Gerald Anderson being groomed as solo star, fans protest breakup of loveteam with Kim Chiu

"Si Kim talaga ang ka-loveteam ko, alam ng lahat yun. Nagkasama kami nung nagsisimula kami, but okey lang din. Growth para sa amin yun as actor and actress," says Gerald Anderson about the possible breakup of his loveteam with Kim Chiu.


Kasabay ng pagkilala sa husay na ipinamamalas ni Gerald Anderson sa ABS-CBN primetime series na Tayong Dalawa, humahataw rin sa national ratings ng TNS ang pinagbibidahan niyang weekly series na Tiagong Akyat. Ang young actor din ang napili bilang cover ng Cosmo Centerfolds this year.

"Maraming blessings na nangyayari sa akin kaya sobra akong nagpapasalamat sa ABS, kila Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN business head]... sa lahat-lahat. Ang laki ng tiwala nila sa akin para ipagkatiwala nila ang role ko as JR sa Tayong Dalawa at Tiagong Akyat. Sobrang saya ko dahil mataas ang ratings namin," saad ni Gerald sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Star Magic Ball sa Shangri-La Makati last Sunday, August 30.

GOODBYE KIMERALD? Sa magagandang nangyayari ngayon sa career ni Gerald, marami ang nagsasabing unti-unti na siyang kumakawala sa loveteam nila ni Kim Chiu upang maging solo star. Ano ang masasabi niya rito?

"Naniniwala ako na kaya rin naman ni Kim na magsolo," sabi ng young actor. "Wala pa lang siyang pagkakataon para gawin ang project na solo siya. In the future, mangayari yun, makakatanggap siya ng project na maganda at, 100 percent, susuportahan ko siya."

Naaalarma tuloy ang mga masugid na tagahanga ng Kimerald loveteam dahil ang paglulunsad daw kay Gerald bilang solo actor at pagpapareha sa kanya sa ibang aktres ay simula na ng pagkabuwag ng tambalan nila. Pero tiniyak naman ng young actor na magkahiwalay man sila ni Kim, alam niyang magkakapareha at magkakasama pa rin sila sa future projects ng ABS-CBN.

"Definitely, malulungkot ako," sambit ni Gerald. "Si Kim talaga ang ka-loveteam ko, alam ng lahat yun. Nagkasama kami nung nagsisimula kami, but okey lang din. Growth para sa amin yun as actor and actress.

"Saka kung maghihiwalay man kami in the future, magkakaroon din kami ng project na magkakasama din kami. 'Saka huwag muna natin masyadong isipin yun kasi may Tayong Dalawa pa. Sa tingin ko, may pinag-uusapan na movie after Tayong Dalawa, so marami pang dapat abangan sa amin ni Kim."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang parehong naging housemates sila sa unang season ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

TEAM UP WITH ERICH. Sa pagkakapareha ni Gerald kay Erich Gonzales sa Tiagong Akyat, negatibo ang reaksiyon ng Kimerald fans. Para sa aktor, normal lang na gano'n ang maging reaksiyon ng mga masusugid nilang mga tagahanga.

Paliwanag ni Gerald, "Kimerald kasi sila, solid Kim and Gerald fans, so natural na ganun ang reaction nila. But in spite of it, sinusuportahan pa rin nila kami ni Kim kahit magkahiwalay ang mga projects namin. Sobrang nagpapasalamat kami sa kanila dahil hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila para sa amin."

Dagdag niya, "Kami ni Erich, trabaho lang namin ito, wala kaming magagawa because ABS ang nag-decide na magkapareha kami."

TAYONG DALAWA. Ilang gabi na lang ay matatapos na ang Tayong Dalawa. Nagpahayag si Gerald ng pasasalamat sa suportang ibinigay ng publiko sa teleserye.

"Sobrang nakakataba ng puso na sa simula pa lang ng Tayong Dalawa, mataas na ang ratings namin at sana hanggang sa huli. Masarap yung pakiramdam na yung pagod namin, may kinapupuntahan.

"Challenging, at the same time, dream role ko rin [ang papel niya bilang JR]. Ang dami kong natutuhan sa Tayong Dalawa. Yung mga kasama namin, sila Ms. Pie [Cherry Pie Picache], Ms. Gina [PareƱo], marami silang itinuro sa amin at kahit mga veteran stars na sila, napakagagaling na nila, masarap silang kasama sa set."

COSMO CENTERFOLD. Si Gerald ang isa sa Cosmo Centerfolds this year. Para kay Gerald ay napakalaking karangalan ito sa kanya dahil sa dinami-dami ng young actors ay isa siya sa napili ng Cosmopolitan. (Click here to read related story.)

"Masaya, nakakataba ng puso ko na ako ang pinili nila sa dinami-dami namin, tapos cover pa. So, sobrang overwhelming. Nice yung feeling na nagbunga yung pagwo-workout ko, diet paminsan-minsan. But mostly, workout talaga."


Click HERE to view photos taken during the 2009 Star Magic Ball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN