamag-anak at malalapit na kaibigan. Ang mga celebrity friends ni Klaudia na nandoon ay sina Ara Mina at Gladys Reyes na tumayong mga bridesmaids niya at ang GMA-7 broadcast journalist at film director na si Cesar Apolinario.

"Nagpapasalamat nga ako dahil dumating na ang araw na ito na akala ko ay hindi na darating. Heto, kasal na ako at Mrs. Milfe Dacula-Zhang na ako. Kung ano ang pinangako ko kay Andy ay tutuparin ko. Iyon ay ang maging mabuting asawa. Mamahalin, pagsisilbihan at pasasakop ako sa kanya habang-buhay," ngiti pa ni Klaudia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Andy, masaya siya dahil nakatagpo siya ng babaeng mamahaling habang-buhay kay Klaudia.

"Fe is a very simple and beautiful girl. What I liked about her is her being so honest. She never hid anything from me. The girl that I first knew in the chat room is the same girl that I've married and I am very proud of her.

"Fe loves her family and she will do anything just to make sure they are okay. I'm like that as well, I put my family first before anything else. I know for a fact that Fe will take care of our own family when that time comes."

HONEYMOON ON HOLD. Nabanggit ni Andy na iiwanan muna niya si Klaudia for a week dahil may aasikasuhin siyang mga negosyo. Ayaw sana niyang umalis agad dahil bagong kasal sila, pero importante raw ang mga gagawin niya at babalik siya kaagad.

"Much as I don't want to leave my wife yet, but duty calls. I have many papers to sign and a business to take care of. But I will only be gone for a week and I will be back for my wife.

"Fe understands what I'm doing and that's what I like about her. She understands and she stopped asking me questions. She trusts me now and that's a good sign for us," tawa pa ni Andy.

Sey nga ni Klaudia na ang plano nilang mag-honeymoon agad ay mabibitin muna dahil aalis nga si Andy. Magpaplano na lang daw sila kapag bumalik na ito ulit sa bansa.

"May mga plano na kami dapat pero biglang may dumating na trabaho siya at hindi naman puwedeng hindi niya puntahan iyon. Kaya wala muna ang honeymoon namin. Kapag nakabalik na lang siya, doon na kami gagawa ng plano. Either dito na lang sa Pilipinas o sa ibang bansa. Depende pa rin sa mangyayari pag balik niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIFE HERE OR IN THE U.S. Plano ng mag-asawa na tumira sa US. May bahay nang nabili roon si Andy para sa kanilang dalawa sa Phoenix, Arizona. Okey lang daw kay Klaudia na tumira roon pero kung siya ang papipiliin, mas gusto pa rin niya dito sa Pilipinas mag-stay.

"Willing naman akong tumira sa US. Nandoon kasi ang business ng family ni Andy at pati ang trabaho niya nandoon lahat. Bilang asawa niya, kailangan nandoon ako sa tabi niya at pagsilbihan siya. Yun kasi ang promise ko sa kanya.

"Pero siyempre, kung tatanungin niya ako saan ko gusto, mas gusto ko talaga dito sa atin. Nandito kasi lahat ng pamilya ko at mga kaibigan. Kahit nasa malayo si Andy, nandiyan naman ang family and friends ko na makakasama ko parati at madali lang silang mapuntahan."

Sabi ni Andy, mapag-uusapan naman daw nila ni Klaudia kung saan sila titira talaga. May mga choices naman daw sila.

"I know how close Fe is with her family and friends here. It's something that all Filipinos have, a closely-knit family. I understand that it would make her sad to leave them if she lives in the US with me. She knows that my life is out there and I am running a business for us and my family.

"But I see no problem if we stay here. I had the chance to live here as well and I fell in love with the Philippines. It's also where I met the woman who will be with me forever, right? We will talk about that soon and maybe we will come to a good decision."

HOPING FOR A GIRL. Tungkol naman sa pagsisimula ng kanilang sariling pamilya, gusto nga ni Andy ay magbuntis na kaagad si Klaudia. Baby girl ang gusto niyang anak nila.

"I told Fe that I wanted a baby girl right away. If she gives me that, we will stop right there. But if it's a boy, we will keep trying until we get a baby girl!" natatawang sabi ni Andy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang wish sana ni Klaudia ay kambal na babies. Kung puwede raw sana ay isang boy at isang girl para kumpleto na.

"Sana nga kambal na ang ipagbuntis ko para isang irihan na lang, may boy and girl na kami," tawa niya.

"Cute kasi kapag kambal, di ba? Parang ang sarap nilang damitan at alagaan. Pero kung ano ang ipagkaloob sa amin ng Diyos, okey na sa akin iyon. Basta masaya kaming mag-asawa at makapagsimula na kami ng sarili naming pamilya," pagtatapos ni Mrs. Klaudia Koronel-Zhang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN