Former actress Klaudia Koronel grieves the death of INC's Eraño Manalo

"Paano ang buhay ko ngayong wala na siya na itinuturing kong ama sa buhay ko? Sino ang lalapitan ko kapag nasa matindi akong pagsubok? Para akong naulila. Siya ang tumanggap at umunawa sa akin 'pag di ako tanggap ng tao. Siya ang nagpapayo na huwag kong intindihin ang tingin sa akin ng tao, na ang intindihin ko ay kung ano ang tingin sa akin ng Diyos," says Klaudia Koronel about INC Executive Minister Eraño Manalo, who died yesterday.


Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng tawag kaninang umaga, September 1, mula sa dating aktres na si Klaudia Koronel. Umiiyak siya habang ibinabalita sa amin na namatay na si Ka Eraño G. Manalo, ang Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Ayon kay Klaudia, napakalaki ng naitulong ni Ka Eraño sa kanya, sa buhay niya, at maging sa pag-aasikaso ng kasal nila ng mister niyang si Andy Zhang. Ikinasal sina Klaudia at Andy last Friday, August 28, sa Iglesia Ni Cristo Main Temple, Commonwealth Ave., Quezon City.

"Marami akong hininging tulong at mga payo sa kanya [Ka Eraño]," sabi ng humihikbing si Klaudia. "Hindi niya ako pinagdamutan ng mga payo. Marami, tulad ng pagwawasto ng buhay ko, sa pag-aaral ko dati, sa pagiging matatag. Itinuring ko siyang para kong tunay na ama.

"Tuwing may gagawin akong hindi tama noon, siya ang iniisip ko. Kasi ayoko siyang magdamdam, kaya napipigilan ko ang paggawa ng masama. 'Pag nasasaktan ako, maliban sa Diyos, siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.

"Paano ang buhay ko ngayong wala na siya na itinuturing kong ama sa buhay ko? Sino ang lalapitan ko kapag nasa matindi akong pagsubok? Para akong naulila. Siya ang tumanggap at umunawa sa akin 'pag di ako tanggap ng tao. Siya ang nagpapayo na huwag kong intindihin ang tingin sa akin ng tao, na ang intindihin ko ay kung ano ang tingin sa akin ng Diyos.

"Hindi lang sa kasal ko siya nagpayo sa akin, mula pa year 2000, siya na ang gumagabay sa akin. Bawat desisyon ko, idinadaan ko muna sa kanya. Tapos sa kasal ko, marami rin siyang naitulong sa amin ni Andy. Napakabait niya, kaya sobrang lungkot na lungkot ako. Kaming lahat, lungkot na lungkot sa pagkawala niya.

"Kaya pala kinakabahan ako, mula pa sa kasal ko, lutang ang isip ko. Kagabi at kahapon pa, hindi ako makatulog. Parang hinintay niya na maikasal ako, tapos nawala na siya," tuluy-tuloy na lahad ni Klaudia na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Facebook account ni Klaudia, ito ang kapu-post lang na entry niya:

"Namatay na po si Ka Eraño G. Manalo. I can't stop crying... Sobrang lungkot. Di ko kaya ang lungkot... Tinapos lang niya ang kasal ko. Salamat po. Ka Erdy...."

Habang kausap namin si Klaudia ay papunta na siya sa INC Central Temple dahil gusto niya na isa siya sa pinakaunang makarating sa kinaroroonan ng mga labi ng namayapa nilang pinuno.

Cardiopulmonary arrest ang ikinamatay ni Ka Eraño sa edad na 84. (Click here to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN